Free throw

302 27 23
                                    

Nicholas Noah Point of View

"Mukhang malalim ang iniisip ng kapatid ko ah" bati sakin ni Kuya Mark. Inabutan ko siya ng isang bote ng stallion at kusa ng naupo sa harapan ko si Kuya. Hindi ako nagsasalita. Nakatingin lang ako sa cellphone ko na nakapatong sa lamesang nasa harapan namin. 

"Handa akong makinig Noah" basag ni Kuya sa katahimikang bumabalot saming dalawa. Nanatili akong tahimik. Hindi ko kasi alam kung paano ko sisimulang ikwento o ipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na naramdaman ko ito. Gulong gulo na isipan ko.

"Tungkol ba kay Chrien?" muling sabi ni Kuya dahilan para makaramdam ako ng kakaiba sa sarili ko. Hindi ko alam kung ano itong bigla kong naramdaman.

"Kuya naniniwala ka bang pwedeng magmahal ng dalawang tao?" lakas loob na tanong ko. Napansin kong umayos ng pagkakaupo si Kuya Mark.

"May nakilala kasi akong babae Kuya. Masaya ako kapag kasama ko siya. Ang gaan ng pakiramdam ko. Pakiramdam ko nagkakasundo kami sa lahat ng bagay. Nakakalimutan ko ang ibang nakasanayan kong ginagawa dahil sa kanya. Naiimagine ko ang future naming dalawa. Parang ang perpekto ng lahat Kuya" mahabang kwento ko kay Kuya. Nanatiling nakatingin lang sakin si Kuya.

"Yung mga dating hindi ko nagagawa, nagagawa ko na dahil sa kanya. Naeexplore ko ang paligid. Nasusubukan ko ang mga bagay na hindi ko naranasan dati Kuya" dugtong ko.

"Handa ba ang sarili mong masaktan si Chrien?" seryosong tanong ni Kuya sakin. Panandalian akong natigilan. Inabot ko ang isa pang bote ng stallion at binuksan ko ito.

"Mahal ko si Ien Kuya..." putol ko at tinungga ko ang bote ng alak na hawak ko. Halos maubos ko ang laman nito bago ko ulit ipatong sa lamesa.

"Pero..." mahinang dugtong ko.

"Ayokong makialam sa sitwasyon at desisyon mo Noah. Ikaw at ikaw rin  ang masusunod sa gusto mong gawin. Ikaw din ang magdedesisyon sa lahat ng bagay. Kung ano sa pakiramdam mong makakapagdulot sayo ng hinahanap mo, sige lang. Pero palagi mong tatandaan na hindi lahat ng iniiwan ay nababalikan" mahabang paliwanag sakin ni Kuya.

Matapos maubos ni Kuya ang stallion ay iniwanan na niya ako. Ang inaasahan ko nga ay magagalit siya dahil sa mga sinabi ko. Pero ang isa sa hindi ko malimutan sa sinabi ni Kuya ay magkaiba kami ng naranasan kaya dapat magkaroon kami ng sarili naming desisyon.

.

.

.

.

.

"Eto oh.."kasunod nun ay ang pag-abot sakin ng mini towel ni Maica. Habang nagpupunas ako ng pawis ay nakuha ang atensyon ko ng isang grupong paparating.

"Ien..." pagbuka ng bibig ko.

"Tol si Chrien oh" masayang reaksyon ni Chester. Bahagya akong tumingin kay Jake at umiling lang siya sakin. Aktong ihahakbang ko ang paa ko nung biglang narinig ko na ang pagsigaw na magready na dahil magsisimula na ang laro.

Tinawag na ang first five. Sabay sabay na kaming naglakad nila Jake.

Maliksing natapik ng kalaban ang bola at naipasa iyon kay Jairus. Iba ang pustura ni Jairus ngayon. Halatang seryoso dahil hindi sa mga kilos nito. Nung mga nakaraang laban kasi namin ay nakikipagbiruan pa siya sa mga kakampi niya habang naglalaro.

Two points by Jairus Cael Castillo!

Ramdam ko ang init ng laban ng team namin. Pinokus ko ang atensyon ko sa laro. Hindi ko binibigyan din ng pagkakataon na magkaroon ng error sa laban. Halos kaming dalawa ni Jairus ang nagpapasiklaban sa laro at halata iyon ng bawat isa sa team namin.

12 - 12 

Tumawag ng time-out ang coach namin. Bago ako tuluyang makaupo malapit kay coach ay sinalubong ako ni Maica. Pinahiran ang pawis ko at inabutan ako ng gatorade na kulay blue.

"Mukhang hindi magpapatalo ang kalabang team ah" puna ni Chester habang habol hiningang nakaupo.

"Mukhang hindi na magpapatalo si Jairus" seryosong sabi naman ni Jake at naupo na rin sa unahan ko.

Pinaliwanag ni coach ang set na gagawin namin. Kailangan daw kasing malamangan ng malaki agad ang kalaban dahil isa ang team nila Jairus sa magagaling na nakakalaban namin.

Muling pumito ang referee senyales na tapos na ang time-out at kailangan na namin bumalik sa loob.

"Noah" dahilan para mapatigil ako sa pagpapatuloy kong pagbalik sa loob.

"Ubusin mo muna to oh para mas gumaling ka pa" malambing na ngiting sabi ni Maica sakin. Ininom ko iyon at saktong pagbaba ng mukha ko ay nahagip ng mata ko ang paglundag ni Ien at pagdikit ng labi niya sa pisngi ni Jairus. Matapos iyon ay narinig namin ang mga sigawan sa kabilang team.

"Uy! Noah!" sigaw ni Chester dahilan para agad akong bumalik na sa loob.

Nagsimula na ulit ang laban. Hawak ni Jake ang bola. Alam ko yung ganitong set namin. Mabilis na inihagis ni Jake ang bola sakin ngunit biglang may sumulpot sa unahan ko at naagaw ang bola. Mabilis naipasa kay Jairus ang bola at tumakbo papunta sa ring nila.

Puntos ulit sa team nila.

Nasamin ulit ang bola. Sa pagkakataong ito ay si Chester ang may hawak dito. Tiningnan ko si Jairus at halatang nakuha lang ng tyempo ang nasa harapan niya para maagaw ulit ang bola.

"Jake ako dyan" sabi ko kay Jake tukoy ko sa pagbabantay kay Jairus. Ako na ngayon ang nasa harapan ni Jairus at ang pumipigil sa kanya sa paglapit sa bola. Walang pinapakitang ibang emosyon si Jairus kundi ang pagiging seryoso at desididong manalo. Ramdam ko iyon dahil halos magbanggaan na ang katawan naming dalawa.

Pumito ang referee.

Foul jersey number 08 - Castillo

Free throw ako. Pero ang isa sa mga napansin ko ngayon ay ang jersey number ni Jairus. Number 22 siya dati tapos ngayon naging 08?

Naishoot ko ang dalawang free throw.

24 - 22 

Lamang ang team namin.

Bumalik na rin si Jay sa loob ngayon. Nagpasubstitute siya kanina. Kailangan maging seryoso na ulit sa laban dahil si Jairus at Jay talaga ang tandem sa team nila.

Naagaw ni Jake ang bola at sumenyas ito sakin. Nakuha ko iyon kaya bahagya akong tumakbo sa sinenyas ni Jake. Naipasa ng maayos sakin ang bola at ibinuwelo ko na ang katawan ko sa pagtira sa bola.

"Jairus galingan mo pa daw lalo. Ayun oh tutok na tutok sayo" narinig kong biro ni Jay kay Jairus na nasa gilid ko.

"Shit!!" sabi ko nung maliksing naagaw sakin ni Jairus ang bola at tumakbo ito ng mabilis papunta sa ring nila.




Author: Salamat po sa pagsubaybay :) Short update po muna.

Pls comment, vote and reaction plissss :)

Thankyou po :)


Ang Manliligaw Kong Bully Book VITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon