Pasensya na po at ang tagal kong nawala. Napakadami lang po talagang ginagawa. Pero - eto na ulit meeeee :)
Preview muna po tayo sa ANG MANLILIGAW KONG BULLY BOOK IV - II (after six years)
Chapter I
Chriden Miguel Point of View
Unti unti kong itinunghay ang mukha ko dahil sa sunod sunod na sigawang naririnig ko. Panay ang tunog ng ambulansya. Bahagya kong pinahiran ang dalawang mata kong panay ang pagtulo ng mga luha. Itinuon ko ang mata ko sa mga taong nagmamadaling makapasok dito sa pintuang nasa gilid ng kinatatayuan ko. Ang emergency room.
"Den! Den!!!!!!!" malakas na narinig kong pagtawag sa pangalan ko.
"Allen... Brille... Kerby..." pagbuka ng bibig ko. Hanggang sa madako ang tingin ko sa hila hila nilang dalawang hospital cot. Nanlaki ang dalawang mata ko at napatakip ako sa bibig ko nung makita ko kung sino iyon.
"Je...Je..rome..."
Napakadaming dugo sa katawan ni Jerome. Pakiramdam ko ay wala na siyang buhay dahil sa itsura niya.
"Jerome!!! Jerome!!!" malakas na sigaw ko.
"Jerome!!!! Jerome!!!!!!!!!!!!"
"Nei!!! Nei!!"
Mabilis namulat ang mata kong patuloy sa pagtulo ng luha. Mabilis akong inabutan ng isang basong tubig ni Francisco.
"Shh.. It's okay. Nananaginip ka nanaman..." mahinahong sabi sakin ni Francisco at niyakap ako. Hindi ako makapagsalita dahil hindi mawala sa isip ko ang pangyayaring iyon. Halos gabi gabi kong napapaginipan ang tagpong iyon.
"Tara na Nei.. Sigurado akong nakapaghanda na ng almusal si Rose sa ibaba. Gisingin mo na rin ang bata. Ieenroll natin siya sa daycare at magkikita kita tayo nila Allen. 6th Death year anniv ni Jerome ngayon" mahabang sabi ni Francisco.
Ngayon nga pala nangyari iyong araw na iyon.
Inayos ko na ang kwarto namin ni Francisco. Matapos kong maghilamos ay nagtungo na ako sa kwarto ng anak namin ni Francisco. Isinunod ko sa pangalan ni Jerome ang bata. Jerome Francis J. Gabriel.
"Dada nagpromise ka sakin na pupunta tayong play house saka ibibili mo ako ng toys" -Baby Jerome.
"Oo nak. Pero bago iyon pupuntahan muna natin ang pangalawang dada mo" nakangiting sagot ni Francisco habang sinusubuan ng pagkain si Jerome.
"Dalawa daddy ko dada? Bakit dalawa?" takang tanong niya dahilan para magkatinginan kami ni Francisco.
"Francisco..." tawag ko sa kanya at umiling ako sa kanya. Hindi ko kasi alam kung matutuwa ba ako o malulungkot sa sinasabi niya sa bata. Masyado pang bata si Jerome para malaman ang mga nangyari dati.
"Pupuntahan natin si Tito Jerome. Ipapakilala ka ni Mama Den mo sa kanya" nakangiting pagpapatuloy ni Francisco.
Matapos naming kumain ay nag-ayos na ako. Nagkataong may activity sa school ngayong friday at bukas naman ay sabado kaya wala akong pasok. Si Francisco naman ay ibinilin kay Andrew ang lahat ng gagawin sa kanyang opisina. Nung una pinipilit akong dun nalang magtrabaho sa kumpanya nila. Kinausap nga ako ng magulang ni Francisco at Lolo pero umayaw ako. Hindi naman sa hindi ko gusto pero mas panatag ang kalooban ko ngayon sa field ng trabaho ko.
"Rose pakibihisan na si Jerome. Naiayos ko na sa kwarto niya ang isusuot niya" utos ni Francisco. Hindi na kumuha ng ibang titingin sa bata si Francisco kaya pinakiusapan namin na lumipat na samin si Rose. Pumayag din naman magulang ni Francisco.

BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully Book VI
RandomSimulan na nating subaybayan ang istorya ni Chrien. :) Slow update po muna. Add niyo na muna sa library niyo. Maraming salamat po :)