Promise Ien... hindi na mauulit...

522 24 5
                                    

Chapter Two

Nicholas Noah Point of View

"Late ka nanaman! Alam ko na kung saan ka galing" bungad sakin ni Julius. Isa sa mga bago kong kaibigan.

"Kay Chrien. Si Chrien lang naman ang pwedeng pagkabisihan niyang si Noah eh" singit naman ni Denver.

Hindi ko na nagsalita. Nginitian ko nalang sila at inayos ko na ang bag ko sa upuan. Maswerte kasi nag-iwan lang ng gagawin ang prof namin kaya hindi nanaman ako sesermonan. Ilang beses na kasi ako nasermonan ni Maam Trinidad. Palagi nalang daw kasi akong nale-late. Syempre naman mas importante sakin na masigurado kong ligtas sa pagpasok si Ien ko noh.

Ilang taon na rin kami ni Ien. Ang sarap sa pakiramdam simula nung nagdisisyon kami na pumasok na sa ganitong relasyon. Hindi ko pinapalampas ang bawat araw na hindi ko siya napapasaya. Ganun naman talaga diba? Kapag mahal mo ang isang tao ay lahat gagawin mo mapasaya mo lang siya. Sabi nga sakin ni Kuya Mark ay halos dun na daw ako tumira Ien. Mas mahabang oras daw kasi ang ginugugol kong pagtigil sa kanila kaysa sa bahay namin.

"Wala kabang balak kumain ng tanghalian Noah?" sita sakin ni Denver. Nawili yata ako sa pag-iimagine kaya hindi ko na napansin na lunch break na pala. Nalaman din namin na wala yung prof namin mamayang hapon kaya wala na kaming klase.

"Sige tol. Ihahatid ko muna si Ien. Birthday kasi ng classmate niya. Saka may praktis din kami nila Jake mamaya" sagot ko.

"Noah huwag mo ikulong ang sarili mo. College na tayo. Marami pa tayong makilala" singit ni Julius habang naglalakad kami.

"Kitakits nalang mga pre" sabi ko nalang at tumakbo na ako papunta sa parking lot. Hanggang sa bigla nalang akong may nasagi ng hindi ko sinasadya. Kasalanan ko rin naman dahil hindi ako nakapokus sa dinadaanan ko.

"Pasensya na Miss..." hinging paumanhin ko at dinampot ko ang nalaglag niyang books.

"Okay lang..." malumanay na sagot niyang naiabot ko sa kanya ang librong nalaglag.

Matapos iyon ay nagdiretso na ako sa parking lot. Kaagad ko ng pinaandar ang sasakyan ko at tinahak ko na ang eskwelahang pinapasukan ni Ien.

Naabutan kong nasa labas na ng gate sila Ien. Nilapitan ko siya. Kinisan ko at niyakap ko siya. Sinabay na namin si Jovi. Ang bagong malapit na kaibigan ni Ien. Parang si Rizza nga rin dahil puro kalokohan din ang lumalabas sa bibig.

"Ayaw mo magpasundo?" tanong ko sa kanya at pinahalata kong hindi ako nasang-ayon sa sinasabi niya.

"Oo na. Ikaw talaga. Osya. Bababa na kami ni Jovi. Mag-iingat ka ha" sagot niya.

"Ayy! Nandito pala ako. Buti naalala mo ako Chrien. Kala ko kaluluwa lang ako dito" singit ni Jovi dahilan para mapatawa si ako.

Bahagyang kong inilapit ang katawan ko sa katawan ni Ien at pinagdikit ko ang labi namin.

Matapos iyon ay bumaba na sila ng sasakyan at tinahak ko na agad ang daan papunta sa praktis namin nila Jake. Sigurado akong kanina pa nila ako inaantay. Ang usapan kasi namin ay 1pm pero mag-2pm na on the way palang ako. Bahala na. Maiintindihan naman nila ako. Saka alam naman nila kung nasaan ako. Nasabi ko na iyon kanina kay Jake kaya sigurado akong naipaliwanag na niya iyon sa mga ka-team namin.

"Eto na ang alamat ng LATE" kantyaw sakin ni Jake habang nagpupunas ng pawis. Halatang kanina pa sila nagsisimula.

"Sensya na. Hinatid ko pa si Boss eh" ngising sabi ko habang nagpapalit ako ng damit.

"Sanay na kami" pabirong sagot ni Jake.

Nagsimula na kaming magpraktis. Nalaman kong sasali kami sa inter-barangay na gaganapin sa isang buwan. Kaya kailangan daw namin ng puspusang praktis dahil magagaling daw ang makakalaban namin.

Ang Manliligaw Kong Bully Book VITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon