Cheer mo ako ha

333 22 7
                                    

Chapter Four

Chrien Ross Point of View

"Sa likod ng school na tayo kumain. Dalawang oras pa naman ang vacant natin" yaya ni Jillian matapos lumabas ng prof namin.

"Walang Kj ha! Lahat sasama" dugtong ni Alexis na laging namumuno sa galaan ng section namin at sinisigurado niyang kasama ang lahat.

Sabay sabay na kaming tumayo at lumabas ng room. Kaiingay nga nitong mga kaklase ko habang naglalakad kami papunta sa paborito daw kainan nitong si Alexis. Sigurado daw na magugustuhan namin ang mga pagkain na pwedeng orderin dun.

"Potek ka Alexis! Ito ba pinagmamalaki mo samin! Ito ba yung sinasabi mong kakaibang pagkain?" gigil na sigaw ni Jovi kay Alexis habang nakaturo sa ihaw ihaw na bumungad samin.

"E nagtitinda ako niyan samin sa gabi!" dugtong ni Jovi na naging dahilan ng malakas na tawanan naming lahat.

"Puro ka katarantaduhan. Tara na nga sa loob!" -Jillian.

Dahil sa marami kami, pinagdugtong ni Jay ay Jairus ang dalawang mahabang lamesa. Ayaw kasi nilang nasa magkaibang lamesa kami pupwesto.

"Limang dugo, pitong balat at dalawang bbq saken" sabi ni Jovi.

"Napakasiba mo naman! Pagkadami dami mong inorder" reaksyon ni Jillian habang pinaghahalo ang ketsup at suka.

"Baket? Ikaw ba lalamon?"

"Easy easy"

"Ikaw Chrien ano sayo?" tanong naman sakin ni Jairus na nakaupo sa tabi ko.

"Tatlong isaw saka isang bbq" sagot ko at ibinalik ko na ang atensyon ko sa cellphone ko. Naglalaro kasi ako ng Age of Z yung binabaril yung mga zombie. Lumabas lang sa ads itong larong to habang nanunuod ako sa youtube kagabi. Nawili nga ako eh. Inabot na ako ng alas dos ng madaling araw sa paglalaro.

"Kain na muna tayo. Mamaya na yan" sabi ni Jairus nung nailapag na ang mga inorder namin. Una kong tinikman ang bituka ng manok (isaw). Ganito rin kasi yung binibili namin ni Kuya Den tapos inuulam namin sa kanin.

"May laro nga pala mamaya itong si Jairus. Dun sa covered court sa Gen Tri. Ano? Nuod tayo?" ani ni Jay.

Gen Tri? E may laro din dun si Oah mamaya. Dun na nga ako didiretso pagkatapos ng klase eh.

"Go tayo diyan! Kelangan ng support ni Jairus mula satin!" malakas na sigaw ni Alexis at inayunan naman siya ng lahat ng kaklase namin.

"Ikaw Chrien?" -Jay

"Syempre kailangan nandun si Chrien. Hindi pwedeng kulang tayo" singit naman ni Jillian habang inilalagay sa plato ang pangatlong extra rice na inorder niya.

"Osya tama ka na. Nuknukan ka ng takaw!" -Jovi.

Napaoo nalang ako sa kanila. Hindi ko nalang sinabi sa kanila na talagang dun din ako pupunta mamaya. Hindi na rin kasi ako nagpasundo kay Oah kasi alam kong mas maaga siya dapat dun sa venue ng laro.

Matapos namin kumain ay bumalik na kami sa room namin. Discussion at seatwork lang ang pinagawa samin ng prof namin at pinaalala samin na magkakaroon kami ng team building sa susunod na buwan. Surprise daw yung lugar at siguradong magugustuhan daw namin iyon.

"Kita kits nalang tayo sa covered court" sabi ni Jay habang nakasakay sa motor niya.

"Sumabay ka na kay Jairus, Chrien. Isasabay ko naman yang si Jovi" dugtong ni Jay.

"Huwag na. sabay sabay na kami nila Jillian. Kita nalang tayo dun" sagot ko.

"Tanga! Kanina pa nakasakay ng baby bus ang mga atat. Ngayon lang yata sila makakakita ng covered court eh. Kaya tara na. Wala rin akong pamasahe" sabi ni Jovi at kaagad na umangkas sa motor ni Jay. Lumapit na rin ako kay Jairus. Bahagya niyang iginilid ang motor niya dahil hindi ko maabot. Medyo mataas kasi ang motor niya.

Ang Manliligaw Kong Bully Book VITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon