Chrien Ross Point of View
"Ano? San naman tayo next?" masiglang tanong sakin ni Jairus matapos namin maglaro ng arcade. Ramdam ko naman na pilit niyang ginagawang chill ang bawat ginagawa namin. Bahagya akong tumingin sa relo ko.
"Tara. Sanyo tayo" ngiting sagot ko at hindi ko na inantay ang sagot niya. Hinila ko ang kamay niya papuntang parking area.
"Sanyo ako matutulog mamaya. Huwag kang mag-alala nagpaalam na ako kay Kuya Den. Tara na Jai. Sarap makipagkwentuhan habang may naikot na empi lights" sabi ko sa kanya habang tinatahak na namin ang daan papunta sa kanila.
"Ayy teka lang Jai! Lika dito bilisssss" pagtawag ko sa kanya habang nandito ako sa gilid ng nagtitinda ng ihaw ihaw.
"Kuya limang isaw, tatlong dugo, tatlong balat saka apat pong bbq. Pakitoasted po" magalang na order ko kay Kuyang nagtitinda.
"Yen diba may binili tayong chicha kanina? Baka hindi maubos" reklamo niya.
"Hanggat may pulutan tayo Jai, iinom tayo" nakangiting sagot ko sa kanya.
"Mukhang mapapalaban ka tol" sabi nung nagtitinda.
"Tumigil ka nga Drew. Tustahin mo daw sabi ng kasama ko" ngiting sagot naman nitong kasama ko.
"Dyan ka muna Jai. Bibili lang ako empi lights dun oh" sabay turo ko sa katapat na tindahan ng binibilihan namin..
"Ako na Yen. Baka kung-" hindi ko na siya hinayaan magpatuloy sa kanyang sasabihin. Agad na akong tumawid at bumili ako ng dalawang long neck na empi lights. Wala kasing litro e.
"Yen bakit dalawa? Hindi natin mauubos yan Yen. Akina sosoli ko yung isa"
"Ayy mahina ka pala Jai. Sige tawagan natin si Jay para may kasa-"
"Kung gusto mo Yen bili pa ko ng isa eh. Tara na nga sa bahay, mukhang nasa kundisyon ako ngayon" putol niya sa sasabihin ko at hinawakan na niya ang kamay ko at iginiya papunta sa kanila.
Matapos maihanda ni Jai ang lahat ay naupo na kaming dalawa. Magkaharap kaming dalawa. Nasa gilid namin ang speaker na puro old love songs ang kanta.
"Geym!" ngiting sabi ni Jai at nagsimula na siyang magsalin ng alak sa bagong biling shot glass.
Flashback 1.0
Kapwa kami tahimik ni Oah habang nakaupo at nakaharap sa maliit na bonfire na tanging nagbibigay ng bahagyang liwanag samin.
Nandito kami ngayon sa La Playa Beach Resort. Hindi na ako nagsalita kanina nung dito diniretso ni Oah ang sasakyan niya. Ramdam ko na isa ito sa pinaka-importante at sersyosong pag-uusapan namin.
Pareho kaming may hawak na vodka.
Hindi pa rin kami nag-uusap. Pakiramdam ko nga nag-aantayan lang kami kung sino saming dalawa ang babasag ng katahimikang bumabalot sa paligid namin.
"Ien okay pa ba tayo?" biglang tanong ni Oah sa napakaseryosong tono ng kanyang boses. Bigla akong nakaramdam ng bilis ng tibok ng puso ko matapos kong marinig ang tanong na iyon. Yung pakiramdam na bigla nalang akong hindi mapakali. Dahan dahan kong tinuon ang paningin ko kay Oah na nakayuko at nakatitig lang sa apoy na nasa harapan naming dalawa.
"Okay pa ba tayo sa ganitong relasyon?" muling tanong niya na lalong nakapagbigay sakin ng biglang panlalamig sa buong katawan. Kusang ng tumulo ang mga namumuong luha ko kanina pa. Kung ano ano na kasi ang pumapasok sa isipan ko sa kahahantungan ng usapang ito.
"Bakit Oah? Ayaw mo na ba?" pilit kong kalmang pagtanong sa kanya. Nanatiling nakatingin si Oah sa bonfire habang hawak hawak ang pangalawang bote ng vodka na iniinom niya.
"Mahal kita Ien... Mahal na mahal..." panaglit siyang tumigil sa pagsasalita at inubos ang natitirang laman ng bote na hawak niya.
"Pero... parang may kulang..." dugtong niya dahilan sa tuluyang pagdaloy na ng tuloy tuloy ng luha ko sa magbilang pisngi ko.
Hindi ako manhid para hindi maintindihan kung ano ang gustong iparating ni Oah sa usapang ito. Napakasakit. Buong akala ko maaayos namin ngayon kung ano man ang problema sa relasyon namin. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Pinipilit ko lang pigilan ang paghikbi dahil ayokong maawa sakin si Oah.
"Ien gusto ko kasing masu-"
"Shhh Noah... Naiintindihan kita.. Hindi mo kailangan magpaliwanag..." sabi ko sa kanya matapos kong lumapit sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit. Dahan dahan kong tinanggal ang nakasuot saking kwintas at ikinuyom ko iyon sa dalawang kamay niya.
"Mahal kita ng sobra Noah pero baka nga pinilit lang natin ang bagay na hindi naman talaga pwede... Salamat bespren..." huling sinabi ko sa kanya bago ako tuluyang lumakad papalayo sa kanya.
End of Flashback
"Lakas mo Yen! Nasa pangalawang bote na tayo hindi ka pa rin lasing?" masiglang tanong sakin ni Jai.
"Sabi ko sayo Jai eh! Yen Yen mo lang SAKALAM! Shot!!" masayang sagot ko sa kanya. Sa totoo lang nakakaramdam na ako ng tama ng alak pero gusto kong sulitin itong masayang araw na ito.
"Ano unang akala mo sakin Jai nung una mo akong nakita?" tanong ko sa kanya. Wala na kasi kaming ibang mapagkwentuhan eh.
"Akala ko dati Yen masungit ka. Hindi ka kasi nasama sa ibang tropa dati. Lagi ka kasing sinusundo ng jowa mo" diretsong sagot niya.
"Eh bakit hindi ka nagpakilala sakin dati?" muling tanong ko.
"Ilang beses ko ng sinubukan Yen. Kaso ayaw ng tadhana na magkakilala tayo dati" kasunod nun ay ang pagtawa niya ng malakas.
"Ako nga dapat yung kikiss sayo sa stage play eh..." mahinang dugtong niya.
"Ano yun?" tanong ko kahit narinig ko naman ang sinabi niya.
"Wala. Sabi ko shot mo na. Tagal eh" ngising sagot niya at napansin kong namumula ang magkabilang pisngi niya.
"Bukas Jai ano plano natin?" seryosong tanong ko sa kanya.
"Anong plano?" takang tanong niya.
"Parang gusto kong mag-enchanted kingdom bukas" ngising sabi ko sa kanya.
"Gusto ko rin Yen. Tara na"
"Bukas pa Jai. Masyado ka namang excited eh" kasunod nun ay ang sabay naming pagtawa.
Author: Sensya ulit. Tagal makapag-updates. Dami lang ginagawa :)
Malapit lapit na rin ang PoV ni Noah. Maraming salamat po sa patuloy na pagsubaybay. Baka maipost ko po mamaya ang next update. Thankie
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully Book VI
RandomSimulan na nating subaybayan ang istorya ni Chrien. :) Slow update po muna. Add niyo na muna sa library niyo. Maraming salamat po :)