Happy Birthday Kevin!

300 13 21
                                    

Shout out nga po pala kay JAYZEN LHEE, salamat sa pagsubaybay sa mga books ko. Maya na kita replyan sa chat mo. Hahaha Aja! Ingats :)


Chrien Ross Point of View

"Ate Deniel mga classmates ko nga pala" pagpapakilala samin ni Hariel nung makapasok na kami sa loob ng kanilang bahay. Mayaman din pala itong sila Hariel. Hindi ko nahalata iyon kasi ibang iba sa mga kilos niya.

"Ate nandyan na ba si Kevin? Hindi ko pa nababati ng Happy Birthday iyon" dugtong ni Hariel.

"Maya maya pa daw sila dadating ng mga kaibigan niya. Pinapaready na nga ang rooftop. Tamang tama ipakilala mo mamaya yang mga classmates mo kay Kevin at makapagbonding na rin kayo" mahabang sagot ni Ate Deniel.

"Hariel naiiready ko na ang garden. Magsimula na kayo para maaga kayo matapos at sasamahan ko kayo sa rooftop" muli ay nabalot ako ng kilabot dahil sa boses na iyon. Walang pinagkaiba sa boses ni Kuya Jerome.

"Tangina Chrien kamukhang kamukha nung pinakita mo saming picture ng Kuya Jerome mo" bulong sakin ni Jovi matapos akong tapikin.

"Salamat Kuya Kieth" -Hariel.

Kahit gusto kong sundan si Kuya Kieth ay wala akong nagawa. Nandito na kami sa garden ngayon at nakaharap sa laptop. Sa totoo lang kayang kaya ko naman gawin itong research na ito pero dahil sa interesado ako sa kung anong meron kay Kuya Kieth ay na ganito ang naging plano.

"Hariel pwede makigamit ng CR?" tanong ni Jovi.

"Sabay na rin ako" singit ko at nagkatinginan kami ni Jairus. Eto na. Simula na.

"Samahan ko na kayo" sabi ni Hariel.

"Huwag na. Turo mo nalang samin kung kakaliwa ko kakanan. Yakang yaka namin 'to" mayabang na pagpigil ni Jovi.

Pinaliwanag samin ni Hariel ang daan. Sabay kaming tumayo at naglakad ni Jovi. Lumingon muna kami kina Jairus bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay.

"Nakita kong umakyat si Kuya Kieth kanina don" sabay turo ni Jovi sa pintuan na pinaggigitnaan ng dalawa pang pintuan ilang hakbang mula sa hagdan. Nagpalingon lingon muna kami bago tuluyang umakyat. Sakto wala halos tao. Siguro ay kasama sila sa pag-aayos sa sinasabing celebration nung Kevin. 

Lakas loob na binubuksan ni Jovi ang pintuan. Dahan dahan at maingat. Napatigil lang kami nung may naririnig kaming nasigaw mula sa loob ng kwarto.

"Arrrghhhh!"

Nakailang sigaw pa iyon hanggang sa hindi na ako nakatiis.

"Jovi tumawag ka ng tulong sa ibaba, bilissss!" utos ko at kaagad na akong pumasok sa loob.

"Kuya Kieth! Kuya Kieth!" sigaw ko habang iniaayos ko siya sa pag-upo.

"Chrien kunin mo iyong nasa ibabaw ng table" bigla akong natigilan nung binanggit niya ang pangalan ko.

"Kuya Jerome?" takang pagtawag ko sa kanya na may kahalong takot.

"Chrien dal-"

"Kieth anong nangyari?" biglang dating ni Ate Deniel. Mabilis niyang kinuha ang gamot na pinapakuha sakin ni Kuya Kieth kanina at agad na pinainom ito sa kanya. Pinakalma siya ni Ate Deniel. Inalo alo ang balikat pati ang ulo.

"It's okay. I'm here" kasunod nun ay ang pagyakap niya kay Kuya Kieth.

"Buti nalang at narinig niyo si Kieth. Maraming salamat Chrien ha..." sabi niya habang ako ay nananatiling nakatingin lang kay Kuya Kieth.

"Walang anuman po. Sige po. Baka kailangan pong magpahinga ni Kuya Jer-Kuya Kieth"

"Salamat Chrien ha... Don't worry okay na ako maya maya" sabi naman ni Kuya Kieth nung bahagya na siyang kumalma.

Bago ako tuluyang lumabas ng pintuan ay palihim kong kinuha ang pinagbalutan ng gamot na ininom ni Kuya Kieth.

"Ano na Chrien? Okay ka na ba? o nagdududa ka pa rin?" tanong ni Jovi habang naglalakad kami pabalik sa garden. Hindi ko muna siya sinagot. May pilit akong inaalala sa nakita ko sa katawan ni Kuya Kieth. Hindi ako sigurado pero basta. Kailangan malaman ko iyon.

"Salamat nga pala Chrien. Nasabi na sakin ni Ate nangyari. Ganoon talaga si Kuya Kieth simula nung nak-"

"Hariel! Hariel! Nandito na si Kevin. Papaserve ko muna ang dinner niyo tapos sabay na daw kayo ni Kieth sa pagpunta sa rooftop" malakas na sigaw ni Ate Deniel.

Ilang sandali lang ay niserve na ang pagkain dito sa garden table. Pinipilit pa nga kami ni Hariel na sa loob ng bahay kumain pero mas pinili namin dito. Presko at maganda ang view. Nagsisimula na naming marinig ang tugtugan na nagmumula sa rooftop. Siguradong akong maraming bisita yung tinatawag nilang Kevin.

Matapos naming kumain ay saktong dating ni Kuya Kieth. Parang wala ngang nangyari sa kanya. Parang normal na ulit siya.

"Sila manang na daw ang bahalang magligpit dyan. Tara na at kanina pa nag-aantay si Kevin" sabi ni Kuya Kieth.

"Ayy sige po. Hindi na rin po kami magtatagal. Hindi rin po kasi kami nakapagpaalam. Sa susunod nalang po" pigil ko. Baka kasi pagalitan ako ni Kuya Den. Hindi talaga ako nagpaalam sa kanya na pupunta ako dito sa ibang bahay.

"Ipagpaalam ko kayo" -Kuya Kieth.

"Huwag na po. Uuwe na rin po kami" -Ako

"Hello po Sir Den.. Ipagpaalam ko lang po si Chrien. May group research po kaming kailangan matapos. Napagkasunduan po ng mga kagrupo namin na mag-overnight dito sa bahay ng mayaman naming kaklase na madaming pagkain. Okay lang po ba?" narinig kong biglang salita ni Jovi gamit ang cellphone ko.

"Okay daw sabi ni Sir Den. Basta huwag ka daw magpapabuntis kay Jairus" dugtong ni Jovi matapos niyang i-endcall. Nagpaalam na rin sila Jairus at Jay. Si Jovi naman daw ay hindi na kailangan magpaalam dahil sinabi na naman daw niyang magsleep over talaga kami.

"Osya - tara na. Hariel hinay sa inom ha. Baka ibang pintuan ang pasukin mo mamaya pag nalasing ka" kantyaw ni Kuya Kieth habang naglalakad kami patungong rooftop.

Hindi rin nagtagal ay nandito na kami sa rooftop. Hindi naman ganoon kadami ang bisita. Sa tingin ko ay nasa mga labinglima lang kasama kami. Sadyang malakas lang talaga ang tunog ng sound system kaya mukhang madaming tao dito kanina.

Hanggang sa may lumapit saming lalake. Pamilyar sakin ang itsura niya.

"Happy Birthday Kevin!" bati ni Hariel sa lalakeng sumalubong samin.

"Kevin?"

"Chrien?" 

Halos sabay naming reaksyon nung namukaan namin ang isa't isa.

"Magkakilala kayo?" tanong ni Hariel.

Kung Birthday ni Kevin ibig sabihin...

"Tol, kunin ko lang sa sasaky-...." hindi niya naituloy ang sasabihin niya nung mabilis napadako ang tingin niya sakin.

"Ien..." -siya

"Oah.." -ako



Author: Salamat po sa pagbabasa. VOTE and COMMENT po para sipagin mag-update :)

Bubei Yebeb

Ang Manliligaw Kong Bully Book VITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon