Chapter IX
Jairus Cael Point of View
Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para gawin ko iyon. Kitang kita ko kasi mula dito sa bench namin ang nangyayari sa kabilang bench. Wala na akong ibang maisip na para para hindi mapahiya si Yen Yen kundi ang lapitan siya at kunin ang Gatorade na dapat sana ay kay Noah niya ibibigay.
"Sigurado ka na ba talaga sa ginagawa mo?" untag sakin ni Jay habang nakaupo ako sa tabi niya.
"Matagal na akong sigurado kay Chrien. Hindi niya deserve ang ganyang sitwasyon" nakangiti kong sagot sa kanya.
"Dapat manalo kayo. Sayang naman yung nakatingin na iyon at naka-thumbs up sayo" kasunod nun ay ang pagturo niya kay Yen Yen na nakatingin sa gawi namin.
Mabilis akong tumayo at itinaas ko ang dalawang kamay ko habang nakaikom ang dalawang kamao ko.
59 – 63
Lamang kami. Pero ayoko pakasigurado, team nila Noah ang kalaban kaya hindi pwedeng pakampante. Agad na kaming bumalik sa loob ng court nung tumunog na ang bell. Nasa team nila Noah ang bola. Maliksing naipasa kay Noah ang bola at mabilis ko siyang nilapitan para mabantayan kung sakaling ipapasa niya ang bola sa kakampi niya.
Nakatitig sakin si Noah. Hindi naman ako manhid. Alam ko ang dahilan. Pero hindi ba niya naiisip kung anong mali sa ginagawa niya? Tangina Noah sinasaktan mo si Yen Yen ko!
Alam ko na!
Dapat mas maramdaman ni Noah ang pinaparamdam niya kay Yen Yen.
"Go Noah!!" malakas na sigaw nung katabi ni Yen Yen na babae.
"Jai! Galingan mo rin!"
Mabilis kong nilingon yung pinanggalingan ng boses na iyon. Halos mapunit nga ang bibig ko sa pagkakangiti ko nung nagtama ang patingin namin ni Yen Yen. Napatingin din si Noah sa gawi ni Yen Yen dahilan para mabilis kong maagaw ang bola sa kanya.
Kaagad akong tumakbo pabalik sa ring namin. Hanggang sa saktong sa gilid ng kinauupuan nila Yen Yen ako napadaan.
"Yen!" malakas na sigaw ko dahilan para mapunta sakin ang atensyon ng mga nakapaligid din sa kanya.
Tinuro ko ang mata ko at yung ring. Yung senyas na pinaparating ko sa kanya na huwag siyang kukurap. Pumwesto ako sa three-point line at dagli ko ng inihagis ang bola.
Ang astig nga e. Pakiramdam ko slow motion ang bola. Hindi pa man napasok sa ring ang bola ay tumalikod na ako at humarap sa pwesto nila Yen Yen.
Kinuyom ko ang kanang kamao ko at tinapat ko sa kanya iyon kasunod ng malakas na palakpakan senyales na pumasok ang bola.
Three points by Castillo Jairus!
59 – 66
Matapos yun ay tumunog ang bell. Time-out ang team nila Noah. Kaagad kaming bumalik sa bench namin at pinaliwanag din ni coach ang mga susunod naming set ng play.
"Nagpapasikat kang maigi kay Chrien ha!" kantyaw ng isang ka-team ko. Nginitian ko nalang iyon at nakinig na ulit kay coach.
"Marami pang pwedeng mangyari sa tatlong minuto. Huwag pakampante team" bilin samin ni coach at bumalik na kami sa loob ng court. Nasa team nila Noah ang bola. Mabilis naipasa kay Noah ang bola at kaagad siyang tumakbo papunta sa ring nila.
Two points by jersy number 30! Nicholas Noah!
61 – 66
"Kevin!" sigaw ko at dagli kong pinasa sa kanya ang bola. Mabilis nakaharang si Noah at naagaw ang bola. Maliksing nakatakbo papunta sa ring nila. Tumakbo ako at hinabol ko siya kasabay ng mga sigawan at palakpakan na naririnig ko sa paligid namin.
Huli na. Naitira na ni Noah ang bola.
Three points by jersey number 30! Nicholas Noah!
Kasunod nun ay ang malalakas na palakpakan.
64 – 66
"Marami pang pwedeng mangyari sa ilang minuto" kasunod nun ay ang pagtapik sakin ni Kevin.
Nasakin ngayon ang bola. Palinga linga ako habang dinidribol ko ito.
LAST TWO MINUTESSSSSSSSSSSS!
Pinasa ko ang bola kay Kevin at mabilis akong tumakbo kay Noah upang mapigilan siya sa paglapit kay Kevin. Alam ko na kasi ang strategy na gagawin nila.
Naagaw ng kakampi ni Noah ang bola kay Kevin at kaagad tumakbo pabalik sa ring nila.
Two points by jersey number 13 Kiko Manzano!
66 – 66
"Easy lang boys! Enjoy lang" narinig kong sigaw ng coach namin.
Si Kevin ngayon ang may hawak ng bola habang gina-guard ko si Noah. Alam ko na nasa isip ni Kevin ubos oras nalang habang nasa amin ang bola. Nagpapasahan silang dalawa ni Xian.
Last one minuteeee!!!!!
Mabilis natapik ang bola kay Xian dahilan para tumalsik iyon.
Aktong tatakbo ako patungo sa bola nung naramdaman ko nalang na may bumangga sa katawan ko dahilan ng pagbagsak ko sa sahig.
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully Book VI
RandomSimulan na nating subaybayan ang istorya ni Chrien. :) Slow update po muna. Add niyo na muna sa library niyo. Maraming salamat po :)