Chapter V
Nicholas Noah Point of View
"Lakad na. Hindi ako lumpo Oah. To naman eh ginagawa akong baldado" pabirong sabi sakin ni Ien pero ramdam ko na may kakaibang ibig sabihin ang tono ng kanyang pananalita.
"Sigurad-"
"Chrien... tara may dala ako oh" biglang dating ni Jairus dahilan para hindi ko naituloy ang dapat na sasabihin ko.
Hindi ko agad namukaan si Jairus nung gabing sinundo ko si Ien. Bigla ko lang siyang naalala nung nakita ko ang lahat ng team member ng makakalaban namin.
"Ayaw kasi lumapit ni Jovi. Nahihiya daw siya. Tara. Basang basa na yang damit mo" dugtong ni niya habang pilit niyang inaabangan ang kamay ni Ien sa pagbaba. Pipigilan ko sana si Ien pero naunahan na niya ako.
"Oah.. lakad na sa court. Magpapalit lang ako. Babalik ako. Galingan mo ha" nakangiting sabi niya bago tuluyang bumaba at sumabay kay Jairus sa paglalakad.
"Pasensya na Noah. Para pala sa kanya itong sinuot ko" ani ni Maica.
"Okay lang... Sige balik na ako sa loob" sagot ko at tumakbo na ako pabalik sa loob ng court. Nagpatuloy ang laro namin hanggang sa maging pantay na ang score namin.
"Easy lang. Mahaba pa ang oras" sigaw ni Jake habang binabantayan niya si Jerold. Isa sa kaibigan ni Jairus. Naagaw ni Chester ang bola at mabilis na ipinasa sakin. Dinribol ko ang bola papalapit sa ring. Nahagip ng mata ko si Ien na nakaupo na sa bench team namin at suot ang kaparehong jersey ni Jairus. Ito ang kauna unahang pagkakataon na nagsuot siya ng ibang jersey maliban sa mga jersey naming dalawa.
"Noah! Pasa mo!" malakas na sigaw ni Chester dahilan para bumalik ang atensyon ko sa hawak kong bola. Pero huli na, mabilis naagaw sakin ng kalaban ang bola at kaagad na naitira sa ring.
34 – 36
Lamang na ang kalaban.
Tumawag ng time out ang team namin. Mabilis kaming nagbalikan sa bench team namin. Hindi ako nakikinig sa sinasabi ni coach. Tinabihan ko si Ien.
"Nakakapagtampo ka naman Chrien. Sa ibang team ang suporta mo" pabirong puna ni Chester. Hindi na sumagot si Ien at nginitian lang siya.
"Komportable ka ba sa suot mo?" tanong ko kay Ien. Bahagya siyang tumingin sakin. Sinadya kong iparamdam sa kanya ang di ko pagkagusto sa pagsusuot niya ng jersey ni Jairus. Alam ko naman na may kasalanan din ako dahil sa hinayaan kong isuot ni Maica ang jersey na dapat sana ay si Ien ang gagamit. Aksidente rin kasing walang dalang extrang damit si Maica kanina at nagkataon na nagkaroon kami ng activity at hindi sinasadyang madumihan ang uniform niya kanina.
Tiningnan ako ni Ien. Yung tingin na pakiramdam ko ay may malalim na ibig sabihin.
"Tawag ka na ni coach Oah..." malayong sagot niya sa tanong ko.
Flashback
"Noah ipapasa ko sayo ang bola. Dapat pumuntos tayo para sure win na" bilin ni Chester habang inaabangan ang bola sa isang kakampi namin.
"Yown! Ayos na. Ayan na si Jairus" narinig kong sabi ng binabantayan ko.
"Flying kiss muna kay lucky charm sa kabilang bench" sunod na sabi naman ng lalaking binabantayan ni Jake dahilan para mapatingin dito ang tinawag nilang Jairus.
"Gagu!" nakangiting sagot ni Jairus at tumingin sa bench team namin.
"Lumipat ka na kaya sa kabilang team" dugtong ng lalakeng binabantayan ko.
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully Book VI
RandomSimulan na nating subaybayan ang istorya ni Chrien. :) Slow update po muna. Add niyo na muna sa library niyo. Maraming salamat po :)