Chrien Ross Point of View
Kahit masama ang pakiramdam ko ay pumasok pa rin ako. Nagkawilihan kasi kahapon at inabot na kami ng gabi.
"Putangna hindi na ako mag-iinom kahit kailan! Parang hinahampas ni Thor ang ulo ko" malakas na reklamo ni Jovi.
"Paanong hindi ka malalaseng eh ikaw ang order ng order! Nahingi ka pa ng shot sa kabilang table" -Alexis.
"Tangnamo hindi kita kinakausap!"
Bumukas ang pintuan ng room. Si Jairus. Ngingitian ko sana pero hindi niya ako tinitingnan. Nakasambakol ang mukha. Dumiretso lang siya sa upuan niya at tinutok ang mata sa cellphone.
"Problema nun?" mahinang bulong ko.
"LQ ba kayo ni pareng Jairus?" ngising tanong ni Jay na kasunod niya lang pumasok. Nagkibit balikat nalang ako at hinimas himas ang sintido ko.
Tahimik lang lahat kami habang nagdidiscuss ang prof namin. Nakakapanibago nga eh. Wala din akong naiintindihan sa mga sinasabi ng mga prof. Lutang ako. Saka iniisip ko rin kung bakit mukhang galit sakin si Jairus.
"Wala naman akong ginagaw-" bahagya akong napatigil sa pagbulong ko nung bahagya akong napatingin kay Hariel na nasa gilid.
"Tangina..." bulong ko at napatapik ako sa noo ko.
Ano nga ba ang nangyari kagabi? Wala akong ibang natatandaan dahil sa sobrang kalasingan ko. Tapos paggising ko sa bahay ay may katabi ako. Napalingon tuloy ulit ako kay Hariel. Potek kailangan malaman ko kung ano nangyari kagabi. Tatanungin ko sana si Jovi pero mukhang masakit pa rin ang ulo niya. Nilingon ko si Alexis, may kausap sa fone. Tiningnan ko naman si Jay kausap naman si Jairus. Nung nakita ako ni Jairus na napatingin sa kanya ay nag-iwas siya ng tingin. Potek na yan. Ano ba gagawin ko?
"Hoy Chrien! Wala ka bang balak kumain?" bulyaw sakin ni Jovi dahilan para mapabalik ako sa katinuan ko. Pilit ko kasing inaalala mga nangyari kagabi.
"Sige susunod nalang ako. Ayusin ko pa gamit ko" pagpapalusot ko. Naiilang kasi ako kay Jairus. Halatang galit sakin. Ayoko naman masira namin ang moment ng tropa. Nauna na silang lumabas ng room at naiwan ako at ibang kaklase ko dito sa loob ng room.
Bahala na. Uuwe nalang muna ako. Saka mukhang kailangan ko ng pahinga. Wala naman si Kuya Den sa bahay ngayon dahil nextweek pa ang pagbisita nila sa bahay.
Aktong nasa pintuan na ako nung may tumawag sa pangalan ko. Agad ko siyang nilingon.
"Tara lunch tayo sa labas" sabi ni Hariel nung nakalapit na siya sakin. Potek! Bakit nakaramdam ako ng hiya sa kanya. Bigla ko kasing naalala na naalimpungatan ako ng madaling araw na siya ang katabi ko sa higaan.
"Halika na. Nagugut-"
"Tara na Yen. Kanina ka pa inaantay nila Jovi" biglang sulpot ni Jairus sa harapan namin nung aktong igigiya na ako ni Hariel. Napatingin ako sa kanya. Nakatingin din siya sa mata ko ay pinaparating na sumama ako sa kanya.
"Ay pasensya na Hariel. Nextime nalang" sabi ko at hinili na ako ni Jairus. Hanggang sa makarating kami sa cafeteria ay hindi na ako kinausap pa ni Jairus. Ano ba nangyayari sa lalakeng to? Bigla bigla nalang nag-iiba ang mood niya.
"Di rin naman pala makakatiis" bulong ni Jay.
Pagkaupo ko ay iniusod ni Jairus ang pagkain na halatang kanina pa niya inoder para sakin. Nagsimula na kaming kumain. Katulad ng dati ay si Jovi at Alexis ang nangunguna sa kaguluhan. Nalaman namin na wala na pala kaming subject para sa afternoon class dahil nagkaroon ng emergency meeting para sa parating na school fair ng school. Kung saan saan nga naiisipang gumala ng mga kasama ko. Ako tahimik lang. Hindi pa rin kasi ako kinakausap nitong katabi ko eh.
"Osya - tara na. Para makabili na rin tayo ng materials para sa reporting natin" -Alexis.
Nagsimula na kaming maglakad papalabas ng gate. Sila Jay naman ay nagpunta sa parking area para kunin ang motor nila ni Jairus.
"Magkaaway ba kayo?" takang tanong ni Alexis sakin.
"Hindi. Ewan. Hindi ko nga alam kung bakit hindi niya ako masyadong pinapansin eh" sagot ko.
"Pano'y tanga ka! Nagseselos iyon!" gigil na singit ni Jovi.
"Ha? Kanino?"
"Kay Kaido! Tangnamo! Ang hirap mo kausap!" gigil ulit ni Jovi.
Dumating na sila Jay dito sa tapat ng gate. Umangkas na si Jovi sa kanya at ito namang ibang kaklase namin ay tatawid na para sumakay ng baby bus.
"Chrien!!" rinig ko sa likuran ko.
"Tara. Hatid na kita. Papunta rin kaming SMRosario" yaya sakin ni Hariel.
Sabagay, ang halay naman kung aangkas ako kay Jairus eh hindi naman niya ako pinapansin. Saka hindi ako iaangkas nun kasi galit siya sakin.
"Sigurado ka? Si-"
Hindi ko na naipagpatuloy ang sinasabi ko nung may naramdaman akong taong sumulpot sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.
"Halika na. Isuot mo na 'to" ani ni Jairus habang isinusuot niya sakin ang helmet. Wala na akong ibang narinig pa mula kay Jairus. Sumakay na ako sa likuran ng motor niya. Nanatiling nakatigil si Jairus na para bang may inaantay siya bago tuluyang paandarin ang motor. Dahan dahan kong iniyapos ang dalawang kamay ko sa baywang niya.
"Higpitan mo. Baka mamaya mahulog ka" makahulugang utos niya sakin kaya hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya.
Hindi kami nag-uusap habang tinatahak namin ang daan papuntang SMRosario. Gustong gusto ko nga siyang tanungin kung bakit ganito nalang ang ugali niya pero mukhang hindi rin kami magkakaintindihan dahil pareho kaming nakasuot ng helmet at medyo malakas ang hangin.
"Jai itigil mo nga saglit dyan" utos ko sa kanya. Hindi na kasi ako makapagtimpi pa.
Itinigil niya ang motor sa malapit sa break water sa tabing kalsada. Nandito kami ngayon sa ilalim ng malaking puno. Tiningnan ko siya. Hindi siya natingin sakin at nakapokus lang ang atensyon niya sa dagat.
"Ano bang problema mo Jai?" mahinahong tanong ko sa kanya.
Hindi siya nasagot. Potek! Di ako sanay na ganito kami ni Jairus.
Bumuntong hininga ako.
"Jairus Cael kung hindi mo ako kakausapin uuwe nalang ako. Kanina pa ko mukhang ta-"
"Hindi mo ba nahahalata Chrien - nagseselos ako!"
Author: Short update po muna. Dami naming kailangan maipasang report today eh. Thank you sa pagsubaybay. VOTE and COMMENT masaya na si author :)
Bubei Yebeb
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully Book VI
RandomSimulan na nating subaybayan ang istorya ni Chrien. :) Slow update po muna. Add niyo na muna sa library niyo. Maraming salamat po :)