Chrien Ross Point of View
"Allyson..." mahinang pagbigkas ko sa pangalan niya. Hindi nga ako nagkamali. Sila nga yung nakita ko kanina.
"Para kang nakakita ng napakagwapong multo Chrien?" Patanong na puna sakin ni Ronje dahilan para bumalik ako sa sarili ko.
"Hi..." tipid na bati ko sa kanila.
"Pagkatapos ng ilang taon? Hi lang Chrien?? Wala bang kiss dyan!" -Ronje.
"Araaay! Kis-"
"Osya tama ka na Ronje! Yan ka nanaman eh" sabay batok sa kanya ni Andrew."Pwede bang makijoin sanyo Chrien? Wala na kasing available na table eh" malumanay na dugtong ni Andrew.
"Ooooops! May mga pang-ambag ba kayo?" Biglang singit ni Jovi at talagang sa tapat pa ng mikropono tinapat ang bibig niya.
"Inuulit ko. BERTDEY KO!!!!!" dugtong niya.
"Kahit kailan talaga hindi ka marunong mahiya! Bumaba ka nga dyan at maupo ka dito!" Suway ni Alexis kay Jovi na nakatayo sa lamesa at nakapameywang pa.
"Sagot nitong kasama namin ang lahat ng alak at pulutan" nakangiting sabi ni MJ at talagang tinuro pa si Allyson.
"Yun naman pala eh. Alexis pagsilbihan ang mga desipulo. Itapat ang electric fan at huwag silang padadapuan ng kahit na anong insekto" sabi ni Jovi.
"Pasensya na ha... hindi ko inaasahan..." pabulong na sabi ko sa katabi ko.
"Okay lang yun Yen. Usod ka dito sa tabi ko para makaupo yung iba" mahinang sagot naman ni Jairus.
Naramdaman kong umakbay sa balikat ko ang kaliwang kamay ni Jairus. Nahuli ko rin ang diretsong tingin ni Allyson sa kamay na nasa balikat ko. Bigla tuloy nanariwa sa isipan ko ang lahat ng nakaraan namin ni Allyson. Wala akong naging balita sa kanya simula nung nabasa ko ang sulat na iniwan niya sakin dati.
"Yen hinay lang sa inom baka mamaya sumama nanaman pakiramdam mo" sabi sakin ni Jairus pagkaabot sakin ni Alexis ng basong may lamang alak.
"Kunwari ka pa Jairus! Gusto mo lang umiskor ulit kay Chrien! Nakailan ba kayo kagabe!?" Malakas na sigaw ni Jovi.
"Bengol! Pano makakaiskor yan eh may bali ang kamay!" Singit naman ni Alexis.
"Alamat ka ng katangahan! Baket! Yang komang na kamay ba ang ipapasok dyan ke Chrien! Syempre yung ti-"
"Jovi! Ang bunganga mo!" -Alexis.
"E pano tatanga ta-""Magkasama kayo kagabi?" Diretsong putol ni Allyson sa dapat sanang sasabihin ni Jovi at nakatingin sakin ng diretso.
"Ahh... Oo. Kailangan niya kasi ako kagabi..." mahinahong sagot ko at ininom ko ang tagay na nasa harapan ko.
"Bakit?" Muling tanong ni Allyson dahilan para matuon samin ang atensyon ng lahat ng kasama namin.
"Eto nanaman sila" -MJ
"Alexis pahinga shot! Punuin mo!" Naiinis kong utos kay Alexis.
"Yen.." -Jairus.
"Alexis punuin mo daw!" - Jovi.
Mabilis kong ininom ang inabot ni Alexis at binalik ko ang tingin ko kay Allyson.
"Bakit ba kailangan ko mag-explain sayo! Ikaw nga hindi nag-explain nung bigla bigla kang umalis dati tapos ngyon ako pa magpapaliwanag sayo!" Inis kong sagot sa kanya dahilan para magtahimikan ang mga kasama namin.
"Kahit naman magpaliwanag sayo dati wala rin dahil isip bata ka!" Ramdam ko na rin ang inis sa boses ni Allyson.
"Easy easy.. Chrien, Allyson. Easyhan niyo lang. Kalma. Mahaba pa oras" singit ni Andrew.
Naramdaman kong medyo humigpit ang pagkakaakbay sakin ni Jairus.
"Yen..."
"Pasensya na Jairus...""Osya osya... Happy Birthday Jovi! Shot naaaaa!" Sabi ni MJ matapos iangat ang basong may lamang alak.
"Tanginangnyo! Ano ba mga pangalan nyo?" Takang tanong ni Jovi.
Isa isang nagpakilala sila Ronje sa mga kaibigan ko.
"Jairus nga pala..." kasunod ng pag-abot niya ng kaliwang kamay.
"Ang papalit kay Noah the great!" Dugtong ni Jovi dahilan para kantyawan ako ng mga kaibigan ko.
"Teka Chrien nasaan nga pala si Noah? Himala at pinayagan ka gabihin sa inuman?" Biglang tanong ni Andrew matapos ayusin ang bagong lapag na pulutan.
"Nagpaalam ako sa kanya. Pumayag naman siya. Saka hindi nanaman ako bata para pagbawalan pa sa mga ganito" nakangiti kong sagot kasunod ng pag-usod ko sa platong may lamang isaw ng manok.
"SINUNGALING KA! Pumayag pumayag! Baka sabihin mo magkaa-AYY PUTANGINA!!! AYAN NA NGA ANG ANAK NG DIYOS!!!" malakas na sigaw ni Jovi at natuon ang atensyon sa gate ng tinatambayan namin. Napunta lahat ang atensyon namin doon.
"IEN!!!! IEN!!!!!!" Malakas na sigaw na naririnig namin.
Bigla akong napatayo nung nakita ko si Oah na pumasok dito sa loob kasama ang dalawang kaibigan niya.
"Noah wala si Chrien dito. Halika ka na. Bumalik na tayo dun. Walang kasama sila Maica" narinig naming sabi nung kasama ni Oah.
"IEN!!!! TARA NA!!! UUWE NA TAYO!!!!" sigaw nanaman ni Oah.
Halatang lasing si Oah. Hindi naman gagawin ni Oah yan kung hindi lasing.
"Chrien lapitan mo na... baka magkagulo pa dito..." sabi ni Alexis.
Aktong tatayo na ako nung biglang tumayo si Allyson pati itong katabi kong si Jairus.
"Jai..."
"Christian" -Ronje.Wala na akong nagawa. Naglapitan ang mga kasama ko kina Oah.
"Dyan ka lang Chrien Ross!" Matigas na utos sakin ni Allyson.
"Hindi sasama sayo si Ross, Noah! Umuwe ka na" narinig kong sigaw ni Allyson.
"Bumalik ka na pala Christian. Hanggang ngayon nakikialam ka pa samin! IEN!!!! Tara na!!!!!!" Muling sigaw ni Oah.
Hindi na ako nakatiis. Lumapit na ako sa kanila at hinarap ko si Oah.
"Oah... nakainom ka na... tama na..." mahinahong sabi ko.
"TARA NA IEN. UUWE NA TAYO!" Sabi niya at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.
Hinila ni Allyson ang kamay ko.
"Hindi sasama sayo si Ross!" Diretsong sigaw ni Allyson.
"Napakapakialamero mo!" Kasunod nun ay ang pagsapok ni Oah kay Allyson pero mabilis na nakailag si Allyson at ginantihan niya ito ng sapok.
"Christian!" Sigaw ni Andrew habang awat awat niya si Allyson.
"Oah..." reaksyon ko pero naramdaman ko ang higpit ng hawak ni Àllyson sa kamay ko.
"Huwag mong sabihin na iisipin mo pa yan. Diba hindi man lang nya naisip ang nararamdaman mo sa pagsama sa ibang babae at paglimot sa anniversarry niyo!" Matigas na sabi ni Allyson.
"Awat na Noah! Tara na!" Sabi naman ng kasamang kaibigan ni Oah.
"Tara na Yen" huling narinig ko at naramdaman ko nalang na hila hila na ako ni Jairus palabas ng pinag-iinuman namin.
"Jay pahiram muna ng motor mo. Uuwe na kami ni Yen" narinig kong sabi ni Jairus at tinaggal na nya ang benda ng kamay niya.
"Sigurado ka bang kaya mo? Nakainom ka Jairus" -Jay
"Alam ko ginagawa ko Jay. Sa pagkakataong ito mas gagawin ko na ang tama" sagot ni Jairus.
"Yen! Sakay!!!!!" Matigas ding utos ni Jairus sakin.
Author: Comments. Votes.
Maraming salamat po sa pagsubaybay :)
Tara Shot!!!! 😍😍😍😍BubeiYebeb
![](https://img.wattpad.com/cover/237164382-288-k614738.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully Book VI
RandomSimulan na nating subaybayan ang istorya ni Chrien. :) Slow update po muna. Add niyo na muna sa library niyo. Maraming salamat po :)