Happy Anniversary

387 25 16
                                    

Jairus Cael Point of View


Bahagya kong tiningnan si Chrien. Bakas na bakas sa mukha niya ang pagkagulat sa biglang pagdating ng boyfriend, ni Noah.

Dinako ko ang tingin k okay Noah. Nakikipagtawanan siya sa dalawang lalake at dalawang babaeng kasama niya. Hindi niya kami nakita nung nakalampas na sila sa cottage naming. May kalayuan din kasi kaya siguradong hindi kami maaaninag o makikilala dahil tanging ilaw lang na nanggagaling sa apoy ng bonfire ang tumatama saming katawan.

"Lakad Chrien. Puntahan mo..." basag ni Alexis sa katahimikang bumalot saming lahat.

Aktong tatayo si Chrien nung bigla siyang hinawakan ni Jovi.

"Umayos ka ng upo. Hindi mo siya lalapitan. Huwag palaging ikaw" napakaseryoso ni Jovi nung sinabi niya iyon.

"Shotttttt!" malakas na dugtong ni Jovi dahilan para lahat kami ay sumigaw ng shot.

Bigla ko nalang naramdaman na umangkla ang kamay ni Chrien sa braso ko. Pakiramdam ko ay doon niya tinuon ang sakit na nararamdaman niya ngayon.

"Tara Jairus tugtog tayo. Napakatahimik eh" yaya ni Jay sakin. Tatanggi sana ako dahil alam ko na kailangan ako ni Chrien ngayon pero bahagyang tumayo si Chrien at hinila ang kamay ko.

"Tara Jai, sama ako" nakangiting sabi niya saken.

Puwesto si Chrien sa harapan ng drumset. Ako at si Jay naman ay may hawak na gitara. Sinabi ni Jay kay Chrien kung ano ang tutugtugin naming.

Nilisan... ka nya
Kahapon... Ka pa... nariyan.
Hindi ba? Nakakapagod...

Panimula ko sa kanta. Napansin ko rin na may mga naglalapitan na samin at nakikisabay sa pagkanta.

Ang maghintay, sa wala, sabagay ay...
Pareho lang naman tayo di naglayo ating sitwasyon
Kahit pa sabihin na kalaban ang panahon
Walang pakialam kahit gaano pa katagal

Lumapit na rin samin sila Jovi at lahat ng kasama namin at dala dala ang iniinom namin. Pasimple akong nasulyap kay Chrien. Seryosong seryoso siya sa pagpalo sa drums at damang dama ko ang emosyon mula sa kanya.

Dahil ang tanging gusto ko lamang ay malaman mong...
Mahal kita...
Mahal kita...
Mahal kita...
Kahit na mahal mo sya...

Pagsabay ng mga taong nasa harapan naming at halos lahat sila ay may hawak hawak na bote ng alak.

Bahagya kaming napalingon muli ni Jay kay Chrien nung bigla siyang tumigil sa pagbeat sa drums at hinawakan ang mikroponong nasa harapan niya.

Bumuhos, na naman (yeah)
Ang luha sa iyong mga mata
Kelan pa kaya matatapos ang ulan
Sa tuwing tititig ka tanaw ang kalangitan

Ramdam na ramdam ko sa boses niya ang lungkot. Pero napa-wow ako nung narinig ko ang boses niya. Sa kanya nga napunta ang lahat ng atensyon ng mga kasama naming. Naririnig ko rin ang pagmumura ni Jovi pero mas nangingibabaw sakin ang boses ni Chrien.

Hayaan mong lumisan ang araw
Upang milyon milyong bituin ay masilayan...
Mahal kita...
Mahal kita...
Mahal kita...
Kahit na mahal mo sya...

"Tol..." bulong sakin ni Jay nung sabay na nahagip ng mata namin si Noah na papalapit samin. Nilingon kong muli si Chrien. Nakatingin lang din siya kay Noah.

Aktong lalapitan ko si Chrien nung hinawakan ako sa braso ni Jay.

"Pre relaks. Baka lumampas ka sa limitasyon mo. Baka lalo lang gumulo. Hayaan mo na muna" pigil sakin ni Jay. Gusto ko sana muna ilayo si Chrien dito. Alam ko kasing hindi pa siya okay. Ramdam ko ang nararamdaman niya kaya.

Tuluyan ng nakalapit si Noah kay Chrien.

Hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nila. Tanging pagbuka nalang ng bibig nila ang nakikita ko. Hinawakan ni Noah ang kamay ni Chrien at hinila niya ito. Tinanggal ni Chrien ang pagkakahawak ni Noah sa kanya dahilan para mapatigil si Noah.

Halata na sa kanilang dalawa na nagtatalo sila.

Hanggang sa nilapitan na sila ng mga kasama ni Noah. Hindi na rin ako nakapagpigil. Lumapit na rin ako at tumabi ako kay Chrien.

"Relaks muna tol.. Laseng ka.." sabi nung lalakeng kasama ni Noah sa kanya.

"Halika na Noah... balik na tayo sa cottage. Pahinga ka muna..." sabi naman ng isang babae at hinawakan si Noah sa kamay.

Tiningnan lang ni Chrien yun at muling binalik kay Noah ang atensyon niya.

"Lakad na Oah... Bukas nalang tayo mag-usap. Tama nga sila, magpahinga ka muna" napakalumanay na sabi ni Chrien sa kanya at halatang pinipigilan niya ang pagpatak ng mga luha niya.

"Chrien oh..." kasunod ng pag-abot ni Jovi ng paperbag na dala namin kanina.

"Halika ka na tol.. sa ibang araw na kayo mag-usap ni Chrien... Nakakahiya kay Maica oh. Birthday niya pa naman" dugtong ulit nung lalakeng kasama ni Noah.

Tanginang lalake to! Mas inuna pa icelebrate ang birthday ng iba kaysa sa anniversary nila ni Chrien. Gago to. Kung alam niya lang na sobrang effort ang ginawa ni Chrien para sa kanya.

"Kalma Jairus. Huwag na dumagdag sa gulo. Lalong hindi maayos ito kapag nakialam ka pa" bulong at pigil sakin ni Jay nung nagkukuyom na ang palad ko. Alam ko nahahalata na rin ako ng kasama ni Noah. At pinapahalata ko talaga iyon sa kanila dahil sa ginawa ni Noah kay Chrien.

Tumalikod si Noah at dahan dahang sumabay sa paglalakad palayo sa mga kasama niya. Tanginang lalake to! Hahayaan niya lang si Chrien na ganito!

"Oah..." narinig kong pagtawag ni Chrien sa kanya dahilan ng pagtigil niya sa paglalakad.

Dahan dahang lumapit si Chrien kay Noah.

"Happy Anniversary nga pala..." kasunod ng pag-abot niya ng paperbag.

Halos ako ang madurog nung narinig ko iyon kay Chrien. Alam ko ang sobrang pagpipigil ni Chrien sa pagpatak ng luha niya. Halata na rin sa boses niya sa pigil paghikbi niya.

Nilapitan ko na si Chrien. Hinawakan ko ang kamay niya.

"Tara na. Balik na tayo sa cottage" tanging nasabe ko at hindi ko na siya hinayaan pang makapagsalita.



Author: Pasensya na po at late update. Sobrang dami lang po talaga ng ginagawa. Maraming salamat po sa patuloy na pagsubaybay.

Pahingi naman po ng reactions sa Ang Manliligaw Kong Bully Book I to Book VI.  Popost ko lang po sa facebook ko. O kaya po papost naman sa facebook ko ng reaction niyo. Maraming salamat po! :)

Ang Manliligaw Kong Bully Book VITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon