Okay ka lang ba talaga Yen?

272 18 7
                                    


Chrien Ross Point of View

"Sabi ko naman sayo Yen tama na ang isa bote.. Ayan masama tuloy pakiramdam mo" sabi sakin ni Jairus nung naibaba ko na ang bag ko sa upuan.

"Umuwe nalang kaya muna ulit tayo Yen.. para makapag-"

"Para makapag-ano kayo Jairus noh! Ikaw ha anong isinuksok mo dito kay Chrien bakit masakit ang wetpaks neto!?" Malakas na singit ni Jovi dahilan para mapunta samin ang atensyon ng ibang mga kaklase namin.

"Oy Jovi! Tumigil ka nga!" Malumanay na suway ko sa kanya. Ang sakit kasi ng sikmura ko at ang sakit ng ulo ko kaya hindi maayos ang pakiramdam ko. Nawili kasi kami kagabi sa kwentuhan kaya napadami din ang iniinom naming alak. Hindi ko na nga matandaan kung paano ako nabuhat sa kwarto ni Jairus eh.

"Guys wala tayong first and second subject. May emergency meeting ang mga prof." Sabi ng isang kaklase namin.

"Eh ano pa?" Nakapamaywang na sigaw ni Jovi.

"Anong ano pa?" Takang tanong naman ng ibang kaklase namin.

"Ano pang ginagawa natin dito!? Tara na sa likod ng school! Sagot ko na yelo!" Dugtong ni Jovi at inayunan naman iyon ng ibang mga kaklase ko.

"Pasensya na kayo. Uuwe na kami ni Yen. Masama din kasi pakiramdam niya kanina pa" -Jairus.

"Anong uuwe!!? Naknamputa! Baka nakakalimutan nyong bertdey ko ngayon! Mga wala kayong pakisama! Wala kayong kwentang kaibigan! Wala kay- araaaay!"

"Osya tama na! Nasa labas na sila!" Sabay batok sa kanya ni Alexis.

"Sure ka ba Yen na kaya mo? Baka lalong sumama pakiramdam mo" alalang tanong sakin ni Jairus habang sabay kaming naglalakad.

"Kaya ko naman. Medyo nawawala na rin ang sakit ng ulo ko. Ikaw hindi na ba masakit yang braso mo?" Tanong ko naman sa kanya.

"Medyo wala na yung kirot.. huwag ka ng iinom mamaya ha. Ako bahala kay Jovi" sabi pa niya at nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad. Hindi naman kalayuan sa eskwelahan namin yung madalas na pwestuhan naming magkakaibigan.

"Hoyyy! Dito tayo sa hatap ng videoke!" Sigaw ni Jovi na di alintana ang marami ding estudyante na sa tingin ko ay kanina pa nakapwesto sa bawat gilid ng tambayan na ito.

"Nagpaalam ka ba kay Noah, Chrien?" Tanong sakin ni Jay pagkaupo namin. Nginitian ko nalang siya. Hindi pa rin kami nagkakausap muli ni Oah. Pakiramdam ko nga mas masaya pa siya kasi nakita ko mga post niyang pictures na sobrang saya nya kasama yung mga kaibigan niya.

"Tara Jai pili tayo ng ihaw ihaw" sabi ko kay Jairus kasunod ng paghaltak ko sa kamay niya.

"Arayyy Yen... Easy.."

"Ayy sorry... Nakalimutan ko..." sabi ko nung napansin kong sa kanang kamay ko pala siya nahila.

Medyo napatagal kami sa pagpili ng ihaw ihaw dahil sa dami rin ng mga estudyanteng nabili. Ako na ang pumili ng para kay Jairus. Alam ko na rin naman kasi ang paborito niyang orderin dito eh. Balat at yung isaw ng manok.

"Kuya padeliver nalang po sa table namin" sabi ko at tinuro ko kung san kami nakapwesto. Matapos yun ay kaagad na kaming tumalikod at naglakad pabalik sa table namin. Aktong ihahakbang ko ang paa ko nung bigla akong natigilan at natuon ang atensyon ko sa isang grupong mga lalake na papasok dito sa loob.

"Bakit Yen?"
"Wala... tara na Jai" sagot ko at hinawakan ko sa kaliwang kamay si Jairus at sinadya kong bilisan ang paglalakad.

"Ang tagal niyo tol. Kanina pa naikot tong tagay" sita samin ni Jay.
"Ang dami kasing naor-"
"Pa-shot Jay" medyo napalakas na sabi ko at kaagad kong kinuha ang hawak ni Jay na basong puno ng alak.

"Easy Chrien... madami pa dito"-Jay
"Yan ba ang masama ang pakiramdam! E hagom sa alak!" -Jovi.
"Yen.." -Jairus.

Potek! Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko ang init ng katawan ko. Hindi ako mapakali. Tangna! Bakit ganito nararamdaman ko.

"Ayos ka lang Chrien? Parang nakakita ka ng multo sa itsura mo" puna ulit ni Jay sakin.
"Okay lang ako. Medyo mainit lang. Shot shot!" Sagot ko at inurong ko patalikod sa gate ang kinauupuan ko.
"Baka lalong sumama pakiramdam mo Yen. Huwag ka na muna mag-inom" paalala sakin ni Jairus.

"Hinde!!! Dapat lahat iinom! Bertdey ko! Inom lang sagot ni Alexis lahat!" Sigaw ni Jovi na dahilan para mapatingin nanaman samin ang ibang nandito.

"Bakit ako? Ikaw ang may birthday eh!" -Alexis.
"Utang muna. Kapag nagkatrabaho ako babayatan kita" mayabang na sagot ni Jovi.
"Kelan ka magkakatrabaho?" -Jay.
"Pagkagraduate natin! Mag-aapply agad ako at sasampalin kita ng pera Alexis!" Sigaw ni Jovi at nagtawanan na lahat ng kasama namin.

Nagpatuloy sa pag-iinom at kwentuhan itong mga kasama ko. Pero ako hindi pa rin ako mapakali dahil pakiramdam ko ay kanina pa may mga matang nakamasid sakin.

"Okay ka lang ba talaga Yen?" Muling tanong sakin ni Jairus.
"Oo naman. Osya shot mo na daw oh!" Nakangiting sagot ko kasunod ng pagturo ko sa inaabot ni Jay na tagay.

"Yown!!! Okay na si Chrien!!!!" Malakas na sigaw ni Jovi. Bwiset talaga tong babaeng to! Sinigaw pa ang pangalan ko!

"Osya osya!!! Akin yang kanta na yan. Aken yannnnn!" Dugtong ni Jovi at agad na inagaw ang mic.

"SA LAHAT NG NANDITO!!! KAKANTA AKO! MAMATAY NA ANG HINDI PUMALAKPAK!!!" Malakas na sigaw ni Jovi at napuno ng palakpakan ang buong paligid namin.

"Mahiya ka nga Jovi!" Suway ni alexis pero tawa rin sya ng tawa.

"Kaya naman pala dito nagpumilit eh! Ayiiiiieeeee"

"Namiss kita Baby Chrien!!!!!!"

Magkasunod na narinig ko mula sa likuran. Napakapamilyar ng boses.

Kaagad kaming napalingon ng mga kasama ko sa pinanggalingan ng mga boses na yun.

"Ronje... Mj..." bati ko sa kanila at nadako ang tingin ko sa nasa likuran nila.

"Allyson..." mahinang pagbigkas ko sa pangalan niya.






Author: Comments. Votes. Pls. :)
Thankyou po sa pagsubaybay :)

Ang Manliligaw Kong Bully Book VITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon