Chrien Ross Point of View
"Osya tara na dito Mharkie Lloyd. Kumain na muna kayo" yaya ni Kuya Den sa kanila. Hindi ko inaasahan na makakasama namin si Allyson dito. Alam kong pinsan niya si Kuya Mharkie. Nasabi na niya iyon dati nung nasa ibang resort kami.
"Hiwalay na kami ng pwesto sanyo mga bagets. Siguradong hindi kayo mag-eenjoy kung kami ang kasama niyo" Nakangiting sabi ni Kuya Kerby.
"Napakadami mo pang sinasabe. Hayaan mo na mga yan. Bilisan mo kamutin mo kike ko" narinig naming sabi ni Ate She dahilan para magtawanan kaming mga naiwan dito.
Dito kami ngayon nakapwesto sa gilid ng mga instrumentong sinet-up kanina nila Kuya Allen. Hindi daw talaga pwedeng mawala ang ganito kapag may mga lakad silang magkakaibigan. Request daw lagi ni Kuya Paul yun. Pero ang totoo gusto lang marinig ni Kuya Paul si Kuya Den na kumanta.
Nasa magkabilang tabi ko ngayon si Jairus at si Justin. Nasa harapan naman namin si Kemuel at si Shem. Naupo si Allyson sa tabi ni Kemuel.
"Ako na magpapaikot ng tagay. Ikaw Shem hindi ka pwedeng sumabay sa tagay" narinig kong bilin ni Kemuel.
"Hoy! Jan Kemuel! Napaka-KJ mo! Minsan lang naman ako mag-inom!" -Shem
"Aba Shem Keziah baka bugbugin ako ni Kuya Aedan! Umayos ka!"
"Ikaw din Yen huwag masya-"
"Oooops! Jai sulitin natin ang gabing ito. I-enjoy natin" pigil ko sa dapat na sasabihin ni Jairus.
Nagsimula ng paikutin ni Kemuel ang tagay.
"Oooops! Mali ikot mo Kemuel. Huwag pakaliwan. Dapat pakanan" puna ko nung inabot na niya kay Allyson ang baso.
"Ha?" Takang reaksyon ni Shem.
"Masama daw kasi yun kasi parang pangangaliwa daw yun. Sabi yun nung kaklase natin Jai. Sabi ni Jovi" mahabang paliwanag ko.
"Kahit ano pang ikot kung mangangaliwa o magloloko, magloloko at magloloko pa rin. Hindi yun nakabase sa pag-ikot ng baso" sagot ni Allyson. Pero sa pagkakataong ito ay may halong pabiro na ang boses niya.
"Bakit hindi mo sinama yung boypren mo, Chrien? Diba yun yung naghatid at sumundo sayo dati nung birthday ni Alexis?" muling tanong ni Shem. Potek bakit sa ganitong pagkakataon pa siya nagtanong. Hindi ko tuloy alam kung ano ang isasagot ko.
"Ahh.. sasama dapat yun kaso may mga kailangang tapusin na activities. Player kasi yun ng basketball kaya may mga nalaktawan siyang activity" palusot ko.
"Diba kapag player excuse sa mga quizzes at activities? Ito kasing si Kemuel player din" walang muwang na sagot ni Shem.
"May mga school na kahit varsity ay hindi excuse sa mga activities. Dati naranasan ko yun eh. Lagi pa ako napapagalitan ng teacher ko dati" biglang singit ni Jairus. Alam kong sinabi niya lang iyon para mailayo ako sa usapan.
"Okay ganito nalang para hindi tayo boring" sabi ulit ni Shem habang kinukuha ang walang lamang bote ng alak.
"Spin the bottle tayo. Truth or Dare" ngiting dugtong ni Shem.
"Hala! Kayo nalang. Papanuorin ko nalang kayo" tanggi ko.
"Lahat tayo kasali Chrien. Walang KJ dapat. Saka tayo tayo lang naman nandito" -Shem.
"Oo nga bunso. Minsan lang to" gatong pa ni Justin at napagkaisahan na nga nilang lahat ako. Kaya wala akong nagawa kundi ang makisali sa larong naisip ni Shem.
Pinaliwanag ni Shem ang mechanics ng laro. Kung kanino tumapat ang bote ay siya ang pipili ng TRUTH, DARE o Iinom ng isang punong tagay.
"GAME!!!" masayang sigaw ni Shem at kaagad ng pinaikot ang bote sa ibabaw ng isang matigas na illustration board.
"Kemuel!!" sigaw ulit ni Shem kasunod nun ay ang malakas na pagtawa niya.
"Oh Kuya Justin ikaw muna unang magtatanong sa kanya" -Shem.
"Truth" - Kemuel.
"May nangyari na ba sanyong dalawa ng pinsan ko?" nakangising tanong ni Justin kay Kemuel patukoy kay Shem. Potek! Bakit ganito tanong ni Justin. Lalo tuloy akong kinakabahan sa larong ito.
"Hala! Bakit ganyan ang tanong?" reaksyon ni Shem at halatang kinabahan din.
"Oy!! Shem ikaw ang nakaisip neto! Saka hindi ikaw ang kinakausap ko" -Justin.
"Muntik lang. Mukhang hindi pa kasi kakayanin ni Shem" nahihiyang sagot ni Kemuel dahilan ng pagtawanan lahat ng kasama namin dito.
"Buset ka! Humanda ka sakin mamaya Jan Kemuel!" gigil na reaksyon ni Shem.
"Di mo pala kakayanin Shem eh!" kantyaw pa ni Justin.
"Osya... game na" sabi ni Kemuel at pinaikot na niya muli ang bote.
"Oh humanda ka ngayon Kuya Justin!" sabi ni Shem nung kay Justin tumapat ang bote.
"Bakit wala ka pa ring gir-"
"Oyy! Hindi pa ako nakakapili saka hindi naman ikaw ang magtatanong sakin eh" pambabara ni Justin kay Shem dahilan ng pagtawa naming lahat. Nakakawili rin pala ito. Magawa nga rin minsan to kina Jovi sigurado ako tatawa kami ng tatawa.
"Truth" - Justin.
"Ano yung pinakapinagsisisihan mong ginawa?" seryosong tanong ni Kemuel dahilan para mapunta lahat ang atensyon namin kay Justin. Bihira magkwento si Justin kahit dati kaya ito lang siguro yung pagkakataon para makarinig ako o kami ng seryosong kwento mula sa kanya.
"Siguro, yung time na ako pa talaga ang naghatid sa taong sobra kong mahal para sa taong mahal niya. Matapos kasi nun ang dami ng what ifs sa isip ko eh" mahabang sagot ni Justin.
"What ifs??" -Jairus.
"Oo.. yung tipong what if hindi ko siya hinayaan na magpunta dun o what if kung hindi ko siya hinatid dun... Ano kaya kami?" kasunod nun ay ang pagtawa niya at pag-inom sa basong may lamang alak.
Pinaikot na muli ni Justin ang bote.
"Tr...truth" medyo nautal kong sagot nung sakin tumapat ang bote.
"Katulad nung tanong ni Kemuel sakin. Ano yung pinakapinagsisisihan mong ginawa?" seryosong tanong ni Justin. Potek. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
"Sa totoo lang.. wala naman akong pinagsisisihan sa mga nagawa ko. Kahit kasi papano naging masaya ako dun. Saka lahat ng ginawa kong desisyon ay madami akong natutunan" pasegwey kong sagot at nginitian ko sila. Ininom ko na rin ang tagay dahil sa kabang nararamdaman ko.
Pinaikot ko na agad ang bote. Baka kasi bigla pang mag-follow up question tong magpinsan na Shem at Justin eh. Pakiramdam ko nga inaantay nilang mapatapat kay Allyson ang bote eh.
"Yown! Jairus!" muling sigaw ni Shem.
"Teka ano nga ba ang itatanong ko sayo Jai?" tanong ko sa kanya habang nakatingin ako sa bonfire.
"Ah! Alam ko na!" ngiting sabi ko.
"Sino ang pinaka-first love mo Jai?" tanong ko na may halong pang-aasar.
Author: Sensya po ulit. Late update. :)
Pengeng comments, votes ang reaction naman po :)
Ang sarap mag-update kapag madaming nababasang reaction :)
BubeiYebeb

BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully Book VI
De TodoSimulan na nating subaybayan ang istorya ni Chrien. :) Slow update po muna. Add niyo na muna sa library niyo. Maraming salamat po :)