Jairus Cael Castillo Point of View
Last quarter na.
42 - 39 ang score. Lamang kami. Hindi ko talaga sinasayang ang bawat pagkakataon na maishoot ko ang bola. Alam ko ganoon din ang team nila Noah.
"Parang finals na ah" biro sakin ni Jay habang naglalakad kami papunta sa bench namin. Humingi kasi ng time out ang kalabang team. Huling time-out na nila iyon. Kami may dalawa pa.
"Papasikat kang maigi kay Yen Yen mo ah. Shot kaya mamaya?" dugtong ni Jay nung makaupo na kami malapit kay coach.
"Loko! Diba may gala nga tayo mamaya? Sasama nga si Yen Yen eh. Ititreat niya daw ako" sagot ko.
"Kung mananalo tayo at anong ikaw ang ititreat niya? Baka ikaw ang magtitreat sa kanya. Kilala kita Jairus!" kasunod nun ay ang pagtawa ni Jay dahilan para makuha ang atensyon nila Jovi.
"Bakit? Tingin mo sakin papayag akong matalo ngayon?" seryosong sagot na patanong ko sa kanya.
Matapos ipaliwanag ni coach ang mga gagawin at set namin ay palihim kong tiningnan ang team nila Noah. Magkatabi sila nung babae pinupunasan nito ng pawis si Noah. Halatang may pinaguusapan sila dahil sa pagbuka ng bibig nila.
Bahagya akong tumayo at nilapitan ko si Chrien.
"Yen..." pagtawag ko sa kanya sapat na para kami magkakaibigan lamang ang makarinig.
"Jai..." sagot niya.
Kusang kumilos ang dalawang paa ko pahakbang sa kanya. Nasa harapan ko na ngayon si Chrien. Bakas sa mukha niya ang labis na pagtataka. Binalot ng katahimikan ang buong paligid namin. Ramdam na ramdam ko na samin nakapokus ang buong atensyon ng nasa paligid namin.
"Jai..." takang pagtawag ni Chrien sa pangalan ko.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Niyapos ko siya. Hindi ko na alam kung ilang segundo kami sa ganitong sitwasyon. Hanggang sa narinig ko nalang ang malalakas na palakpakan at sigawan ng mga kaklase namin.
"Tatalunin ko siya. Hindi niya ako matatalo lalo na pagdating sayo Yen" sabi ko sa kanya na sapat na kaming dalawa lang ang nakakarinig. Mabilis na akong tumakbo pabalik sa loob ng court pero bago ko tuluyang kuhanin ang bolang inaabot ng referee ay muli akong humarap sa kinaroroonan ni Chrien. Dalawang beses kong tinapik ang harapan ng puso ko gamit ang kanang kamay ko kasunod ng pagturo ko sa kanya.
"Mukhang iba ang ruta niyong dalawa mamaya tol ah" panunukso sakin ni Jay.
"Gagu! Pokus na tayo pre. Kailangan ipanalo ko to" nakangiting sabi ko kay Jay at ipinasa ko na sa kanya ang bola.
"Jairus oh!" malakas na sigaw ni Jay at aakmang ihahagis papunta sakin ang bola nung biglang pumito ang referee.
Foul number 30 - Nicholas Noah!
"Noah chill lang. Mahaba pa ang oras" narinig kong sabi nung isang ka-team ni Noah. Tiningnan lamang siya ni Noah iyon at naglakad papunta sa ilalim na bahagi ng ring.
"Sure ball Noah" rinig kong sabi ni Jay.
Ipinasa na sakin ng referee ang bola. Dinribol ko na ito at inihagis papunta sa ring. Parehong pumasok sa ring ang dalawang free throw ko. Matapos iyon ay pumwesto na muli kami para sa opensa dahil hawak na muli ng kalabang team ang bola.
44 - 39.
Ipinasa kay Noah ang bola. Maliksi akong tumakbo papunta sa kanya habang dinidribol niya ang bola.
"Binalaan kita Jairus layuan mo si Chrien. Ikaw ang dahilan kung bakit nasira ang relasyon namin" mahinang sabi sakin ni Noah dahilan para mawala ako sa pokus at mabilis siyang nakalampas sakin.
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully Book VI
RandomSimulan na nating subaybayan ang istorya ni Chrien. :) Slow update po muna. Add niyo na muna sa library niyo. Maraming salamat po :)