Chrien Ross Point of View
"Ien?"
"Oah?"
Halos sabay naming reaksyon sa pamamagitan lamang ng pagbuka ng aming mga labi. Hindi pa rin nagbabago ang itsura ng bespren ko. Bakas na bakas ko sa mga mata niya ang pagkabigla nung makita niya kami. Ako pala. Bigla nanaman tuloy nanariwa sa isipan ko ang lahat ng mga nangyari saming dalawa. Hindi ko man aminin, sobrang namiss ko itong bespren ko.
"Magkakilala na pala kayo. Mas magan-"
"Kuya...Kuya Je..Jer..ome?" Gulat at may halong takot sa boses ni Oah nung napadako ang tingin niya kay Kuya Kieth na nasa gilid namin. Ibig sabihin ngayon niya palang nakita si Kuya Kieth at pareho kami ng naging unang reaksyon.
"Ah.. excuse lang po saglit.. Kausapin ko lang po si Oah" mabilis kong paalam at hinila ko si Oah papunta sa garden.
"Ien... Diba.. wala na si Kuya Jer.."
"Kalma ka muna Oah.. Ganyang ganyan din ang naging unang reaksyon ko nung makita ko si Kuya Kieth.." panimula ko.
"Kuya Kieth? Paano mangyayari halos wala siyang pinagkaiba kay Kuya Jerome" takang takang tanong niya.
Pinaliwanag ko sa kanya ang lahat. Kinuwento ko sa kanya ang lahat pati iyong kay Hariel.
"Kaya kami nandito ay para mag-imbestiga. Gusto ko malaman ang totoo. Ayaw ko paniwalaan ang iniisip ko Oah..." mahinahong sabi ko.
"Na buhay si Kuya Jerome?" diretsong dugtong niya.
"Imposible kaseng mangyari iyon Oah... Imposible..."
Aktong magsasalita pa sana ako nung bigla ko nalang naramdaman ang mga braso ni Oah na nakapulupot sa baywang ko mula sa likuran ko. Damang dama ko ang mainit niyang hininga niya habang ang ulo niya ay nakagiya sa leeg ko.
"I'm sorry..." bulong niya sakin dahilan para makaramdam ako ng pagkabigla mula sa kanya.
"Namiss kita ng madami Ien.." dugtong niya. Hindi ko pinahalata sa kanya ang pinong pagpatak ng mga luha ko. Ang dami kong gustong itanong kay Oah pero ayoko naman na mahadlangan nanaman ang kasiyahan niya. Naintindihan ko na yung sinabi sakin dati ni Kuya Den na hindi natin makokontrol ang mga bagay o gusto ng isang tao. May iba iba tayong source ng happiness at narinig ko rin iyon dati kay Oah. May mga bagay din siyang gustong masubukan. Gusto niyang mag-explore. Masakit sakin iyon pero ibinigay ko sa kanya ang kalayaan. Nagpaubaya ako dati dahil alam ko mas magiging masaya siya.
"Yen..."
Ayoko manumbat pero hindi niya nga alam yung mga naramdaman ko dati. Haaaay... potek bakit nagiging emosyonal ako ngayon. Hindi ko dapat ipahalata kay Oah itong nararamdaman ko. Baka mamaya maawa nanaman sakin ito.
"Yen.."
Bigla akong napakalas sa pagkakayakap sakin ni Oah nung marinig ko ang boses ni Jairus at bahagya kong pinunasan ang magkabilang pisngi ko.
"Jai.." pagtawag ko rin sa kanya.
"Tara na Yen.. hinahanap ka na nila Jovi" tanging nasabi niya. Alam ko naman na dahilan niya lang iyon. Alam ko naman na siya ang naghahanap sakin. Kilala ko na iyang si Jairus. Hindi niya naililihim ang nararamdaman niya. Halatang halata.
![](https://img.wattpad.com/cover/237164382-288-k614738.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully Book VI
RandomSimulan na nating subaybayan ang istorya ni Chrien. :) Slow update po muna. Add niyo na muna sa library niyo. Maraming salamat po :)