Kunwari ka pa.

224 16 1
                                    

Jairus Cael Castillo Point of View


Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para sabihin iyon kay Kuya Den. Basta sinunod ko lang ang gustong sabihin ng puso at isipan ko. Hindi ko na napigilan. Wala akong laban sa desisyon ng puso ko. Hindi ko sinasamantala ang pagkakataon na wala na sila ni Noah sadya lang talagang ibinibigay sakin ang pagkakataon para kay Yen Yen ko.

"Uy! Jairus kapag talaga may nangyaring hindi maganda dyan kay Chrien wala kaming ibang pagbibintangan kundi ikaw!" sita sakin ni Alexis nung napansin nilang ang tagal ko na palang nakatitig kay Chrien habang nakaharap ako sa kinauupuan niya.

"Kahit ilang oras ka tumayo diyan hindi isusubo ni Chrien yan kaya umupo ka na! Paparating na si Sir Diggy!" bulyaw naman sakin ni Jovi dahilan para magtawanan ang lahat ng mga kaklase namin.

Nagdiretso na ako sa upuan ko matapos iyon. Ewan ko ba. Pero napakasaya ko talaga. Gusto ko ngang paalisin si Jovi sa tabi ni Chrien at ako ang umupo don eh.

"Nakaiskor ka na no?" bulong sakin ni Jay.

"Gagu! Hindi pre no!" reaksyon ko.

"Kunwari ka pa. Bakit namumula ka? Saka humiwalay kayo samin eh"

Tinawanan ko lang si Jay. Hindi pa namin pwedeng gawin ni Yen Yen yun. Hindi pa naman official na kami saka basta hindi ko gagawin iyon hanggat hindi pa siya ready. Ano ba itong pumapasok sa isip ko. Nakakaramdam tuloy ako ng init sa katawan basta ganun ang usapan at tungkol kay Yen Yen ko.

"Takpan mo pre... Naumbok" kantyaw ni Jay at tumawa siya ng malakas dahilan para magtinginan samin lahat ng kaklase namin.

Nagsimula na si Sir na magdiscuss. Pero ang totoo naman talaga ay puro kwento lang si sir ng mga kakaiba. Yung parang makukuha talaga ang atensyon mo dahil sa kakaibang mga sinasabi niya.

"Remind ko lang kayo na nextweek na niyo na ipeperform ang mini stage play niyo" -Sir

"Ayy potek! Nakalimutan na natin ang lintek na iyon!" reaksyon ni Jovi.

"Sir pwede po bang next month na? Hindi na po kami nakakapagpractice madami po kasi kaming ginawa nitong mga nakaraang linggo" -Alexis.

"Oo nga sir marami po kasi kaming ginalaan kaya nawala na sa isip namin yung play play na sinasabi niyo" seryosong dugtong ni Jovi dahilan para lumipat ang tingin naming lahat sa kanya.

"Kung makatingin naman kayo parang balak niyo akon-ARAAAAY! PUT-"

"Jovi!!" -Sir

"PUTO!! Gusto ko ng puto sir!" malakas na dugtong ni Jovi matapos siyang batukan ni Alexis

Matapos ang ilang sandali ay natapos na ang oras ni Sir Diggy samin. Napagdisisyunan namin na sa cafeteria na pag-usapan ang pinapagawa samin ni Sir.  Wala nanaman problema sa script dahil magaling si Jay sa mga ganoong bagay.

"Tara na. Kumain muna tayo" sabi ko kay Yenyen at kusang kumilos ang kamay ko at kinuha ko ang bag niya.

"Ako na Jai. Magaan lang naman ito" nakangiti niyang pigil sakin. Syempre naman hindi ako pumayag. Nanliligaw ako sa kanya eh. Gusto ko iparamdam sa kanya ang sinsero kong pagtatangi.

Ang Manliligaw Kong Bully Book VITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon