Jairus Cael Castillo Point of View
Nung naramdaman ko na ang paghigpit ng pagkakapit sakin ni Chrien ay sinimulan ko ng paandarin ang motor. Si Jay at si Jovi sa motor ni Jay, ako at si Chrien sa motor ko at sa sasakyan naman si Alexis ang ibang mga kasama namin. Napagkasunduan namin na pumunta sa Tagaytay at dun magcelebrate ng pagkakapanalo namin. Kasama rin namin ang mga ka-team ko at may kanya kanya silang sasakyan.
"Ayos ka lang Yen?" tanong ko sa kanya habang patuloy naming tinatahak ang daan.
"Okay lang ako Jai. Pokus ka sa pagdadrive. Huwag mo bibilisan ha baka mahulog ako" sagot niya.
Gusto ko sana siyang tanungin kung ano ang pinag-usapan nila ni Noah kanina. Kung ano ano kasi ang pumapasok sa isipan ko. Nagseselos ako. Sobra. Hanggat maaari nga ayoko ng napapalapit pa si Chrien kay Noah dahil ayoko ng maulit yung mga ginawa sa kanya ni Noah dati. Gusto ko siyang protektahan sa mga bagay o taong makakasakit sa kanya. Bata palang ako sinasabi ko na sa sarili ko kapag dumating ang pagkakataon o kapag binigyan ako ng pagkakataon na maging sakin ka, poprotektahan kita at gagawin ko ang lahat para hindi ka mapahamak o masaktan.
Paano nga kaya kung ako yung nakapartner niya sa stage play dati? Paano kung ako yung humalik sa kanya? Paano nga kaya kung hindi biglang sumulpot si Ronje dati at natuloy ang pagpapakilala ko sa kanya? Paano nga kaya kung sa bawat pag-aabang ko sa kanya dati sa gate ng school ay sinabayan ko na siya? Paano nga kaya kung nilagyan ko ng pangalan ang bawat regalong pinapabigay ko sa kanya dati tuwing birthday, valentines, christmas at new year? Kahit nga November 1 ay nagpapadala ako ng regalo eh. Paano nga kaya kung ginawa ko lahat yan? Ako kaya ang boyfriend niya ngayon? Ako kaya ang mahal niya? Dami kong what ifs. Pero sa pagkakataong ito at gagawin ko na ang mga bagay na hindi ko nagawa dati. Malakas na ang loob ko. Sigurado na ako.
"Huy Jairus okay ka lang?" untag sakin ni Jay dahilan para mapabalik ako sa katinuan.
"Okay lang. Bakit tol?" agad kong sagot sa kanya.
"Kanina ka pa nakatitig kay Chrien. Kanina pa rin niya inaabot sayo yang bulalo oh" dugtong ni Alexis dahilan para mapatingin ako sa hawak hawak ni Chrien.
"Ay sorry. Ang cute mo kasi Yen" palusot ko at kinuha ko na ang kanina pang inaabot ni Chrien sakin. Nagsimula na kaming kumain. Napuno ng kwentuhan, asaran at tawanan ang buong paligid dahil kay Jay at Jovi. Sila ang pasimuno kung bakit ang ingay ingay namin dito sa open resto na ito. Kitang kita mula dito ang tanawin na Bulkang Taal. Malamig ang bawat dampi ng hangin sa balat at napapaligiran kami ng kulay berdeng tanawin.
"Salamat nga pala kanina ha..." biglang sabi ni Chrien habang kapwa kami nakatingin sa dagat na may mga maliliit na bangka na lalong nagbibigay ng kagandahan sa paligid nito.
"Para san?" takang tanong ko.
"Wala. Picture nga tayong dalawa. Trip kong magpalit ng profile pic sa fb ko eh" nakangiting sagot niya sakin.
"Talaga? Ipoprofile pic mo ako?" gulat at masayang tanong ko sa kanya.
"Ayaw mo akong kasama sa picture?" pang-asar na tanong naman niya sakin.
"Joke lang. 'To naman hindi na mabiro. Smile Yen Yen" sabi ko matapos kong kunin ang cellphone niya at tinapat ko saming dalawa.
"Tol tara picture tayo dun" sabay hila sakin ni Jay saktong lapit naman nila Jovi kay Chrien.
"Tol mukhang nagkakamabutihan na kayong dalawa ni Chrien ah. Huwag mo ng pakawalan yan" sabi sakin ni Jay matapos naming magpicture.
Kahit hindi sabihin ni Jay sakin iyon talagang gagawin ko. Ayoko ko ng sayiangin pa ang chance na binibigay sakin ng tadhana. Naihanda ko na rin ang sarili ko sa mga posibleng pwedeng mangyari sa napagdesisyunan kong gawin. Gagawin kong tama. Yung tamang proseso. Hindi yung basta nalang. Dahil naniniwala ako na kapag pinaghirapan mong makuha ang isang bagay o tao at patuloy kang gumagawa ng paraan para hindi ito mawala ay hindi ito babawiin sayo ni God.
"Pangiti ngiti ka nanaman diyan Jairus" kasunod ng pagtapik sakin ni Jay habang naglalakad kami pabalik sa sasakyan. Hindi na nga namin napansin ang oras. Inabot na kami ng dilim.
"Kapit kang maigi Yen ha..." bilin ko sa kanya nung naisuot ko na sa kanya ang helmet.
"Yung ganito Jai?" tanong niya nung bahagyang gumapang at yumakap na sa baywang ko ang magkabilang kamay niya.
"Yung mas mahigpit pa Yen..." malambing na sagot ko na nakapagbigay sakin ng kakaibang pakiramdam. Takte! Kinikilig ako.
Naramdaman ko ang dahan dahang paghigpit ng pagkakayapos sakin ni Chrien. Sinimulan ko na ang pagdadrive. Hinayaan ko ng mauna ang ibang mga kasama namin. Hindi ko kasi pwedeng bilisan ang pagpapaandar dahil kailangan mas maging maingat. Kasama ko kasi ang future na mapapangasawa ko. Ayokong hindi matuloy ang mga plano ko - kasama si Chrien. Kasama ang nag-iisang nagmamay-ari ng puso at buong pagkatao ko.
Dahan dahan kong ipinarada ang motor ko sa gilid ng eskinita papasok sa kanila. Kusa ko ng tinanggal ang suot niyang helmet at kinuha ko ang bitbit niyang bag at pasalubong.
"Ako na Jai. Yakang yaka ko yan" sabi niya sakin at umaakmang kinukuha ang dala ko.
"Relaks ka lang Yen. Tara na sanyo" ngting sagot ko sa kanya.
Nauna siyang maglakad papasok sa kanila. Sinundan ko siya hanggang sa harapan ng pintuan nila.
"Kuya nandito na ako. May pasalubong ako sayo" pagtawag niya kay Sir Den na nakapagdulot na sakin ng pagkalabog ng dibdib ko.
"Nei eto na si Chrien. Huwag mo na tawagan" sabi naman ng sumalubong samin. Si Kuya Paul.
"Magandang gabi po Sir Den" pagbati ko nung nasa harapan na namin si Sir Den.
"Pasensya na po at medyo ginabi po kami. Niyakag ko po kasi si Chrien na mag-dinner" dugtong ko. Mukha kasing papagalitan si Chrien.
"Osya ilagay niyo nalang sa lamesa yang dala niyo. Ikaw naman Francisco kanina pa nagugutom si Jerome. Inuuna mo pa yang paglalaro mo ng Play Station! Kapag hindi ka pa kumilos diyan tatawagan ko si Lolo" mahabang litanya ni Sir Den.
"Nei naman. Minsan na nga lang makapaglaro. Saka kayang kaya na ni Jero-"
"Sige! Ikaw maglaba, ikaw magluto at huwag kang matutulog sa kwarto mamaya!" -Sir Den.
"To naman eh. Eto na nga oh. Pinatay ko na ang play station. Jerome baby nandyan na si Dada" maliksing kilos ni Kuya Paul dahilan para mapatawa si Chrien.
"Nga po pala Sir Den..." muling pagtawag ko sa kanya nung aktong babalik na siya sa ginagawa niya.
"Ano yun Jairus?" tanong niya sakin.
Potek! Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko.
Grabe iyong kaba ko.
Hindi ako natingin kay Chrien.
Pinokus ko ang atensyon ko kay Sir Den.
Inhale... Exhale...
Bahala na. Desidido na ako.
"Sir Den... Ipinapaalam ko po sa inyo na liligawan ko po si Chrien..."
Author: Maraming salamat po sa paghihintay ng update. Pasensya na po kasi madaming po akong ginagawa.
Baka po may interesado sa SAMUELS POINT OF VIEW. 100php lang po. Image file. Pwede din po Pdf. Promise marami po kayong matututunan sa book na iyon. Pakimessage nalang po ako sa mga interesado. Salamat po ng marami.
Comments.Votes. po :)
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully Book VI
RandomSimulan na nating subaybayan ang istorya ni Chrien. :) Slow update po muna. Add niyo na muna sa library niyo. Maraming salamat po :)