Jairus Cael Point of View
At eto na nga ang pinakahihintay ng lahat - lalo na ako. Ang mini-play ng section namin.
5 - 4 - 3 - 2 -and 1 ACTION!" Narinig naming mula kay Jay.
"Noong unang panahon sa isang kahariang napakaganda at napakasaya ay may mag-asawang Hari at Reyna na hindi pinagkakalooban ng supling sa matagal na matagal ng panahon. Ngunit, dumating ang kanilang matagal na nilang inaantay. Biniyayaan sila ng isang anak na lalake. Siya ay si Prinsipe Azrael." Panimula nung isang kaklase namin at biglang bumukas ang ilaw na naghuhudyat na nakikita na kami ng napakaraming prof at estudyante. Naramdaman ko ngang tumayo ang balahibo ko nung pagbukas ng ilaw eh.
"Mahal kong Asawa. Nakapatikas ng ating anak" Pagsisimula ni Alexis. Takte seryosong seryoso siya.
"Ngayon ay ipinagdiriwang natin ang kaarawan ng Prinsipe. Lahat ay inaanyayahang dumalo" napakasayang sabi ng pumapapel na Hari.
"Mahal kong mga Diwata, pakiusap bigyan niyo ng basbas ang aming Prinsipe Azrael" -Reyna.
Lumapit ang tatlo kong kaklase sa pinagpanggap naming batang prinsesa.
"Para sa aming mahal na Prinsipe Azrael, binibiyayaan ko siya ng kakisigan na walang kapantay..." sabay wagayway ng unang diwata.
"Para sa aming mahal na Prinsipe, binibiyaya ko siya ng kalakasan..." sabay wagayway uli ng pangalawang diwata.
"At ang huling basbas para sa aming mahal na Prinsipe Azrael...."
Hindi na naituloy ng huling diwata ang kanyang sinasabi nung biglang umalingawngaw ang napakalakas na tawa.
"Napakasaya naman ng inyong pagsasalo... ngunit para yatang wala akong natatanggap na imbitasyon..." napakalas at napakagaling na pag-arte ni Jovi. Wow! Ang galing ni Jovi. Saktong sakto sa lakas ng boses niya ang karakter niya.
"Sino naman ang mag-iimbita sa napakasamang mangkukulam na kagaya mo!" Sagot naman ng unang diwata.
"Humihingi ako ng paumanhin.. Nabatid kasi namin na hindi mo gusto ang ganitong uri ng pagsasalo" sabi naman ng Reyna.
"Oo! Ayoko!!!! Pero mas ayokong binabalewala ako!!!!" Dumadagundong na sigaw ni Jovi habang patuloy sa paglakad lakad sa stage.
"Ngayon, makinig kayong lahat! Ibibigay ko ang basbas ko sa mahal na Prinsipe Azrael... Ang mahal na prinsipe ay mabubuhay ng masaya, mabuti at mamahalin siya ng lahat ng tao dito sa kaharian" gigil na akting ni Jovi.
"NGUNIT!!!!!!!" Putol niya sabay turo sa batang prinsipe gamit ang kanyang hawak hawak na walis tambo na nilagyan ng design para magmukhang baston ng masamang nilalang.
"Ngunit sa kanyang ika-labingwalong kaarawan, siya ay matutusok ng matulis na bagay..." seryosong dugtong niya.
"AT SIYA AY BABAWIAN NG BUHAY!!!!!" Malakas na sigaw kasunod nun ay ang pagtawa niya habang nakaharap sa mga nanunuod.
Shit! Ang galing ni Jovi. Kitang kita mula dito sa likuran na namamangha ang mga nanunuod samin.
"Anong gagawin natin... isinumpa ng mangkukulam ang ating anak..." sabi ng Reyna sa nag-aalalang mukha.
"May paraan pa ba para mapawalang bisa ang sumpa ng mangkukulam?" Alalang tanong ng Hari habang yakap yakap ang batang prinsipe.
"Hindi ko pa naibibigay ang basbas ko..." sabi ng ikatlong diwata.
"Tama.. mapapawalang bisa mo ang sumpa ng mangkukulam" may pag-asang sabi ng Reyna.
"Makapangyarihan ang sumpa ng mangkukulam at hindi ko kayang ipawalang bisa iyon, subalit.. ang prinsipe ay matutusok ng isang matulis na bagay sa kanyang ika-labingwalong kaarawan ngunit hindi siya mamamatay. Ang prinsipe ay makakatulog lamang at tanging halik lang ng isang babaeng busilak kalooban at may angking katapangan ang makakagising sa mahal prinsipe at makakapagpawalang bisa sa sumpa ng mangkukulam" mahabang paliwanag ng ikatlong diwata.
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully Book VI
De TodoSimulan na nating subaybayan ang istorya ni Chrien. :) Slow update po muna. Add niyo na muna sa library niyo. Maraming salamat po :)