Chrien Ross Point of View
"Nasabi mo na ba kay Sir Den ang tungkol dito?" tanong ni Jovi habang nakain kami dito sa cafeteria.
"Hindi pa. Hindi pa siguro ito ang tamang panahon para sabihin sa kanya. Kailangan ko muna malaman kung ano ang totoo. Hindi ko pa rin ulit nakakausap si Kuya Allen tungkol sa nangyari kay Kuya Jerome dati e" mahabang sagot ni Yen.
"Eh bakit naman tumawag sayo si Justine nung isang gabi?" dugtong na tanong ulit ni Jovi.
"Birthday daw niya ngayon. At sinabing kailangan daw nandoon ako dahil importante daw yung celebration. Inaasahan na rin daw kami ni Kuya Den" -Yen
"Alam mo Chrien napapaisip ako sa nangyayari" biglang seryoso ni Jovi dahilan para mapatingin ulit ako sa kanya.
"Yang biglang pagkakita mo kay Kuya Kieth na sinasabi mong kamukhang kamukha ni Kuya Jerome mo pati na rin ang biglang pagsulpot ni Hariel na naging dahilan ng muli nyong pagkikita ni Noah tapos yang bigla ding pagtawag ni Justin sayo" mahabang sabi ni Jovi.
"Mukhang pangblockbuster ang buhay mo bakla ka" dugtong ni Jovi na may halong pagbibiro sa tono ng boses nya.
"Kanina pa kita hinahanap Yen. Tara na. Game 2 daw kami" biglang sulpot ni Jai kasunod naman si Jay.
"Naku hindi makakasama yang si YenYen mo!" Bulyaw na sagot ni Jovi.
"Baket??" Halos sabay na tanong ng dalawa.
"Birthday lang naman ngayon ni Justin Franz C. Gabriel na matagal ng may gusto dito sa baklang to at hindi pwedeng hindi sya pumunta dahil matagal ng nalilibu-"
"Osya tama ka na Jovi! Ang dami mong sinabi!" Sabay salpak ko ng tinapay sa bibig nya dahilan para hindi niya matuloy ang dapat nyang sasabihin.
"Sasama ako Jai.. pero baka hindi ko matapos ang game niyo. Kasama ko kasi si Kuya Den" malumanay na sabi ko kay Jai.
"Oh yun naman pala e" ngising reaksyon ni Jay. Halata ko sa mukha ni Jai na nalungkot siya sa sinabi ko pero wala naman akong magagawa. Matagal na rin simula nung hindi ako nakakapunta kina Justin. Pamilya na rin ang turing ko sa kanila dahil sa relasyon ni Kuya Paul at Kuya Den.
"Okay lang Yen. Gusto mo ihatid ko na kayo ni Kuya Den mo mamaya?"
"Ayy wag na Jai.. sigurado akong susunduin kami ni Kuya Paul. Osya tara na. Para makapag warm up na kayo" nakangiti kong yaya kasunod nun ay ang pagkuyabit ko ng kamay sa braso ni Jai.
"Wala pa man din sa court panalo na tong si Jairus!" Kantyaw ni Jay habang naglalakad na kami.
"Tanginanyooo! Kasama nyo ako!!!" Sigaw ni Jovi nung naiwan namin siyang nakaupo pa rin sa upuan ng cafeteria.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Hala! Sila Noah pala makakalaban niyo Jairus!" Takang reaksyon ni Jovi. Hindi ko pinahalata na pati ako nagtaka rin."Diba na-move ng ibang date ang laro namin dati. Hindi nga namin alam kung ano dahilan basta sinabi nalang samin ni coach na ipopost nalang daw sa group page ang schedule ng game namin" paliwanag ni Jay habang inaayos niya ang gamit niya.
"Yen tayo ka" utos sakin ni Jai. Kaagad naman akong tumayo at bigla nalang isinuot saken ni Jai ang isang kulay puting jersy. "-Jai-
"Ayieeeeeee kekeleg nenemen eng bekle!' pang-asar ni Jovi.
"Wala pang pang-activate ng galing dyan! Hahahaha" -Jay.
"Tangnaka warm up palang! Masyado kang excited! Bulyaw ni Jovi bagi tuluyang tumakbo sa loob ang dalawa.
Dati dati nasa kabilang side ako ng court na ito. Laki na talaga ng pinagbago. Hanggang sa hindi sinasadyang mapadako ang tingin ko sa dating inuupuan ko. Natanaw ko si Oah. Nakatingin saken. Nginitian ko siya at agad na tinuon ko ang mata ko sa team nila Jairus na nagwawarm up.
Hindi rin nagtagal ay nagsimula na ang laro. Katulad dati parehong nasa first 5 sila Jairus at Oah. First quarter palang mainit na agad ang laban. Kada puntos ng team nila Jairus ay pumupuntos din ang team nila Oah.
"Pakiramdam ko iniisip ni Noah at Jairus na ikaw ang premyo dyan Chrien" sabi ni Jovi.
"Abnormal ka!"
"Kuh! Kilig ka naman!"
"Bespren ko yan ni Oah. Saka masaya na yan. Masaya na rin ako para sa kanya dahil nagagawa at naeexplore nya ang paligid. Hindi niya kasi yun nagagawa kapag palagi kaming magkasama. Mas maig-"
"Hindi naman kita pinageexplain Chrien! Dami mong sinasabe! Napaghahalata ka tuloy! O ayan na si Jairus" -Jovi.
Inabutan ko si Jairus ng gatorade at mini towel. Malawak nga ang pagkakangiti niya at pinagkadiinan niyang lamang sila sa team ni Oah.
"Oo na. Kayo na magaling" sabi ko matapos kong kunin na ulit ang pinaginuman ni Jairus.
Kung galing ang pag-uusapan, parehong magaling si Jairus at Oah. Ang pinagkaiba nga lang ay mainitin ang ulo ni Oah kaya kailangan palagi may umaagapay sa kanya. Buti na nga lang at andun yung mga bagong kaibigan ni Oah. Sigurado naman ako hindi nila hahayaan si Oah na uminit ang ulo at makagawa ng hindi maganda sa oras ng laban. Ewan ko ba dyan sa bespren ko na yan. Ang laki na rin ng pinagbago.
Narinig na ulit namin ang malakas na hudyat upang magsibalikan sa loob ang mga players ng magkabilang team.
"Goodluck! Galingan mo lalo Jai!" Pagcheer ko sa kanya.
"Pwede ba yung goodluck lang?' ngising asar ni Jay.
"Dapat inaactivate ang galing ni Jairus. Mukhang nawawala na kasi ang galing saka mukhang pagod na" dugtong ni Jay na halatang nang-aasar.
Bahagya akong tumayo at humakbang papalapit kay Jairus. Bakas na bakas nga sa mukha niya ang saya dahil ang lawak ng pagkakangiti niya.
"Galingan mo Jai ah..." Mahinang sabi ko at dahan dahan kong inilalapit ang mukha ko sa mukha niya. Bahagya siyang yumuko dahil alam niyang hindi maaabot ng pagliyad ko ang mga labi niya.
Aktong maglalapat na ang aming mga labi nung biglang may nagsalita sa likuran namin.
"Bunso kanina pa kita inaantay.. tara na. Andun na sila Kuya Den" -Justin Franz C. Gabriel.
Author: Salamat po sa matagak na pag-aantay. Mag-update na po ako. Bakasyon na kamiiii 😍😍😍😍
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully Book VI
RandomSimulan na nating subaybayan ang istorya ni Chrien. :) Slow update po muna. Add niyo na muna sa library niyo. Maraming salamat po :)