Kabanata 21

1K 28 3
                                        

Kabanata 21

Tired

Fourth-year college and I've been trying my best to heal by myself.

Little-by-little, of course, dahil hindi ko naman kaya ang isang bultuhan dahil maninibago ako. At kung maninibago ay alam kong mawawala ako sa daang tinatahak ko. Mahihirapan ako kapag nangyari 'yon dahil alam kong papalapit na. Napabilis lang dahil sa pagdisrespeto kay Mommy pero bukod pa ro'n ay wala na akong masasabi pa.

I am destined to be disowned by my family—that is one of the realities that I'm aware of. Matagal ko nang pinaghahandaan at kung dadating nga, hindi ko alam kung saan ako mapapadpad. Ngunit hangga't wala pa ay naghahanap na ako ng paraan.

I think healing by myself is one of the biggest steps in this journey. Pero iba na ang landas na tinatahak ko—hindi na perpeksyon dahil nagsasawa na 'ko ro'n. Sawang-sawa na rin akong maging sunud-sunuran kina Mommy kaya hindi ko na alam kung ano pa ang tamang daan... at kung babalik pa ba ako sa nakaraan kung wala itong ginawa kun'di sirain ako.

Ngunit hangga't pinagagaling pa ang sarili ay hindi na muna ako mag-iisip. I have experienced a lot of confusion already; I don't want to add more. The most exemplary thing that I should be doing right now is to focus on what I need to do—healing.

I honestly want to be independent in terms of living. Ayoko nang tumira sa lugar na 'to dahil hindi ko naman 'to tinatrato na bahay, at kahit na may kwarto bilang pahingahan, naubos ko na ang kakayahan nitong magpagaling.

I want to have a condo unit, too, but according to my mother's verdict, I'm not yet worthy enough to have one. Hindi ko na lang pinapansin pa ang sinabing 'yon ni Mommy at inabala ang sarili sa pagpapagaling.

I don't know how emotionally damaged I am, but one thing's for sure—I am going to do anything for my self-healing. Iyon ang pinakaimportanteng gawain ko ngayon at wala nang iba pa.

Months after I talked back to my mother, she has been more distant from me ever since. Okay lang naman sa 'kin 'yon dahil hindi ko na pinapansin ang presensiya niya. Hindi na rin naman niya ako pinagsasalitaan ng kung ano-ano at nakuntento na lang sa mapanuyang mga tingin.

It doesn't affect me anyway because I am so tired of what she's been forcing me to do. Naging sanay na sanay na ako, hindi na naaapektuhan pa ng kung ano-ano dahil hindi na sila ang inaalala ko kun'di ang sarili.

At ngayong sinisimulan ko 'yon, kailangan na ring simulang ni Kuya Warren hangga't maaga pa.

"Kuya," I called after I knocked at his door. May narinig akong kalabog kaya mabilis akong pumasok sa kwarto niya. Hindi na bago pa sa paningin ko ang nakasuksok na tissue sa ilong niya ngunit hindi ko mapigilan ang mag-alala.

I closed the door and went to my brother. I eyed the rolls of tissue at his desk before I sighed.

I don't... want to point it out anymore. Tingin ko'y pagod na rin si Kuya Warren kaya hindi ko na inungkat ang pagdudugo ng ilong niya.

"Kuya, I think you should... take care of yourself more," I said as I looked around.

It's still the usual mood of my brother's room—masculine and businesslike. Halos itim ang lahat ng mga gamit niya mula sa kurtina, headboard, punda ng unan at sapin sa higaan, kumot, pati na rin ang pader na tinutukuran ng kama ay itim din. Iyon lang ang naiiba dahil ang natitirang pader at kisame ay kulay gray.

I turned off the small bedside lights that are mounted to the walls. Bumuntong-hininga ako at sinilip ang ilan pa niyang dekorasyon sa kwarto.

"You should use your bed more, Kuya Warren. Maluluma 'yung desk mo sa kagagamit mo," I said, my eyes squinted at the new painting.

Epigraph and Quintessence (STATION Series #4)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon