Kabanata 26
Complicated
I do not know where to go after I left out another part of my dependence. I felt lost, but it was the truth. Binitiwan ko ang bagay na lagpas isang dekada ko nang kinakapitan kaya paniguradong maliligaw talaga ako. Pero sa pagkakataong 'to, alam kong unti-unti kong makakamit ang katahimikan ko.
I decided to visit the cemetery that I usually go to. This was the second quietest place that I've ever been with my room as the first. But with what happened, I knew that my room would lose it place. Mangunguna na ang sementeryo sa pinakatahimik na lugar na pinupuntahan ko ngunit bakit nabibingi ako sa katahimikan dito?
I let out a sigh and stared at my phone as I contemplated whether I should contact someone or not. I shouldn't be considering it, but Eros' words kept on ringing at the back of my mind.
You can't live without depending on someone.
I firmly closed my eyes and sucked a deep breath. I gathered enough courage to contact my cousin's number. It took a number of rings before he answered.
"Cloud," I called. I tried my best not to sound shaky. "A-Are you busy?"
"Shit, Sav," mabilis niyang sabi. "Ano? Ano sasabihin mo sa 'kin? May problema ba? Nasa'n ka at—"
"C-Can you pick me up? I'll text you the address or something—"
"—nag-aalala kami ni Tere—"
"—I just want to get away," pagtatapos ko kasabay ng pagsituluan ng luha ko. Pinigilan ko muling humikbi nang maramdaman ko kung gaano kabigat ang pag-aalala niya.
"Sige, Sav. I-text mo ngayon, pero 'wag pala muna ngayon kasi on-call tayo, pero i-text mo agad-agad pagkababa ko ng tawag. Mag-ingat ka habang naghihintay sa 'kin, okay? Sa'n ka ba? Magpapadala ba 'ko ng malapit na kaibigan ko o ano? Sabihin ko ba kay Kuya Warren—"
"No, do not contact my brother... Anything but t-that, please..." Humugot ako ng hininga. I just want to be alone. Sunduin mo na 'ko, please..."
"Eto na, eto na. Binubuhay ko na sasakyan. Sisirain ko na 'yung gate namin ang bagal-bagal magbukas. I-text mo agad ang address, ha? O kaya idikta mo sa 'kin? Alam mo ba kung saan? Sav, eto na, nagbubukas na 'yung gate—"
Bahagya akong natawa. "I'm not sure if you know this, pero a-alam mo 'yung sementeryo?"
He dramatically gasped. "Shit, maglilinis ka ng sementeryo dis-oras ng pagabi?"
Tumawa muli ako at pinalis ang luha. "Mag-ingat ka mag-drive, please. Ite-text ko rin sa 'yo para hindi ka maligaw."
"Nakaputi ka ba?"
Nangunot ang noo ko. Unti-unting umurong ang luha ko. "No... Why?"
"Ah, okay. 'Kala ko kasi white lady i-eexpect ko ro'n. Naka-black?"
"Hindi rin," medyo natatawa kong sabi. "I'll end the call now. I-Ingat, Cloud..."
"Sige, Sav. Sabihan mo si Tere, please. 'Di ko alam kung saang lupalop na 'yon pero baka malapit siya, ewan ko. Text her for me. 'Di ko mate-text habang nagda-drive—"
"Oo na, oo na. I-I'll drop the call. Mag-ingat ka, 'wag kang mamumunggo."
"Sus, 'di naman ako si Zake para maging kaskasero," iyon ang huli niyang komento bago patayin ang tawag.
Hawak ang cellphone habang ang liwanag na nagmumula ro'n ay tumatama sa mukha, naghintay muna ako ng ilang segundo bago i-text si Therese. Nanginginig pa ang daliri ko habang nagtitipa ng mensahe kaya natagalan bago makapag-send ng text. Inabot ako ng ilang minuto para makabuo ng maikling mensahe. Isinend ko na rin pagkatapos.
BINABASA MO ANG
Epigraph and Quintessence (STATION Series #4)
RomansaGrowing up in a luxurious and perfectionist household, Savannah Brenner knew that there was no use in escaping the rules her mother created. As much as she wants to confess how sickening it is, she knows she won't be heard. After all, she is yet to...
