Kabanata 34

963 35 0
                                        

Kabanata 34

Sarili

I left the country when I passed the board exam. I only said goodbye to my cousins, and of course... Seville. I have already told him about my departure before that's why I won't tell it to him, again, about the exact day.

I heaved a sigh and looked at the floating clouds around the sky. The peacefulness it gave was a sign that I could finally leave whatever chains that I have behind.

Umaalis na 'ko. Tuluyan na 'kong nakatatayo sa sariling paa. Unti-unti ko nang nakakayanan na huwag alalahanin kung ano ang sinasabi nila.

I can feel it... I can feel that I can finally live for myself and work for myself.

Ramdam na ramdam ko ang pananalaytay no'n sa sistema ko. Dahil do'n ay hindi ko maiwasan ang maluha.

Tahimik akong umiyak sa pwesto ko, natutuwa at hindi napapansin ni Daddy dahil malalim ang tulog niya.

Pasimple ko na lang pinalis ang luha habang may ngiti sa labi, unti-unting nagiging sa sarili.

When we landed at the airport of America, the first thing that greeted me was the sense of freedom and independence. Kasama ko si Daddy na umalis ng Pilipinas at dumating dito. Kasama ko rin siya ngayon habang naglalakad, hinihila ang maleta.

Pero sa likod ng mga 'yon, ramdam na ramdam ko ang kalayaan na matagal ko nang inaasam.

My eyes started to sting. I want to stop myself from tearing up, but why would I?

Wala nang tao na magsasabing huwag ako umiyak dahil nakahihiya, o huwag akong umiyak dahil napakahina ko. Wala nang tao na magdidikta sa 'kin kung ano ang dapat na gawin kasi hawak ko na ang responsibilidad sa buhay ko.

Kaya umiyak ako. Na may ngiti sa labi.

Naiyak muli nang hagudin ni Daddy ang likod ko, pinaaalala na kahit mamumuhay ako nang mag-isa sa bansang 'to, nand'yan pa rin siya para umalalay.

"Hindi na kita ihahatid to your flat, Carpe Diem. You take care, anak," pagpapaalala sa 'kin ni Daddy habang pinatatahan ako.

I nodded with a big smile on my face. Pinalis ko ang luha gamit ang panyong nasa bulsa at inayos ang sarili.

Humugot ako ng buntong-hininga at tumango muli, hinihigpitan ang kapit sa maleta. "Thank you..."

My father started to tear up. Tinawanan ko na lang siya at niyakap.

"At least, let me samahan ka sa taxi."

"Sure po," I said with a smile. "Bahagya pong nababawasan ang pagka-conyo niyo."

Tumawa si Daddy at bumitiw mula sa pagkayayakap. Hinatid niya ako sa may pila ng taxi at nagpaalam.

"Mag-text ka or chat me when you've arrived at the place, all right? Don't forget that you have someone here to accompany you. Hindi ka na nag-iisa, Diem."

I smiled at my father. "Thank you for giving me independence."

Lumambot ang tingin niya sa 'kin. "I'm sorry for taking it away from you."

May kung anong bumalot sa puso ko. Bago ko pa tuluyang maramdaman ang sari-saring emosyon na 'yon ay nagpaalam na ako kay Daddy at pumasok sa sasakyan.

Kumaway ako nang unti-unting gumalaw ang sasakyan.

Nang tuluyang nawala na sa paningin ko ang bulto ni Daddy, tumulo muli ang luha ko.

Why am I emotional these days...

I struggled in my first week of staying at a rented flat in America.

Epigraph and Quintessence (STATION Series #4)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon