Kabanata 40

1.1K 31 5
                                        

Kabanata 40

Usap

Sapphire and I decided to hang out for a few more hours. It's around ten or eleven p.m. when we decided to say goodbye to each other. Hihiwalay na sana ako para hanapin si Seville pero nakasalubong namin siya na kasama si Gray.

Nag-aalanganin pang lumapit si Seville sa 'kin pero tinawag ko na siya. He immediately went to my side and bid goodbye to them. We headed back to the villa after.

"Crème..." he called when we stopped outside the door.

Even though the night was dark, the area was lit up by some lanterns and lights. There are some guests that are still at the pool that's why the area is a little bit noisy, too. Pero hindi ko alam kung bakit nabibingi ako sa katahimikan namin ni Seville.

"Are we okay?" he murmured.

Sinulyapan ko siya at pinihit ang doorknob. Walang kumawalang ingay mula sa loob. Siguro ay tulog na ang iba niyang kabanda.

"Did you bring your guitar?" I asked as I headed inside. Naramdaman ko ang pagsunod ni Seville sa 'kin patungo sa kwarto.

"Oo..."

I nodded. "Then can we go outside so you can sing for me?"

Hinarap ko siya. Nakita ko ang pagliwanag ng mata niya at ang pag-ukit ng maliit na ngiti sa labi niya.

"Hindi ka ba... galit?" nag-aalanganin niyang tanong, nananantiya.

I sighed. "Can we talk about this outside? Gusto kong tumambay sa beachfront."

He wasted no time and immediately got his guitar. May bitbit din siyang tela at pantapal. Pagkatapos niyang kuhanin ang mga gamit ay umuna ako sa paglalakad. Sumunod naman siya sa gilid ko habang hawak-hawak ang gitara.

"Ako na magdadala ng tela," I said and reached for the fabric that's on his shoulders. Hindi na siya nakaalma pa dahil kinuha ko na.

We walked through the pool and headed towards the beachfront. May naabutan kaming ilang staffs na nililinis ang kaonting kalat.

"Paano mo nakilala si Gray?" Tiningala ko siya.

Sinilip niya ko. "Mahilig din siya mag-compose katulad ko pero kami-kami lang ang nakakaalam."

"Does he keep it as a secret?"

He only smiled at me and shrugged. I nodded at his response.

Nang makarating sa beachfront ay inilapag niya ang gitara sa buhanginan at kinuha ang tela na hawak ko. Pagkatapos ilatag ay umupo ako sa tela, hinihintay siyang tumabi sa 'kin kaya nakatingin ako sa kan'ya.

Nang makapwesto naman siya sa tabi ko ay inilipat ko ang tingin sa dagat. Humampas din ang malakas na hangin kaya amoy na amoy ang pagkaalat ng tubig.

"I'm sorry, crème..." he started and put a shawl over my shoulders.

Niyakap ko ang tuhod at idinantay ang pisngi ro'n, ang mukha ay nakabaling sa kan'ya. Si Seville naman ay bahagyang madilim ang mukha, ang mukha ay puno ng pagsisisi habang nakatingin sa lapag.

"...for making you worry," he continued.

I kept being silent because I wanted him to speak.

"Hindi ko napansin na sumusobra na pala ako... at dahil do'n sobra kitang napag-alala."

His shoulders started to shake. I reached for his back and caressed it.

"P-Pasensiya na kung sasabihin ko 'to, pero hindi ako kasingtapat ng iniisip mo..." Nagsimula na siyang umiyak. "P-Pasensiya na rin kung ang tagal kong asikasuhin ang sarili ko, but can you promise me one thing?"

Epigraph and Quintessence (STATION Series #4)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon