Kabanata 11

1.3K 44 22
                                    

Kabanata11

Equilibrium

Seville Bastian de la Fulgencio has been the kindest man I've ever met. Next to my brother, of course. Hindi pa rin mapapantayan ang kabaitan ni kuya kahit na alam niyang may kapalit 'yon.

I wonder, is my brother doing this out of his own will? Or is he doing it out of indebtedness? Which one is worser? The former or the latter? Will I ever know it if I ask him about it? Pero sasagutin nga ba ni kuya o katulad din niya ako na takot na malaman ang totoo?

Hindi ako sigurado kung alam ni kuya na tunay na anak ako ni Mommy. Kapag nalaman niya 'yon, lalayo ba ang loob niya sa 'kin? Iisipin ba niyang pinagkaisahan siya rito? Pero bakit naman iisipin ni kuya 'yon? Posible bang isipin 'yon ng mga mababait na tao?

I know that I couldn't get anything out of questioning myself. Bakit ko ba sila kinikilala kung hindi ko kilala ang sarili ko? Dapat ko munang unahin ang sarili pero paano ko magagawa 'yon kung sinusunod ko ang pamantayan ng iba?

I think it's too late to know myself—it should start when I was a child, but the modification started early on so how could I? I am aware of how tiring this could be, but I wasn't informed how destructive it was.

That's why when my brother was approved for being who he was, the envy that I had towards him made its way towards my heart. Pero sarili niya nga ba ang ipinakikita ni kuya? Kitang-kita ko kung gaano karaming pagod ang nasa mata ni kuya pero bakit wala siyang lakas ng loob na sabihin 'yon?

Mali ba ang pagkakakilala ko kay kuya? Katulad ko rin ba siya na hindi rin masabi ang tunay na nararamdaman—na napapagod nang magtrabaho para lang mapuri?

Living with this family is tiring... it's draining me so much... I badly want to leave but where will I go?

"After you have finished your masteral, I assume that you're going to expand the company?" tanong ni Daddy habang kumakain.

This usual routine of listening to the successes of my brother kept on tiring me. Sanay na ang tenga ko pero ang puso ko ay hindi. Gusto ko nang masanay ang kabuoan ko pero hindi ko magawa-gawa lalo na't nand'yan ang matatalim na tingin ni Mommy, nagpapaalala kung ilan pa ang pwede kong gawing mali.

Bahagyang natawa si kuya. "'Di ko pa sure, 'Pa. Naghahanap pa po ako ng ilan pang investors, pero on-process na 'yung iba."

"Aba't magaling!" bakas ang pagmamalaki sa boses ni Daddy. Tuwang-tuwa niyang tinapik ang balikat ni kuya. "You are the best investment that I had."

Nagbaba ako ng tingin nang makaramdam ng kirot. Hindi ko nga lang alam kung ano ang rason sa pagitan ng dalawang 'to: ang matrato bilang isang bagay o matrato bilang sunod-sunuran.

Kinabukasan, bago pumasok sa univeristy, ay nagpunta ako sa kwarto ni kuya. Plano kong magpaalam dahil baka hindi ko maabutan pagkauwi. Umuwi lang dito si kuya kagabi dahil may pag-uusapan sila ni Daddy.

I knocked on my brother's door. "Kuya?" But there was no response.

Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob at pumasok sa loob. Amoy ng kape ang sumalubong sa ilong ko habang iniikot ang paligid. Naglakad pa ako papasok bago makita ang bulto ni kuya, nakaubob sa lamesa na punong-puno ng papel.

Walking closer, I saw the tired face of my brother. Bahagya akong nag-alala dahil sa itim ng ilalim ng mata ni kuya, pero lalong lumala nang makita ang bakas ng dugo mula sa ilong niya.

I sucked a deep breath and tried my best not to wake my brother... but to no avail.

"Diem!" alarmang banggit niya bago mabilis na kumuha ng tissue at sinuksok sa ilong.

Epigraph and Quintessence (STATION Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon