Kabanata 13
Tensed
My mother saw who drove me home yesterday. There was a serious look on her face, but I know too well how pleased she was when they greeted each other. Hindi ko lang alam kung matutuwa ako sa paraan ng pagtingin ni Mommy, mukha siyang kuntento sa nakita o hindi.
"Everything okay?" tanong ni Abraham, dinudungaw ako mula sa driver's seat. "Your mother looks fine."
"It's all thanks to you." Bigla akong nagsisi pagkatapos banggitin 'yon. Tinago ko na lang ang paninikip ng dibdib sa pamamagitan ng pilit na ngiti.
He snickered at me before he touched my hand. Marahan niya 'yong hinaplos bago pinisil. "Mahirap magkwento..."
I gripped his hand and nodded. "Drive home safely, Ab."
He let go of my hand after he nodded. "Will do. Take care, Sav."
Ngumiti muli siya bago umalis. Nanatili ako sa pwesto, tanaw-tanaw ang sasakyan niyang unti-unting naglalaho sa paningin ko. Tumayo ako ro'n nang ilang minuto, pinakikiramdaman ang lamig na hindi bago sa balat.
It's cold here, but it's colder inside. I have no choice but to bear with it.
As soon as I got inside the house, the first thing that greeted me is my mother's cold stares. Siguro, iyon talaga ang bagay na lubos na nagpalalamig sa lugar.
"Marunong ka naman pa lang dumiskarte," dinig kong sabi ni Mommy nang paakyat ako ng hagdan.
I gripped on the perfectly varnished wooden railings and pleaded for the pain to go away. I was too tired to cry and I was too tired to speak, but walking away without acknowledging the speaker is disrespect, right? Besides, my only stand here is to be disrespected. Nothing more, nothing less.
"Gumagawa naman po ako ng paraan," saad ko nang humarap kay Mommy, mabigat ang dibdib.
Punong-puno ako ng sama ng loob at katanungan dahil sa kan'ya pero wala akong magagawa kun'di manahimik at indahin ang matatalim na tingin. Alam kong nasasanay na 'ko sa paraan ng paninitig ni Mommy pero hindi ko lang alam kung bakit tumatalim na naman. May nagbago ba? O dahil humina muli ako?
"Kita ko nga," she said in a snappy tone, "but I'm not contented with what you're doing. Nakukulangan ako."
I sucked a deep breath when I felt the tears brimming, once again. "Once we're married... will you be contented?"
She snickered at me before she pryingly went up the stairs.
"Pakakasalan ka ba niya?" her question was a mockery. I immediately lost the power to speak when she went away.
Tinanaw ko ang papaakyat na bulto ni Mommy. Ngayon na nakatalikod siya ay hindi ko mapigilang maiyak na naman dahil sa bigat na hindi na yata mababawasan.
Dahan-dahan kong iniapak ang nanginginig na paa sa kahoy na hagdan, kumukuha ng lakas mula sa kahoy na barandilya. Pilit kong ginagawang perpekto ang paraan ng pag-akyat hangga't hindi pa nakapapasok sa kwarto niya si Mommy. Ngunit nang tuluyan nang maglaho sa paningin ko, mabilis akong naglakad patungo sa kwarto, ni-lock ang pinto, at sumandal doon.
Dumausdos ang aking likod pababa, bagay na madalas na ginagawa, bago yakapin ang binti at isiksik ang mukha sa hita. Umiyak ako ro'n, bagay na nakasanayan, at ibinuhos ang lahat ng sama ng loob na natitira pa pala sa 'kin.
I badly want to grip my heart so it would stop hurting. I don't want to feel hurt anymore. To be honest, I don't want to feel anything. Nakapapagod na kasing magkaroon ng pakiramdam dahil kung may maramdaman 'man ako o wala, wala namang saysay 'yon. At ayon kay Mommy, ang mga bagay na walang saysay ay hindi na dapat pinapansin.
BINABASA MO ANG
Epigraph and Quintessence (STATION Series #4)
RomanceGrowing up in a luxurious and perfectionist household, Savannah Brenner knew that there was no use in escaping the rules her mother created. As much as she wants to confess how sickening it is, she knows she won't be heard. After all, she is yet to...
