Kabanata 4

2.6K 66 22
                                        

Kabanata 4

Walk Out

After the awkward event at breakfast earlier, I was relieved when my mother was the one who left the place. Tsaka lang ako nakahinga nang maluwag noong sumunod si Daddy. Senyales iyon na pwede ko nang pakawalan ang kung ano 'mang hikbi at sakit na nararamdaman ko.

My shoulders started to shake. My chest continued to tighten. My eyes started to sting. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako at nakuha ko na ang atensyon nina tita. Mabilis siyang nagpunta sa gilid ko at niyakap ako. The supposed-to-be mother's warmth that I should be receiving from my mother came from my aunt.

Uminit ang dibdib ko dahil sa samu't saring nararamdaman mula sa mainit na yakap ni Tita Airish. Naramdaman ko ang pagmamahal ng isang ina sa kan'yang anak. Naramdaman ko ang pakiramdam na ipinagkait sa 'kin ni Mommy mula pagkabata. Naramdaman ko ang lahat ng bagay na hindi kayang ibigay sa 'kin ni Mommy—ang atensyon at ang pagpapahalaga.

Even though my mother is away, I could hear her saying that I'm such an attention-seeker and I did nothing but to be a failure—an embarrassment to the family.

I know that after crying on my Aunt's chest, I'll receive countless heartless sermons from my mother. Nasanay na akong makarinig ng gano'ng salita mula sa kan'ya kaya nasanay na rin ako kung ano ang mararamdaman. Pinagbigyan ko na lang ang sarili ng kahit kaonting oras para lang maramdaman ang pagmamahal na gusto kong makuha.

"Hija, are you okay? May nararamdaman ka bang iba?"

I pulled away from her hug and kept my head low. Palihim kong pinalis ang luha kahit na nakita na nila Tita 'yon. "O-okay lang po..."

I firmly gulped when I heard my voice cracked—when imperfection seeped from my voice.

Disappointed na naman sa 'kin si Mommy. Wala na talaga akong ginagawang tama.

"You're not feeling well. Do you want to go back to your room? Ako na ang bahala kina Lucy. Cloud, Therese..."

My cousins helped me upstairs. The moment I felt the comfort of my room is the moment my heavy tears continuously fell. Kahit nang isinubsob ko ang mukha sa unan ay hindi pa rin napapawi ang bigat na nararamdaman ko. Nananatili pa ring naninirahan sa puso ang hinagpis na matagal ko nang iniinda.

My mother's concept of perfection greatly affected my way of thinking. Sooner or later, I'll have another batch of what would be heartaches and grief until I could find a way to stop this event. Until then I could breathe free.

Naramdaman ko ang marahang haplos ni Therese sa aking likod. Unti-unting napawi ang aking pag-iyak ngunit nananatili pa rin ang bigat sa aking dibdib. Hindi na nga yata mawawala roon hangga't ganito pa rin ang trato sa 'kin ni Mommy.

"Hindi ko talaga gets si tita," nagpipigil-inis na sabi ni Cloud.

Therese smiled at me and gave me a tight hug. "I'm here for you," she whispered.

I wiped away my tears and thanked my cousin.

Kinalma ko ang sarili sa pamamagitan ng malalalim na paghinga. My deep breaths made its way towards my system, calming the turmoil inside of my mind.

"Sav, pwede bang ampunin ka namin mula kina tita?" Seryosong-seryoso si Cloud ngunit hindi ko mapigilan ang matawa, gano'n din si Therese. Kunot-noo lang ang naging sagot ni Cloud. "Bakit? Anong nakatatawa? Tinutulungan na nga e!"

The way how my cousin delivered his words—no matter how senseless it was—brought happiness towards my system. Hindi ko aakalaing gano'n ang iniisip ni Cloud.

Epigraph and Quintessence (STATION Series #4)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon