Kabanata 27
Walang paliwanag
I continued my last year as an Accountancy undergraduate as I tried my best to be independent. Tried, because as much as I want to be completely independent, I know that I couldn't do it.
Nakititira lang ako sa unit ni Cloud at kaming tatlong magpinsan lang ang may alam no'n. Kung paano dinadahilan 'yon ni Cloud kina Tita Airish ay hindi ko na inuusisa pa. Iniisip ko na lang na kailangan kong paunti-unting matuto.
But, of course, the first few weeks of being independent was tough for me. It was hard to adjust because I've been dependent ever since. Now that I've given myself a chance to live alone, I knew that I have to work on it the best way that I could.
"Wala nang kulang?" bungad sa 'kin ni Cloud pagkaabot ng gamit ko.
Nagtataka kong tiningnan ang box na natanggap ko pagkatapos ay inilipat ang tingin sa kan'ya. "Ilang araw ka pabalik-balik do'n?"
My cousin showed me a skeptical smile. "Hindi ako si Pinocchio pero ayokong humaba ang ilong ko—"
"Sino ang kumuha ng gamit ko ro'n?" I asked, again, curious on how they managed to sneak inside that place.
Ever since I moved here, the clothes that I've been wearing are bought from a mall nearby. Wala akong nadalang damit dahil hindi handa ang pag-alis ko mula sa bahay. Pati ang mga accountancy books ko ay naiwan ko rin. Ang tanging dala ko lang ay ang wallet, cellphone, at ilang IDs. Kamakailan lang ako nakapag-aral dahil padala nang padala si Cloud ng mga gamit ko mula sa bahay.
"Si... Kuya Warren." He looked apologetic when he said that.
I let out a sigh and sat at his couch. I firmly held on the thick accountancy book that he gave me.
"Anong sabi ni kuya?"
There was silence. Sumunod ay ang tunog ng yapak, ang pagbukas ng refrigerator, ang pagsalin ng tubig sa baso, at ang pag-inom mula ro'n. At bilang kinaugalian, gumawa muli si Cloud ng napaka-ingay na tunog na para bang sarap na sarap sa iniinom.
"Ang ingay mo talagang uminom ng tubig!" I scolded as he got another glass of water.
"Naghuhugas naman ako ng baso," sagot niya.
Kinunotan ko ng noo ang walang sense niyang sabi. This cousin of mine, really!
I let out another sigh and decided to go back to the topic. "Paano nalaman ni kuya na nandito ako?"
"'Di mo ba alam na may pagka-Detective Conan si kuya?" Nag-acting pa siya na parang Detective Conan. Pagkatapos no'n ay tuwang-tuwa pa sa sarili, kulang na lang ay magpagulong-gulong sa sahig.
I honestly don't understand what they see in my cousin. Sure, he inherited Tito Nathan's square jaw and gray eyes, while the nose and the lips are from Tita Airish. Makapal din ang buhok na ineestilo sa kung ano-anong matripan. Matangkad at nagbabanda, pero 'yung boses?
Okay, my cousin's voice is good enough to make the listener's swoon, but there was a reason why he's not the main vocalist. Mas maganda ang boses ni Seville dahil may kung anong hinihila mula sa dibdib para makaramdam ng kung ano-anong emosyon. Kapag si Cloud naman ang nagsasalita, walang ibang lumalabas kun'di kalokohan at mga bagay na walang koneksyon sa isa't isa!
Some of my blockmates like him because of his humor. Anong nakatatawa sa mga jokes ng pinsan ko? Ang corny-corny kaya! Maswerte siya kung pakakasalan siya ni Freesia.
"Seriously, Cloud, paano nalaman ni kuya?"
"Nag-research nga," saad niya pagkatapos matawa.
Tumayo na lang ako habang bitbit ang libro. "Anong sabi mo kay Tita Airish kung bakit tumataas bill ng unit mo?"
BINABASA MO ANG
Epigraph and Quintessence (STATION Series #4)
RomantikGrowing up in a luxurious and perfectionist household, Savannah Brenner knew that there was no use in escaping the rules her mother created. As much as she wants to confess how sickening it is, she knows she won't be heard. After all, she is yet to...