Kabanata 43

1K 26 2
                                        

Kabanata 43

Nauna

My mother and I had been trying to fix our relationship as carefully as possible. I have yearned for this ever since I was little that's why I appreciated every effort that my mother did. Doon nakatuon ang atensyon ko dahil gusto ko munang ayusin ang dapat ayusin.

In the first days, my mother was awkward to me. Maybe it's because of the guilt and regret that's still inside her heart, or maybe it's deeper than that. No matter what it was, I tried my best to act comfortably around her and acted as if everything was okay.

But it's okay, really. I've been trying my best to get used to her stares that are not prying because they had slowly become affectionate. I tried my best to show her that I appreciated it by smiling at her. Hindi ko na lang binabanggit ang pagbabago niya sa parteng 'yon dahil alam kong hindi pa niya natatanggap ang sarili niya.

When she asked me about my job, I told her that I need to fix other things first. Isa pa, parang nasakal ako sa trabaho ko sa America kaya gusto ko munang huminga. Ilang buwan na rin nang umuwi ako rito ngunit parang hindi pa rin sapat ang lahat. Hahayaan ko munang buong masanay ang sarili sa bagong lugar na ginagalawan ko.

Wala ring binanggit si Mommy tungkol sa pagpapabago ko ng pangalan at sa pagpapalit ng apelyido. Siguro ay katulad ko, ayaw na rin niya ng may koneksyon sa pamilya ni Ralph Brenner.

It was easy for me to do that because I don't even consider him as a father, or even see him as a family figure. I only see him as my senior and I am his mere subordinate, because in the side of Ralph Brenner's family, everything was related to business.

Mabuti na lang at hindi gano'n ang pamilya nila Cloud.

Hindi ko pa ulit nakakausap nang matino si Cloud pagkatapos ng dinaluhang birthday party ng lolo ni Travis. Bukod sa pagiging abala sa pagbabanda at sa mahigpit na schedule, inaasikaso pa rin ni Cloud ang kalagayan ni Freesia. Nang mag-victory party rin sila sa Valkyrie ay sumaglit lang ako para i-congratulate ang achievements ng banda nila.

Hindi rin natapos nang mapayapa ang party nila dahil kahit na naprotektahan sila mula sa ibang magugulong fans, si Madison naman ang pumalit sa kaguluhang 'yon. Idagdag pa na may dala siyang baril kaya nadaplisan si Freesia.

I wasn't able to hear any news about my cousin after that. Kahit si Therese ay wala ring balita kaya hindi namin mapigilan ang mag-alala. Nang magtanong ako kay Seville ay gano'n din ang alam niya dahil ayaw na raw ni Cloud na may madamay sa mga pangyayari.

"Diem, kumusta!" bati sa 'kin ni Kuya Warren nang bumisita kasama si Ate Paige. Kaya raw sila pumunta rito dahil may sasabihin silang importante.

"Okay lang naman, kuya," nakangiti kong sabi bago batiin ang girlfriend niya. "Hi, ate!"

"Hello, Diem!"

"Nasa kusina si Mama?"

"Oo, kuya."

Panandalian kaming nagkwentuhan ni Ate Paige habang papasok sa unit ni kuya. Si kuya naman ay dumiretso sa kusina. Nahagip din ng tingin ko ang singsing sa daliri ni ate pero nanahimik na lang ako sa nakita. 

"Naku, Warren!" Dinig ko ang tawa ni Mommy mula sa kusina. Sumunod ang tawa ni kuya.

"Kumusta ka naman, Diem? May trabaho ka na ba? If wala pa, pwede kitang i-refer sa manager ko."

Ngumiti ako. "I'll consider that, ate. Hindi pa ako nagtatrabaho kasi may inaayos pa ako."

She nodded knowingly. "May boyfriend ka na ba?"

Epigraph and Quintessence (STATION Series #4)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon