Kabanata 44

1.9K 30 1
                                        

Kabanata 44

Kanta

After I fixed some of my concerns, I decided to relax for a little more. Hindi muna ako naghanap ng trabaho dahil pinakikiramdaman ko muna ang paligid. Ayoko ring ma-stress din kaya mas ginusto kong bumisita kung kani-kanino.

In the past days, I've been frequenting STATION's studio and their band house. Si Seville pa mismo ang nag-imbita sa 'kin dahil kapag break nila ay tumatabi sa 'kin para panandaliang matulog. Hinahayaan ko naman siya dahil alam kong pagod na pagod dahil sa sunod-sunod na schedule dahil sa panibagong album.

When I visited their band house, I only saw Yuan and a female reporter. Namumukhaan ko ang babae dahil paminsan-minsan ay lumalabas tuwing nagbabalita ngunit hindi ko matandaan ang pangalan. Si Daddy lang kasi ang mahilig manood ng TV at nadaraanan ko lang kaya nakikita ko ang mukha ng babae.

"Where are the rest of your bandmates?" tanong ko habang minamasahe ang likod ni Seville.

His back felt hard. Malapad din ang balikat niya kaya malawak ang espasyo para mamasahe ko. Ang braso rin ay hulmado dahil madalas daw siyang naggi-gym.

"Tingin ko alam mo na 'yung kay Cloud." He arched his back to give me access to his sore part. "'Yan, Diem..." He almost groaned but his voice sounded strained.

Itinagilid ko ang ulo at pinagmasdan siya.

Napapikit ang mata niya nang dinala ko ang pagmamasahe sa batok niya. Narinig ko pa ang pagpapakawala niya ng malalim na hininga.

"He's with Freesia, right? May balita ka na ba?" I asked, worried.

When I was busy fixing things regarding my family and my past relationships, Cloud was busy with Freesia. I even tried contacting Therese, but she knew nothing, too. When I tried contacting Cloud, he told me that he doesn't want to involve anyone anymore that's why he kept it to himself.

As much as I want to constantly ask him about it, I know too well but to ask. That's why I respected his decision and waited for him to tell it.

Pero alam ko rin kung ano ang ginagawa niya para protektahan si Freesia noon. Nanahimik na lang ako at hindi na nangialam pa. Pansing ko ring nakakasanayan na ni Cloud na magtago ng problema pero hindi ko na lang binabanggit bilang pagrespeto sa katahimikan niya.

"Wala talagang sinasabi si Cloud..." Naramdaman ko ang paghaplos niya sa kamay ko. "Don't worry about it anymore, hm? Your cousin can work on it."

"Pero kasi..." Bumuntong-hininga ako.

Dahan-dahang humarap sa 'kin si Seville at sinapo ang magkabilang pisngi ko. "My sweet, stop worrying already. Ipa-package kiss na lang kita para mapawi 'yang problema mo."

I nodded and closed my eyes. Maya-maya ay naramdaman ko ang paglapat ng maingat at mainit na halik niya sa iba't ibang parte ng mukha ko.

This love is so comforting...

"Ayan!" he said after three sets of package kisses. "Wala na bang problema ang mahal ko? Hm? Wala na?"

Natawa ako nang pabiro niya akong dinungaw.

Marahan kong itinulak ang mukha niya at yumakap sa kan'ya. Natatawa na rin niya akong niyakap bago sumandal sa backrest ng sofa. Naramdaman ko pa ang marahan niyang paghaplos sa buhok ko kaya napapapikit ang mata ko.

"Where's Eros? Elgene and Zake, too... si Yuan lang nandito..."

Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya. "Nami-miss mo ba sila?"

Natawa ako nang makaramdam ng kaonting pagseselos.

"Seville," I called sweetly; he hugged me tighter.

Epigraph and Quintessence (STATION Series #4)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon