Kabanata 22

968 27 2
                                        

Kabanata 22

Pangalan

I wasn't able to sleep that night because of what happened.

Pero ano ngayon kung nabanggit ang pangalan ko? Kinokonsidera ko ba 'yong akin? Ngunit iyon ang ipinilit sa 'kin ni Mommy kaya wala akong ibang magagawa kun'di sumunond na lang... sumunod at angkinin 'yon na parang gusto ko dahil doon naman ako sanay—ang maging sunud-sunuran.

"Paano kung tatay mo talaga 'yon?" ang tanong sa 'kin ni kuya nang puntahan ako sa kwarto pagkatapos mag-almusal.

I watched my brother as he paced back-and-forth in my room. Gulong-gulo siya, hindi alam kung ano ang gagawin sa nalaman kagabi pagkatapos marinig ang pakikipagtalo ni Mommy. Wala rin namang nangyari pagkatapos no'n dahil pare-pareho kaming umalis.

I tried my best to be calm as I watched my brother. Sinusubukan kong huwag mahilo sa pagtingin sa kan'ya pero wala akong ibang magawa kun'di maging gano'n!

"Kuya—"

"At binanggit pa ang custody mo—"

"Kuya—"

"—na hindi naman yata applicable since hindi ka na minor? Gano'n 'yon, 'di ba? At tsaka—"

"Kuya Warren!" Tinaasan ko na ang boses ko.

Napatigil siya sa paglalakad at nakapamewang na tumingin sa 'kin. "Yes, Carpe Diem?"

Mariin kong ipinikit ang mata nang marinig ang buong pangalan ko. "Nahihilo ako sa pagpapabalik-balik mo. Can you stay still in one area?"

Saglit niya akong tiningnan at tumango. He let out a sigh.

"Right," he said and went to take a seat. "Balik tayo sa usapan—"

"He's not my father," pinal kong sabi, bahagyang kinakabahan. There's a small sense of yearning inside of me. Maybe because I'm seeing it as an escape from things that I've been experiencing?

"Ha? Pa'no mo nasabi? 'Di ka naman nagpa-DNA test para masabi mo—"

"He's your father!" Napatayo ako dahil sa kagustuhang mangumbinsi. Ngunit alam kong hindi makukumbinsi si kuya dahil pareho naming alam kung ano ang totoo.

Pagak niya akong tinawanan, may kung anong emosyon na bumalot sa mata. "Alam natin na parehong patay na ang magulang ko. Sinamahan mo pa nga 'ko sa libing."

I let out a sigh and nodded. I was silent after that. Gano'n din si kuya, nananantiya kung ano ang tamang gawin.

I heard my brother sigh, too. Siguro ay nag-aalala tungkol sa pagtatalo nina Mommy.

"But, Diem... paano kung siya 'yung tatay mo? Anong gagawin mo?"

My heart swelled in pain when I heard the familiar emotion in my brother's voice.

Kahit hindi banggitin sa 'kin ni kuya, alam kong nanghihinayang pa rin siya na hindi siya nabuhay kasama ang totoo niyang magulang.

We knew about his parents' existence because of his workmate. Kaibigan daw ng magulang ng katrabaho niya. Nakilala lang na anak nila 'yon dahil sa taling sa noo ni kuya, itaas ng kaliwang kilay. Palagi kasing naka-brush up ang buhok ni kuya kapag pumapasok sa trabaho.

I could remember my brother's face the first time he told me that he's going to meet his real parents. Pinayagan naman siya nina Mommy dahil bakit mo nga ba pagkakaitan ng katuwaan ang paborito mong anak?

After my brother met them, he told me about the mole he has on his forehead. Iyon daw ang palatandaan nila dahil kapag may nunal sa noo, lalaki raw na matalino. Hindi siya kayang sustentuhan ng mga magulang niya kaya walang ibang nagawa kun'di dalhin sa ampunan, naniniwala na makatutulong 'yon sa pagtalino ni kuya.

Epigraph and Quintessence (STATION Series #4)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon