Wakas 2
I don't want to hold her back that's why I let go of her.
Kaya ibinalik ko kaagad si Savannah sa magulang niya.
Gusto ko pa sanang patagalin para matagal ko pa siyang makasama pero nag-aalala ako sa kung ano ang mangyayari sa kan'ya.
I should've thought of this earlier. Bakit ba hindi ko inisip kung ano ang magiging kahihinatnan nito?
I could only pray for her safety.
Nang makabalik ako ay tapos na ang party. Hindi nga raw umattend si Abraham ng engagement party sabi ni Ate Aleah. Nagkanda-gulo-gulo rin daw pagkatapos tumakbo ni Savannah. Iba't ibang usapan din ang umikot sa araw ng party dahil sa nangyari.
May mga taong ibinubunton ang sisi kay Savannah, pero mas marami ang sisi na napunta kay Abraham. Alam kong iyon ang gustong mangyari ng pinsan ko kahit wala siyang sinasabi sa 'kin.
Wala namang kaso sa 'kin 'yon dahil kahit papa'no, naalagaan ang emosyon ni Savannah.
Kahit hindi sabihin ni Abraham, alam kong ayaw niyang makitang nasasaktan si Savannah. Naiintindihan ko naman kung bakit humingi siya ng tulong para itakbo si Savannah—para hindi siya gaanong masaktan. Nag-aalala rin siguro dahil baka sisihin ni Sav ang sarili niya (nabanggit sa 'kin ni Cloud 'yon) kung hindi sumipot ang i-eengage sa kan'ya.
I just prayed for the better. Sana okay lang talaga si Sav. Sana huwag siyang gaanong masaktan, please. Sana nakahinga siya kahit papa'no.
Kahit na saglit lang kaming nakapag-usap, nararamdaman ko sa mga salita niya na madalas siyang mapag-isa. Lalo 'yong pinatatag ng emosyong basang-basa ko mula sa mga mata niya.
Kalungkutan. Pagiging mag-isa. Walang masasandalan.
But I don't plan to gain anything from being with her.
Bakit? Kasi lumapit ako sa kan'ya sa kagustuhan kong maalagaan siya. Pinipigilan ko rin ang sarili ko na makaramdam ng awa kasi ramdam kong ayaw niyang kaawaan.
Kabaitan at katapatan lang ang mga suportang maibibigay ko sa kan'ya. Naniwala naman akong naiparating ko 'yon sa kan'ya sa sandaling minuto na magkasama kami.
But was it worth it, Sebastian? Yes, because I was able to talk to her.
But at the expense of your honesty? No... pero aayusin ko 'yan sa tamang panahon.
Right timing... kung mabibigyan ng pagkakataon, sasabihin ko sa kan'ya 'yon.
Pagkauwi sa bahay ay napagalitan ako ni Papa. Ramdam ko na sobrang disappointed siya sa ginawa ko kasi bakit ko naman pakikialaman ang engagement party ng pinsan ko?
Pero okay lang naman na mapagalitan ako. Ako ang nagdala nito sa sarili ko. Walang pananagutan si Savannah rito.
At isa pa, mas mahalaga ang kalagayan niya kaysa sa 'kin. Tsaka ko na lang poproblemahin ang akin kapag right timing na.
"If only you studied medicine, you won't have any time left to fool around," bungad sa 'kin ni Papa pagkauwi.
Tahimik lang ako habang nakikinig sa panenermon niya. Iniintindi ko na lang kung saan siya nanggagaling.
Alam ko naman na ayaw niyang madumihan ang pangalan niya. Walang kaso sa 'kin 'yon dahil alam ko naman 'yon sa simula.
Pero hindi ko pinagsisisihan ang pagtakbo ko kasama si Savannah. Kasi bakit ko naman pagsisisihan 'yon? Masaya nga ako nang ginawa 'yon.
Saglit lang nanermon si Papa. Pagkatapos no'n ay umalis na siya agad, ayaw na yatang pag-usapan pa ang ginawa kong kalokohan.
Hindi naman 'yon kalokohan. Seryoso nga ako noong ginawa 'yon, e.
BINABASA MO ANG
Epigraph and Quintessence (STATION Series #4)
RomanceGrowing up in a luxurious and perfectionist household, Savannah Brenner knew that there was no use in escaping the rules her mother created. As much as she wants to confess how sickening it is, she knows she won't be heard. After all, she is yet to...
