Kabanata 29
Compensate
Malapit nang bumagsak ang kumpanya.
Iyon ang katotohanan na sumalubong kay kuya pagkatapos niyang ma-discharge. Nalaman ko ang naging reaksyon niya dahil napilitan akong ihatid siya pauwi kahit na ang ibig sabihin no'n ay babalik ako sa lugar na 'yon.
I honestly don't want to return but I am worried about my brother's welfare that's why I have no other choice but to do it.
"At bakit naman nangialam si Leila!" iyon ang komento ni Ma'am Karoline isang araw pagkatapos ma-discharge si kuya.
Everyone in the house was hysterical. Pinatatawag ang kung sino-sino habang paikot-ikot ang mga kasambahay sa paligid. Si Kuya Warren naman ay tahimik lang na nakaupo sa sala, hindi maabot ang papeles na nasa lamesa dahil pinipigilan ni Mommy.
"She told me that she'd hire a professional—"
"At bakit hindi mo kayang patakbuhin ang kumpanya, Ralph?" histerikal na sabi ni Ma'am Karoline. Madali pang dumaan ang tingin niya sa 'kin bago mabilis na ialis. Kinuha niya ang tubig na inabot ng kasambahay at uminom mula ro'n.
"Ma, naging abala ho ako—"
"E kaya naman pala napapagod itong si Warren! You are uncapable of managing two tasks at once. Hindi ka marunong mag-time management at mag-multitasking! 'Yang titi mo lang ang pinagagalaw mo!" Dinuro-duro niya si Sir Ralph. "Tandaan mo, nagma-Masterals 'yang tagapagmana mo! At kapag nawala 'yan, sino ang mamamahala? Pagpipyestahan 'yan ng mga kamag-anak mo!"
Humugot ng malalim na hininga si Sir Ralph.
Tahimik lang akong nakatayo sa tabi ni Kuya Warren, inaalala siya. Wala akong ibang ginagawa na kung ano habang nagtatalo sila ro'n. Ayoko rin namang mangialam sa ngayon dahil alam kong hindi 'yon tatanggapin ni Ma'am Karoline.
"Ang stocks ng kumpanya! Jusko!"
"Lola—"
Bumaling ang matalim niyang tingin kay Kuya Warren. "'Wag ka munang mangialam dito, hijo!"
"—ako po ang may kasalanan!" depensa ni kuya. Bumuntong-hininga na lang ako at hinintay ang sunod na sasabihin ni kuya. "Mali po ang pag-invest ko kaya gano'n na lang po ang nangyari. Pwede ko po bang akuin—"
"At aakuin mo sa lagay mong 'yan?!" She eyed him from head-to-toe. "Jusko naman, Warren! Hindi ako papayag na maperwisyo ang kalusugan ng apo ko!"
I silently sucked a deep breath when the word pained my heart.
Nag-iwas ako ng tingin at ibinaling sa kung saan-saan, tahimik na umaasang doon mapunta ang nararamdaman.
"Pinalaki po ako ni Mommy na maging accountable sa lahat ng ginagawa, 'la, kaya dapat lang po—"
"Na magpahinga ka muna dahil kagagaling mo lang sa ospital!" Pulang-pula na ang mukha niya dahil sa pagtaas ng boses.
Dinaluhan siya ni Sir Ralph nang mapansing matutumba. Mabilis siyang pinaypayan ng ilang kasambahay habang pinakakalma.
"Mama, tama na ho muna 'yan," komento ni Sir Ralph.
I gave them one last look before I started to walk away. Iniwan ko na lang si Kuya Warren do'n dahil inalala na rin siya ng ilang mga kasambahay. Umalis na lang din ako dahil alam kong hindi kailangan ang presensiya ko ro'n.
Dati ko pa alam kung paano makiramdam kung tanggap ba ang presensiya ko o hindi. Ngayong ramdam na ramdam ko na hindi, ipinagpatuloy ko na lang ang pag-alis.
BINABASA MO ANG
Epigraph and Quintessence (STATION Series #4)
RomanceGrowing up in a luxurious and perfectionist household, Savannah Brenner knew that there was no use in escaping the rules her mother created. As much as she wants to confess how sickening it is, she knows she won't be heard. After all, she is yet to...
