Kabanata 42
Reconcile
I used to believe that a person could only be called brave if they could fight against their fears.
I was wrong.
Anyone could be called brave if they're brave enough to claim themselves as that. It's just a matter of strength and perspective.
Within years of trying to live independently, I realized that everyone's beliefs were shaped by our lifestyles and sense of belongingness.
We claim ourselves as weak because we haven't found our strength; we claim ourselves as strong because we haven't found our weakness. From what I have understood—a matter of strength and perspective.
What also matters is a person's internal thinking. Kaya ko ba 'to? Hindi ko yata kaya 'to. Masyado kasi akong mahina kaya hindi ko magagawa. O 'di kaya'y, hindi ko kaya 'to kasi wala akong kwenta.
Paano mo malalaman ang kwenta mo kung ikaw mismo ang pumipigil sa sarili mo? Paano mo malalaman ang kakayahan mo kung ikaw mismo ang pumipigil na makatuklas no'n?
Paano ka magpapatawad kung 'di mo susubukan?
Sa lahat ng pwedeng gawin sa mundo, ang pinakamahirap gawin ay ang magpatawad. Hindi dahil gusto lang magbitbit ng galit kaya ayaw magpatawad kun'di lagpas pa sa pag-iisip at kakayahan 'yon.
Hindi ko kayang magpatawad kasi masakit pa. Hindi ko kayang magpatawad kasi hindi ko pa mahanap sa puso ang magpatawad. Hindi ko pa kayang magpatawad kasi bakit ko patatawarin ang mga taong nanakit sa 'kin?
Ilan taon nila akong pinahirapan. Ilan taon nila akong binalewala. Ilan taon nilang ipinaramdam sa 'kin na wala akong kwenta—na wala akong silbi. Na ang tanging ganap ko lang sa buhay nila ay ang maging sunud-sunuran sa lahat ng mga gusto nila.
Pero nakapapagod na mabuhay na may galit sa puso. Nakapapagod isipin kung ano ang nangyari noon dahil paulit-ulit lang ipinapaalala sa 'kin ang nakaraan.
I don't want to dwell in the past anymore. Nagpapasalamat ako sa itinulong sa 'kin ng nakaraan pero tingin ko ay oras na para mamaalam do'n.
Hindi ko naman kalilimutan, tatanggapin ko lang. At kapag tinanggap na ang isang bagay, hindi na masasaktan pa tuwing aalalahanin 'yon. Iisipin na lang na tapos ko na.
Na nakayanan ko. Na nalabanan ko. Na nalagpasan ko.
But I didn't receive a formal apology because of what she did to me before.
Alam ko naman ang eksplanasyon tungkol do'n dahil narinig ko 'yon sa isang pagtatalo. Pero siguro ay katulad ko, may hindi pa rin naiintindihan si Mommy sa sarili niya kaya gano'n na ang nangyari.
Sobra akong nasaktan ni Mommy noon pero bibigyan ko pa siya ng isang tsansa katulad ng pagbigay ko sa sarili ko.
I don't want to close the opportunities because if it weren't for those, I wouldn't be here.
Because I had the opportunity to be independent, that's why I grabbed it. I had the opportunity to live alone, I grabbed it. I had the opportunity to leave the country to know myself, I grabbed it.
Katulad ng pagbigay ko sa sarili ng tsansa upang magbago, bibigyan ko rin si Mommy no'n. Dahil sa lahat ng sirkumstansya na mayroon ang mundo, may mga piling tao na may karapatang makatanggap ng sumunod na tsansa mula sa isang tao. Nasa kanila na lang kung paano nila gagamitin 'yon.
Iisahan ba nila o itatrato nilang mahalaga? Wala na ako sa posisyon para pansinin pa 'yon.
Malakas ang tibok ng puso ay tumigil ako sa harap ng unit ni Kuya Warren.
BINABASA MO ANG
Epigraph and Quintessence (STATION Series #4)
RomanceGrowing up in a luxurious and perfectionist household, Savannah Brenner knew that there was no use in escaping the rules her mother created. As much as she wants to confess how sickening it is, she knows she won't be heard. After all, she is yet to...
