Kabanata 23

953 28 9
                                        

Kabanata 23

Explanation

Hindi ko kilala si Seville—iyon ang katotohanan na hirap na hirap akong tanggapin ilang araw na ang nakalilipas. Dahil sa likod ng katapatan niya, kaonti pa lang ang alam ko tungkol sa kan'ya. Natatakot ako na ako lang ang nagtitiwala sa pagitan naming dalawa.

I don't know why I came to this conclusion. Wasn't this an excuse about myself? Hindi ko alam. Kung tutuusin, may pinaalam siya sa 'kin ngunit hindi 'yon sapat para kilalanin ko siya. May kulang—palaging may kulang. Palaging may bagay na hindi ko maintindihan.

Is he not trusting me enough to tell me about himself? Kaonti lang ang alam ko tungkol sa kan'ya dahil sa madalas na pag-uusap namin, ako ang naglalabas at siya ang palaging tagapakinig. Iniisip ko pa lang, unti-unti kong naiintindihan na hindi siya ang taong nakilala ko.

O nakilala ko nga ba talaga siya?

I don't know why I'm starting to doubt him when all he ever did is to be kind and understanding to me. But is there a rule that one shouldn't judge a kind and honest person? I haven't read any which proves that my hunch is... kind of correct.

Does Seville have any trust issues and I'm too absorbed to notice it? Na ipinakikita lang niya sa 'kin ang gusto niyang ipakita at hindi talaga siya mabait kun'di mapanlinlang?

Hindi ko alam kung bakit sa likod ng katapatan na ipinakikita ni Seville, may bagay pa akong nakukwestiyon. Pero katulad ng kabaitan, hindi na ba pwedeng pagdudahan ang isang matapat na tao? Napunta ako sa isipan na kung magiging perpekto ang isang tao, hindi na ba siya makukwestiyon?

I know that I have a lot of things to learn—understanding myself included. Ayon nga sa sinabi ni Seville, bakit mo nga naman ikahihiya ang pag-aaral mo sa sarili?

Seville knows almost the half of me while I only know a part of him. If he has trust issues, I know that it will be harder for me to be with him. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya. Hindi ko rin alam kung awa lang ba ang dahilan niya para sumama sa 'kin.

At kung totoo nga, mahihirapan akong tanggapin na hindi na ako pwedeng lumapit sa kan'ya dahil baka napipilitan lang siyang sumama sa 'kin... at baka mapalala ko pa ang kung anong nararamdaman niya.

I never wanted to meddle with anyone's feelings while I'm busy with mine. Ayokong may masirang tao dahil lang sa pagsama nila sa 'kin. At kung sira na sila nang lumapit, ayoko nang palalain pa 'yon.

It feels like I'm back to the start and it tires me.

Napapagod na ako kaiisip kung paano umalis dito dahil hindi ko alam kung paano ako pumasok. Gusto ko nang kalimutan ang problema o 'di kaya'y umakto na walang gano'n, pero alam kong pinahihirapan ko lang ang sarili.

I knew that I had to finish my problems first, little by little, just like how I treated every step as progress.

That's why even though I'm still unsure where to start, I confronted Abraham and asked for his explanations and, hopefully, explain things to him.

Will I end what I have with him? I don't know; I'm still confused. All I know is that I want to find the root cause of the confusion that I brought to myself. However, I wasn't sure if Abraham was a part of it. Tama bang sisihin siya ro'n kung ako mismo ang nandamay sa kan'ya?

It was hard for me to find him inside the campus that's why it took me an hour before I could finally talk to him. As soon as I saw him, I immediately went to his direction and stopped him from walking.

I categorized the small glint in his eyes as acknowledgment. Mabilis ding dumaan ang pag-aalala sa mukha niya bago napunta sa kung ano. Sa dulo no'n ay napunta na sa pagseryoso ng mukha.

Epigraph and Quintessence (STATION Series #4)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon