I hope that you would always give yourself a pat on the back whether the job was done properly or not. I also hope that we properly and effectively recognize the kindness and honesty that we're giving and what we've been receiving.
Do not forget to give credit to yourselves. Do not forget to treat every step as an achievement. The journey will be hard, but in the end, everything will be worth it.
This is the last chapter of Epigraph and Quintessence! Thank you so much for being here with me. I hope to see you all in Fraudulence of Bliss.
Wakas 3
Her real name is Carpe Diem Avellaneda. In French, it means to 'seize the day'.
Palagi ko namang ninanamnam ang mga araw na kasama siya. Pinahahalagahan ko nga at palaging inaalala kapag nami-miss ko siya. Kung tutuusin, walang araw na hindi ko siya iniisip. Inaalala kung ano ang kalagayan niya. Inaalala kung kumusta na kaya ang pagiging independent niya?
Ilang araw bago ang graduation ay nakarining ulit ako ng balita mula kay Carpe Diem. Tuluyan ko na ring hindi nakakausap si Abraham dahil abala rin siya sa sariling gawain. Wala rin naman akong oras para makipag-usap dahil tinatapos ko na ang lahat ng school requirements ko para maka-graduate.
Walang kaso sa 'kin 'yon. Ang mahalaga, hindi nadamay si Carpe Diem sa gulo naming magpinsan.
Ngayong gagraduate na ako, hindi ko na alam kung saan ulit ako pupunta.
"Umalis siya sa bahay nina Tita. Nakatira siya sa unit ko ngayon," seryosong sabi ni Cloud habang nakatitig sa kawalan.
Graduate na rin si Cloud sa program niya at nag-aapply na lang sa isang flight school para sa commercial pilot license. Ako naman, naka-graduate na.
Itinagilid ko ang ulo at ipinikit ang mata. Umaalingawngaw sa studio ang pagtugtog ni Elgene sa keyboard niya.
"Graduating na siya, 'no?" Tumango si Cloud. "Is she... is she okay?"
Nakapag-usap na kami ni Cloud tungkol sa pag-aaway namin noon. Pareho kaming humingi ng paumanhin sa isa't isa kasi pareho naming gusto kung ano ang maganda para kay Diem. Pero baka pareho rin yata kaming mali ng tantiya nang kami ang namili kung ano ba talaga.
Sabi na nga ba, wala kang mapapala sa tahimik na pangingialam sa buhay ng iba. Nasaktan ko pa tuloy siya.
"Do'n muna siya maninirahan para magpaka-independent. Mas pinili niya kasi 'yon..."
"Is she doing well?"
Hindi ko alam kung ano ang reaksyon ni Cloud dahil nakapikit ang mata ko. Pero ang alam ko, nanahimik siya.
"Noong una, nahirapan siya, s'yempre. 'Di naman kasi sanay 'yon na mabuhay mag-isa. Alalang-alala kami ni Tere noong una kaya pabalik-balik kami ro'n pagkatapos ng klase. Pati rin si Kuya Warren. Siya nga 'yung nagdadala ng mga gamit ni Diem, hindi lang niya pinaaalam."
Napangiti ako.
Ang dami pa rin pa lang nag-aalala sa kan'ya, 'no? Nabigyan pa ako ng tsansa para lumapit sa kan'ya pero nasobrahan ako... sobra-sobra...
"Ilang buwan na rin siyang namumuhay mag-isa kaya 'di ko maiwasang maging proud para sa kan'ya. Naipagluluto na nga rin niya sarili niya. Napagsasabay na 'yung mga gawain na 'di niya magawa-gawa noon..."
Napadilat ang mata ko nang mapunta ang kamay niya sa balikat ko. Nakita ko siyang naluluha.
"Seb, hindi ako nagsisi na ipinakilala kita kay Diem."
Kinagat ko ang ibabang labi nang masaktan ako. "Pagdating kay Carpe Diem, walang bagay na dapat pagsisihan."
Pinisil niya ang balikat ko at mapagbirong sinuntok ang braso ko. Humalakhak ako at bumuntong-hininga.
BINABASA MO ANG
Epigraph and Quintessence (STATION Series #4)
RomanceGrowing up in a luxurious and perfectionist household, Savannah Brenner knew that there was no use in escaping the rules her mother created. As much as she wants to confess how sickening it is, she knows she won't be heard. After all, she is yet to...
