Kabanata 32
Usap
The day of graduation came, and his words lingered in my mind. Hindi ko alam kung bakit may kaonting parte sa 'kin na hinihintay ang pagdating ni Seville.
I mean, it's all right to hope, right? Even though it's false—even though it will hurt me.
I just missed the feeling of hoping for things that are related to him.
For gratefulness, I guess... but I don't actually know the reason behind this. All I know is that there's a part of me that's hoping to talk to him even though I've hurt him a lot.
"Hey, tayo na raw."
Napunta ang tingin ko sa katabi na letrang 'B' din ang apelyido bago sumunod sa linya.
My father saw me when I stood up and accompanied me as soon as I got in the line. Nginitian ko si Daddy nang tumabi sa 'kin. Gano'n din ang ginawa niya habang inaayos ang graduation cap ko.
"How about your mother? You didn't tell her?"
"I told her that today's the day of my graduation... pati kay kuya." I shrugged after.
I don't expect them to attend my graduation. Ang daming problema ng kumpanya kaya paniguradong wala na silang oras para sa 'kin. Iyon din ang isa sa dahilan kung bakit sa mismong araw ko lang din binanggit.
I just don't want to expect anything.
Alam kong kahit anong pilit ko na huwag isipin 'yon, alam kong may kaonting parte pa rin sa 'kin na umaasa. Sa sobrang tagal na mayroon ako no'n, naintindihan ko na hindi na talaga mawawala sa tao ang pagkakaroon ng pag-asa.
It's always there—always present, just unnoticeable because it's not acknowledged of.
"Si Cloud sinabihan mo?" tanong ni Daddy, paunti-unti nang nasasanay sa Tagalog.
"Yes po, pero abala sa banda kaya sinabihan na po ako na hindi makapupunta." Humakbang ako nang gumalaw ang linya. Tumingala ako kay Daddy. "And... your presence is what I'm expecting for this day, Daddy. Sapat na po 'yon sa 'kin..."
My father let out a heartfelt smile. Gano'n din ang ngiti niya nang umakyat sa stage. Lalong lumawak ang ngiti nang makipagkamay sa dean ng department at sa president ng university.
Pansin ko kung gaano ka-proud si Daddy nang tumabi siya sa 'kin upang picture-an ng official photographer.
"Brenner, Savannah M. Magna Cum Laude," nakangiting banggit niya pagkababa bago lumingon sa 'kin. Marahan niyang hinaplos ang buhok ko at niyakap ako nang mahigpit. "I'm so proud of you, anak..."
I'm so proud of you. I've always wanted to hear that sentence...
Naiiyak akong yumakap kay Daddy habang hawak-hawak niya ang diploma. Pinigilan ko ang sunod-sunod na pagtulo ng luha dahil sa takot na masira ang makeup. Ngunit kahit anong pilit, bumigay na ako sa kagustuhang umiyak.
Humagulgol ako sa dibdib ni Daddy at palihim na inilalabas ang paghihirap na nando'n.
"Proud na proud ako sa 'yo, anak. Your father is so proud of you..." bulong niya sa 'kin.
"Daddy naman, e!" natatawa kong paninita. "Lalo niyo po akong pinaiiyak."
Bumaklas ako mula sa pagkayayakap at tinuyo ang luha gamit ang tissue na nasa bulsa.
Nakangiti lang si Daddy at humingi ng pabor sa iba upang ma-picture-an kaming dalawa. Kahit na medyo gulo-gulo ang makeup dala ng pag-iyak, ngumiti ako nang itinapat ang camera.
BINABASA MO ANG
Epigraph and Quintessence (STATION Series #4)
RomanceGrowing up in a luxurious and perfectionist household, Savannah Brenner knew that there was no use in escaping the rules her mother created. As much as she wants to confess how sickening it is, she knows she won't be heard. After all, she is yet to...
