Kabanata 41

1K 23 2
                                        

Kabanata 41

Pagtanggap

Our relationship progressed in the past months that we're together. Kahit nangangapa pa sa sarili at sa isa't isa, unti-unti naming natututunan kung ano ang tama at kung ano ang tapat. Sinusubukang dumepende at maging independe...

Hindi ko mapigilang mapangiti sa naisip. The relationship that we have is healthy... I hope it will stay this way. 

Ever since I met Seville's sister at his birthday party, we also have grown closer. Noong una ay bahagya akong naiilang kay Ate Aleah pero dahil sa kabaitan na nagpapaalala kay Seville, unti-unti akong naging kumportable. Nagkwento rin siya tungkol sa pamilya nila—isang bagay na pinahahalagahan ko talaga.

Seville told me that her sister developed trust issues because of their parents. He mentioned before that they kept on breaking their promises such as attending birthday parties, recognitions, graduations, and a lot more.

Naiintindihan naman daw 'yon ni Seville pero iba ang naging atake kay Ate Aleah. Bilang nakababatang kapatid, si Seville na lang daw ang umintindi at sinubukang maging katiwa-tiwala para sa ate niya.

The personalities that we have today are shaped by our past—it was the truth that I had learned to understand. Hindi ko na inaalala masyado kung gaano ba karami ang naging pagkakamali ko o gaano karaming kahihiyan ang nagawa ko.

Unti-unti ko rin namang naiintindihan ang rason ni Mommy pero parang kulang pa rin... pero hinayaan ko muna ang sariling maging kuntento sa kung anong pagkakaintindi ko ngayon. Ang mahalaga, natututo ako sa iba't ibang paraan.

If I want my change to be perfect, I need to consider the imperfects.

Isa rin 'yon sa mga bagay na paulit-ulit kong pinapaalala sa sarili. At na okay lang ang dumepende, 'wag lang sumobra dahil kung sosobrahan, maliligaw na naman ulit ako.

O kaya imbis na dumepende ay magtiwala sa sarili at sa isa't isa dahil sa sarili lang naman nagsisimula ang lahat.

Sa sarili nagsisimula kung paano magmahal ng sarili at ng iba, kung paano magtiwala, kung paano magpahalaga, at kung paano makuntento.

Ilan lang 'yon sa mga sabay na iniintindi namin ni Seville.

I knew I was used to learning in a very strict and excruciating manner. Tsaka ko lang naintindihan na hindi lahat ng pag-aaral ay puro pasakit dahil may mga pag-aaral na kalmado at walang pamumwersa. Iyong pag-aaral na dinala sa sarili para sa sarili. Ang pagtanggap sa nakaraan dahil iyon ang naghuhulma sa kasalukuyan, at ang pagtanggap ng pagkakamali dahil iyon ang nagiging daan sa pagiging tama.

In the past days, I did nothing but to spend my time with him. Bumibisi-bisita rin ako sa bahay ni Daddy upang kumustahin siya. Minsan ay sumasama pa si Seville kaya naipakilala ko na kay Daddy. Tuwang-tuwa naman siya nang makilala si Seville.

He even teased us when will be the wedding! Tawa na lang ang isinagot naming dalawa.

"Right timing po, tito," he answered.

My father was pleased because of it.

Seville also invited me to visit their band's studio, and he looked proud when he mentioned it to me. Kung maganda na raw ang studio nila sa Trinity, mas maganda raw ang studio na ibinigay sa kanila ng S&T. Hindi naman daw sila gaanong nanibago kasi may background sila sa mga kagamitan dahil high-end din naman ang nasa Trinity. 

I stopped in front of their studio's door and gave myself a smile.

Savannah, Carpe Diem, you have come a long way...

Epigraph and Quintessence (STATION Series #4)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon