Wakas 1
Kalimitan talaga sa mga tapat na tao ay ang hindi mga tapat.
Mga taong nanlilinlang sa sarili nila kasi wala eh, 'yon 'yung pinakamadaling paraan. Pagrarason nila, mas mahirap daw maging totoo kaya dumudulog na lang sa kasinungalingan.
Para sa 'kin, wala namang kaso ro'n. Iba't iba naman tayo ng rason kung bakit natin gustong magpakatotoo o magsinungaling. Sa kaso ko, gusto ko lang talagang huwag magkaroon ng problema sa pakikisalamuha sa mga tao. Para kasi akong 'di makahinga nang maayos 'pag gano'n.
Hindi kasi ako sanay na may kagalit. Ayoko ng kaaway dahil nga hangga't makakaya, gusto kong lumayo sa mga problema. Gano'n nga rin ginagawa ko noong bata ako, eh. Mapagbigay. Mahilig magpahiram. Tapos kapag nasisira nila gamit ko, aakto akong okay lang sa 'kin 'yon.
Ayaw ko kasing makipag-away sa kanila.
Ewan ko ba. Siguro ay dahil hindi nagagalit sa 'kin si Mama noon kapag nagkakamali ako sa harap niya. Tinatanguan lang niya ako bago sabihin na 'wag ko na lang uulitin kaya ayon, nasanay ako sa kabaitan.
Si Papa naman, kapag nagkakamali ako, mapagpasensiya naman siya sa 'kin. Siguro ay dahil nga nagdodoktor siya kaya natutunan niya na rin 'yon. Ilang taon daw kasi ang igugugol kung gustong maging doktor kaya sobrang habang pasensiya ang kailangan.
Naniwala naman ako sa katwiran nila sa 'kin noon. Ang ganda kasi pakinggan sa tenga, eh. Tapat na tapat. Idagdag pa na napakabata ko no'n para maghanap pa ng ibang katwiran kaya sobra akong naniwala.
Ang taas nga rin ng tingin ko kay Papa. Noong bata kasi ako, close kami no'n. Tinuturuan niya 'ko tungkol sa pagdodoktor. Puro tungkol sa nervous system ang itinuturo niya dahil neurologist siya. Si Mama naman ay pulmonologist. Minsan, isinasama pa kami ni Ate Aleah sa ospital na pinagtatrabahuhan nila para iikot do'n.
Tanda ko pa kung paano kami sinasabihan ni Papa na gusto raw niyang may mag-doktor sa isa sa 'min o kung pwede, kaming dalawa. Dahil bata pa ako no'n at wala pang kamuwang-muwang sa mundo, sabi ko ako na lang ang magdo-doktor. Si Ate Aleah kasi gusto niya raw talaga mag-Accountancy. Hindi 'yon gusto ni Papa pero hinayaan niya muna.
Bakit? Kasi alam niyang magbabago pa ang desisyon niya.
Bahagya akong interesado sa pagdodoktor. Na-eexcite kasi ako tuwing nagkukwento si Papa noon. Tapos ang astig-astig pa niya sa white coat niya. Manghang-mangha nga 'ko, eh. Ang cool tingnan. Tapos 'yung dina-drive niyang sasakyan, meron pang parang badge na 'MD' nakalagay.
Pero pagdating ng Grade 4, nawala na ang katiting na pagkainteresado ko ro'n.
Hindi lang dahil sa nawawalan na ng oras sina Papa sa 'min kun'di pati na rin ang kagustuhan kong tumugtog. Natuklasan ko 'yon tuwing bumibisita ako sa kwarto ni ate para manggulo sa kan'ya. Madalas siyang nagpapatugtog ng mga band music tapos sumasayaw-sayaw pa.
Noong mga panahong 'yon kasi, nagiging abala sina Papa sa ospital. Si Mama na lang 'yung madalas na naabutan namin kapag umuuwi kami galing school. Si Papa raw ay nag-oovertime ro'n kasi may pasyente raw o kaya may tinatapos pa.
Napapansin ko rin kasing malungkot si ate kaya sa pagpapatugtog na lang siya sumasaya. Dumadalas din ang pagtatampo niya kasi nga hindi nakasisipot si Papa tuwing family day.
Okay naman kami kay Mama, eh. Siya 'yung kalimitan naming kasama sa mga gano'n. Siya rin madalas mag-leave kaya hindi kami nagtatampo kay Mama. Mas malala lang talaga pagdating kay Papa kasi ni isang pangako wala siyang matupad.
Do'n na-develop ang trust issues ni ate.
At dahil nga kaming dalawa ang madalas na magkasama, sa 'kin madalas dumudulog si ate. Ayaw pa nga niyang magkwento sa 'kin kasi baka 'di ko raw maintindihan. Totoo naman, 'di ko rin gaanong mage-gets kasi bata pa ako no'n, eh. Mga ten years old yata tapos siya fifteen years old. Pero kahit na gano'n pa man, ginawa ko ang makakaya ko para ma-comfort si ate.
BINABASA MO ANG
Epigraph and Quintessence (STATION Series #4)
RomanceGrowing up in a luxurious and perfectionist household, Savannah Brenner knew that there was no use in escaping the rules her mother created. As much as she wants to confess how sickening it is, she knows she won't be heard. After all, she is yet to...
