Kabanata 7
Nagtitino
That night, I limped towards my mother's room to check on her but she was not there. Inalalayan ko ang sarili sa pamamagitan ng pagkuha ng suporta sa pader habang patungo sa office ni Mommy. Her door was ajar that's why I had the chance to listen to her cries.
Dahan-dahan akong naglakad patungo kay Mommy na nakatalikod mula sa pinto. Nakasandal ang kan'yang mukha sa gilid ng lamesa. Pataas-baba ang kan'yang dibdib habang patuloy sa paghikbi.
After knowing that my mother was a club waitress before she got married to my father, I have started to understand why she was pushing perfection to me. Hindi ko alam kung ano ang eksakto ngunit nararamdaman ko na baka gusto lang niya akong alagaan... ngunit sa paraan na ikinasasakit ko.
I realized that my desire for perfection isn't about myself because the desire came from my willingness to help others. Kapag naging perpekto ako, matutulungan ko si Mommy na tanggapin ng pamilyang 'to.
This battle isn't only a struggle in gaining a position and a stand for myself but also for my mother's, that's why I'll step up my achievements and do whatever it takes to help her. Even if it will make me a selfish person.
With a shaky breath, I carefully approached my mother. Dahan-dahang bumabanayad ang kan'yang paghinga. Nang makalapit ako ay nakita ko kung gaano kariin ang pagkapipikit ng mata. Gano'n din ang pagkasasalat sa dibdib.
"Mommy..." I called and supported my weight using a nearby chair.
Idinilat ni Mommy ang mata. Kinabahan ako nang tumalim muli ito. "Why are you here?"
I silently gulped when I felt the pain in my back and the pain in my heart clashed. "I-I'm worried po... okay lang po ba k-kayo—"
"Do I look like I'm okay? Huh, Savannah? Kasalanan mo 'to!"
Napaatras ako nang tumaas ang boses ni Mommy. Ngumiwi ako nang umatake muli ang sakit dahil sa biglang paggalaw.
Slowly, my mother fixed her stance and stood up.
Pinalis niya ang luhang tumakas sa mata at inayos muli ang postura. Dahan-dahan akong tumayo, inaalalayan ang sarili dahil natatakot sa paraan ng pagtingin ni Mommy. Nakahalukipkip siya nang tuluyan akong tumayo.
"I sacrificed a lot, Savannah. I don't want to put this to waste," she bitterly said as she regained control over her voice.
Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng takot kahit na nakatayo't nakahalukipkip lang si Mommy sa harapan. Kahit ilang beses na akong ginagawaran ng ganoong paraan ng pagtingin, nananatili pa rin ang parte na takot doon.
Mga tingin na mapanghusga. Mga tingin na namamahiya.
"Kung gusto mong matanggap, umayos ka."
"G-ginagawa ko naman po ang lahat—"
"Hindi pa 'yon sapat!" Mariin akong napapikit sa kan'yang sigaw. Pinabanayad ko ang aking hininga kahit na binabalot ng takot. "Hindi pa sapat ang sakripisyo ko para matanggap ka!"
Umalingawngaw ang boses ni Mommy sa buong silid.
"Ano pa po ba ang—"
"I don't need you here. Alis!"
Tumulo na ang aking luha. "Mommy, pero—"
"I said leave! Bingi ka ba?"
Nanginginig ang aking labi at naninikip na ang dibdib ay umalis ako mula sa office ni Mommy.
Ano na naman ba ang ginawa ko? Nagpunta lang naman ako dahil nag-aalala ako kay Mommy pagkatapos ng nangyari kanina! Masama na ba mag-alala?
Ano pa ba ang sunod nilang ipagkakait sa 'kin—pamilya? Wala na nga akong natatanggap na pagmamahal, pati ba naman 'yon ipagkakait din?
BINABASA MO ANG
Epigraph and Quintessence (STATION Series #4)
RomansaGrowing up in a luxurious and perfectionist household, Savannah Brenner knew that there was no use in escaping the rules her mother created. As much as she wants to confess how sickening it is, she knows she won't be heard. After all, she is yet to...