Kabanata 30
Lalake
"Who is he?" iyon ang una kong tanong, hindi mapigilan ang kabahan dahil sa nangyari.
The man stood taller than me. Tingin ko ay mas matangkad nang bahagya kay Kuya Warren. May kaonting kulubot na sa mukha dala ng pagtanda ngunit hindi gaanong pansinin dahil maayos naman ang itsura. Ang katangusan ng ilong ay nagpapahiwatig na may lahi bukod sa pagka-Pilipino. Maayos din ang estilo ng maikling buhok, mukha ring kapal.
"The one who named you... your father."
My breathing hitched.
Alam kong bago pa banggitin ni Mommy ay may ideya na ako kung sino siya dala ng sinabi ni Kuya Warren noong party. Ngayong nakumpirna na nga, hindi ko alam ang gagawin.
I stood silently as I watched my... father's face contorts into confusion. Nanatili lang akong nagmamasid sa kabuoan ng mukha niya.
Ang mata ko ay nakuha ko sa kan'ya habang ang ilong at labi naman ay kay Mommy. Hindi rin ako gano'n kapanga kaya masasabing kay Mommy ko rin namana.
I let out a small snicker when I realized that I am almost a carbon copy of my mother. Kung paano hindi agad napansin ng mga kamag-anak ni Sir Ralph ang bagay na 'yon ay ayoko nang problemahin pa.
It's all in the past now. Pakiramdam ko ay paaalisin din naman ako sa pamilyang 'yon pagkatapos ng problema sa kumpanya.
"You're giving me away?" kalmado kong tanong nang bumaling kay Mommy.
There was... a painful expression that crossed her eyes. Mabilis ko 'yong binalewala katulad ng pagbabalewala ni Mommy sa sakit na nararamdaman ko.
"S-Sa kan'ya ka talaga dapat," saad ni Mommy, sumilip sa lalakeng nasa harapan bago mabilis na nag-iwas ng tingin.
"I'm Armando Avellaneda, your father, Carpe Diem," pormal niyang sabi bago maglahad ng kamay.
I eyed his extended hand.
Bumaling ako kay Mommy. "Is this connected to the company?"
Another wave of hurt passed through my mother's eyes. Binalewala ko muli 'yon habang idinidiin sa kan'ya ang pamumwersa ng tanong.
I know I don't want to hurt them or let them experience what I experienced, but I couldn't help it. It just... happened.
Nanginginig ang labi ni Mommy ay nagsalita siya. "H-Hindi, anak... gusto ka l-lang makilala ng Daddy mo dahil matagal nang—"
I nodded at her and immediately accepted the extended hand. Tinagpo ko ang mata niya, bahagyang kinabahan dahil nakita ko ang mata ko, bago nagpakawala ng maliit na ngiti at umabante.
"Papasok ka na sa loob... Carpe Diem?" naguguluhan niyang tanong.
Hindi ako lumingon kay Mommy at dumiretso na sa loob nang sinenyasan akong pumasok. Tuluyan na akong nakarating malapit sa pinto.
From where I was standing, I saw how both of them conversed. There was a sense of formality and awkwardness that was seen from how they faced each other. Parehong kalmado ang mukha habang kalmado ring nag-uusap.
Nang umabante si Mommy ay tumalikod ako at hinarap ang pinto, nagdadalawang-isip kung bubuksan agad iyon o hihintayin ang pagdating ng tatay ko. Naupo na lang ako sa may porch habang tinatanaw sila ro'n.
When they finished, I saw how my mother skeptically looked at me and nodded. Mabilis akong nag-iwas ng tingin at iginala ang tingin sa kung saan-saan. Pagkatapos ng ilang minuto ay tuluyan nang umalis si Mommy. Pabalik na ang tatay ko mula sa pagsasara ng gate.
BINABASA MO ANG
Epigraph and Quintessence (STATION Series #4)
RomansaGrowing up in a luxurious and perfectionist household, Savannah Brenner knew that there was no use in escaping the rules her mother created. As much as she wants to confess how sickening it is, she knows she won't be heard. After all, she is yet to...
