Chapter 51

80 2 0
                                    

(YSABELLIE'S POV)

*Medyo Flashback muna tayo

Super busy man ako sa studies, sa org at sa lovelife. Chos! Joke lang, wala pala akong love life, 'IT'S COMPLICATED' pala ang relationship status ko ngayon, okay, ulit. Super busy man ako sa studies at sa org, medyo nagagawa ko namang tumakas sandali para mag unwind. Saan naman ako napapadpad? Sa The Grills lang sa South Station Alabang. Nawili na after nung first time namin ni Leona na manood ng gig doon.

The Grills - South Station Gigs 2013:

July 24 - KJWAN

August 14 - FRANCO

August 21 - THE OKTAVES sana kaso lang

The Grills - South Station:

"Due to the bad weather, this event is cancelled. We will be posting the new gig schedule soon."

Sayang! Hindi ko pa nakikita si Ely Buendia sa Personal tsaka yung Hilera Boys + Nitoy Adriano ng The Jerks! </3

August 28 - URBANDUB (Nanood ulit kami ni Leona)

September 25 - HILERA & SOAPDISH

October 9 - ITCHYWORMS

October 16 - SANDWICH

October 23 - MAYONNAISE

October 30 - EBE DANCEL

Grabeeeeee! Lagari rin yung sched. ko every Wednesday eh nuh? More takas din sa school pag may time. Nag cu-cutting class ako sa Law subject ko. HAHA. 6-9PM kasi yung time namin sa BL1, eh dapat before 9PM nasa The Grills na ako. HAHA. \:D/

*End of Medyo Flashback muna tayo

NOVEMBER 1, 2013

Nag celebrate kami ng Halloween Party dito sa bahay. Kumpleto kaming lahat, ang saya. Kahit kaka break lang ni Anabee at RR, pumunta pa rin sila, kaso lang hindi masyadong nagpapansinan, given naman na yon. Ganon talaga eh, may 'ilangan' factor level 48! ^_^

Nakakatuwa yung costumes namin. "Plants Vs. Zombies" yung theme. May konting games din at maraming inuman, syempre hindi mawawala lahat yon.

Bukod sa mga classmates/schoolmates ko sa P.U.L.P. na sina Anabee, RR, Sky, Aira, Pako, Sandy, Clair and Mina, Myndee, at Faye pumunta rin sila Patrick, Peter at Carlos (extended ver. of friends) Ang gulo talaga namin promise, pero sobrang saya. :D

Pumunta ako sa kitchen para kumuha pa ng pulutan tapos biglang nag ring yung phone ko.

*LEONA CALLING~

Holy fudge! Buhay pa pala siya!

"Leona?"

"Besssssssssssssssssssspreeeeeeeeeeeeeen!"

Grabe kinilabutan ako nung narinig ko ulit yung boses niya. What the??????????!

"Sooo? Ano na?"

"Sorry talaga wala akong paramdam. last nating pagkikita eh nung 2nd time nating manood ng gig ng Urbandub sa The Grills. So eto na nga, kumuha na ako ng condo sa Makati, kakatayo lang kasi namin ng bagong branch ng cafe, lam mo naman family namin pag dating sa negosyo tutok. Hmm.. Kamusta events niyo sa school? Okay ba yung sponsors? Nagka problema ka ba?"

"Nako successful naman yung events ang kaso lang, ang hirap makipag-meeting sa sponsors, kung saan saan pa ko pumunta. Imagine?"

"Nako naman, may technology na kasi try mo. Hindi naman kailangan personal. Baliw ka talaga."

When Ms. Walking Disaster Met Mr. Bad JokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon