Chapter 12

266 7 3
                                    

SUPER FLASHBACK

High School Days

YSABELLIE <3 MARKUS

(MAKU'S POV)

4th year high school nung una ko siyang nakita. Hindi ko alam kung anong meron sa kanya. First time na nangyari sa akin yung nag slow mo. ang lahat. Sa sobrang relax ng pagkakasandal ko sa gilid ng pinto ng room na may napakandang view. Ano yung view? Sandamukal lang naman na estudyante pero napukaw pa niya yung atensyon ko.

Pero bakit kaya? Tapos nag pa-play sa utak ko yung song ng New Found Glory - I Don't Wanna Know. Hindi kaya? Hindi kaya tinamaan na ako?

Teka, ngayon? Sa babaeng yan? Seryoso? Waaaaaah! Baliw ka Maku. Bakit ang bilis?

Dahil ba yon sa sun glasses na suot niya? Sa long red wavy hair niyang shiny? Yung papalapit pa lang siya na parang pang shampoo commercial ang dating, may hangin effect? Dahil sa mga labi niya? Sa balingkinitan niyang katawan?

HINDI KO ALAM. Basta na lang.

Medyo mahangin non sa campus. Ang tawag don "Sand Storm sa Grounds" pero hindi lang basta mahangin, makulimlim din. Siguro kasi June? Tag bagyo? Salamat sa napakalakas na "Sand Storm sa Grounds" na yun at napuwing ako. Tsssssssss. Nak ng!!! Yun yung badtrip dun sa school e, kaasar.

Pagdilat ko...

"HAHAHAHA!"

Hala, shit! Yung babaeng tinutukoy ko kanina nasa harap ko na?!! Tinatawanan pa ako? Bakit???

"Try mong magbaon ng goggles, baka makatulong."

Asar niyang sinabi sabay tawa na naman. Syete! Ang dami ko ng pahiya. Tong babaeng to makapuna sakin akala mo close kami... Nasa harap ko pa rin siya. Malabo pa yung paningin ko pero naaaninag ko siya. Aruuuy! Alam mo yung impact ng buhangin sa mata? Potek! Parang na-inlove na sa mata ko, ayaw ng lumubay?

*Blink *blink *blink pa rin ako hanggang------

"Yan, oks na ba?"

Yu--yung... Yung babaeng yon hinipan niya yung mata ko.

*Speechless

*Nga nga

"Minsan kasi wag stupid. Ano, taga salo ka ng Sand Storm sa Grounds? Next time mag googgles ka. Protektado ka na, sikat ka pa! HAHAHA! Eksena ka siguro dito sa campus kung sakali."

*Laughs

Grabe siya. Gawain ba talaga niyang magsalba ng taong napuwing? Wow ah? At tapos hobby rin niyang makipag-usap sa hindi niya kilala? Asteeeeeeeeg! Pe-pero bakit hindi pa rin siya umaalis sa harapan ko? Di kaya type ako neto? HAHAHA

*ASSUMING

*Medyo makapal mukha

Pero kasi iba e...

"Ah miss, thanks. May kailangan ka ba sakin?

Pa-presko kong sinabi sa kanya.

Dahan dahan niyang tinanggal yung sun glasses niya. Takte, slow mo. na naman!

"Actually wala akong kailangan sa'yo pero sa pinto sa likod mo meron. Papasok ako. Sa pagkakaalam ko, dyan yung room ko. Mag-start na yung klase, baka pwedeng wag kang humarang sa pinto. Uso yon. Yung tumabi? Try mo."

*GRIN

Aba! Yung kaninang mala anghel ang aura naging impakta?! Hanep sa taray, pwedeng kontrabida to grabe! Para manahimik na siya at hindi na niya ako taasan ng kilay, tumabi na ako. Tssss. Malumanay naman yung pagkakasabi niya kaya lang medyo madiin. Kainis! First time tong matarayan ako ng babae ah? Grrr. Patay to sakin.

When Ms. Walking Disaster Met Mr. Bad JokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon