Chapter 30

137 3 6
                                    

(YSABELLIE'S POV)

*June 3, 2013

HAHAHAHAHAHAHA! Natatawa na lang ako. Nakakabaliw kapag nabuburyo ka na. Para akong binurong mangga dito sa bahay. Nakakainip! Lalong lumala yung kabaliwan ko. IMBA >.<

Pero teka, hindi naman pala masyadong boring. Si Alex Gaskarth pala kasama ko sa bahay. HAHA!

Halos apat na araw din kaming nag movie marathon at minarathon din namin lahat ng Korean Drama na meron dito. Naalala ko tuloy nung naabutan ko si Migoy na tulog sa sofa sa sala at nag pa-play yung I Do I Do. Kim Sun-a at Lee Jang-woo. Grabe, natapos namin yon. Yun yung una naming minarathon.

Lahat ng korean drama dito na dvd kay Ate Mayen. Super fan talaga siya. Ako naman, pinaka favorite ko yung Secret Garden. Ha Ji-won at Hyun Bin. Grabeeeeeeee! <3 Ayan, kinikilig na naman ako. Weeeeeeeee!

Secret Garden yung next na minarathon namin at yung 3rd naman, Wish Upon a Star. Gaaaaaaaaahd! Jin Ppal-gang (Deep Red) at Won Kang-ha! Whoooooooh! Ang daming puso. HAHA. Bat ganon? Ang tagal na ng mga dvd dito pero hindi ko naman pinapanood, ngayon na nandito si Migoy, naimpluwensyahan niya akong manood. Ayan, hindi na naman ako maka move on.

So maiba lang? What's up with Migoy? HAHA. Ayun, bukod sa panonood, wala siyang tigil sa pagkulit sakin. Kung hindi ko lang talaga siya kababata at kung hindi lang talaga siya gwapo--- Ay! Este... Kasi naman, minsan nga parang duda pa ako kung siya ba talaga si Miguel Osborn Asuncion. Nung mga bata pa kami mukha lang siyang totoy na Phil-am. Eh ngayon? KAMUKHA na niya si ALEX GASKARTH My baby! <3

Haaaay. Seryoso. Totoo.

*Drools

Promise! Crush na crush ko talaga si Alex ng All Time Low. Swear! Kaya naman pag nakikita ko si Migoy, parang... Parang... Pero hindi eh! -_____-

Ewan, ko. Hindi ko ma-explain. Yung tipong yung pag papantasya ko kay Alex nawawala kapag pinagtitripan ako nito ni Migoy! Grabe lang! Sino ba namang hindi matu-turn off. Hmm... Pero hindi masyadong turn-off, pero iba kasi yung kay Migoy. Yung asar niyang nakakawala ng sakit sa puso. WTH lang. okay na sana yung kaharutan niya eh, wag lang haluan ng ka-maniac-an niya. Wagas eh.

Hindi naging biro lahat ng nangyari sa akin simula nung eksena sa X-site na super duper epic! At yung "muli" naming pagkikita ni Markus. Kahit ako naguguluhan.

Sabi ko kakayanin ko, makakamove on ako. Okay na ako. AJA unlimited! Pero nung birthday niya, lahat na ata ng pag mo-motivate ko sa sarili ko na kaya kong mag move-on, nawala. Sa isang iglap lang naglaho na parang bula.

Habang binabalikan ko lahat ng mga nangyari pakiramdam ko ang galing ko! Nalagpasan ko lahat ng yon. Yung ibang masaya pero mas maraming painful moments. Ang hirap din kasi. Lahat na ata ng sama ko ng loob kinimkim ko ng halos tatlong buwan?

Lahat nga siguro ng bagay may dahilan. Pakiramdam ko nabuhay ulit yung katawang lupa ko at naging tao ulit ako matapos akong makaladkad nila RR at Pako sa Festival Mall.

Shems! kung ano ano na tong naiisip ko. Eng eng mode na naman na kausap yung sarili sa rooftop. IMBA -_-

Grabe, ang bilis! June na. 7 days na lang at may pasok na. Haaaaaay! Buhay estudyante na naman! Kinikilabutan ako habang naiimagine ko na naman yung mga madugong projects, assignments, overnight at kung ano ano pa.

Hep! OMG! Hindi na pala ako Accountancy student ngayong school year! WHOOOOOH! So more petiks more fun ngayong taon? What the?! HAHAHA! Lintik, bat bigla akong na excite? Ano kayang feeling ng kalma mode na sa klase? HAHAHA! Nakaka amoy ako ng maraming cutting classes! Pero, wala na naman ako cu-cuttingang subject. Nung 2nd year kasi, kinu-cutingan ko yung accounting class namin. Nakakaburyo eh. Sobra na nga sa DEBIT CREDIT na paulit ulit lang tapos ang kupad pa nung prof. namin. Tapos siesta time pa. 2-5pm kami pag TTH. 6 units. 3 hours per meeting, SABOG! :)

When Ms. Walking Disaster Met Mr. Bad JokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon