Chapter 31

118 3 6
                                    

(CALOY'S POV)

Grabe. Gulat pa rin ako. Pahiya ako mga 39 kanina! Yung Bake Shop kay Leona yun? What the? Pano nangyari yon? Don pa naman ako bumibili lagi. Minsan tumatambay na rin. Tsaka masarap kape nila don. Promise!

Haaaay! Dahil pinaalis na niya ako at wala akong matambayan, aha! Ayon, dinala ako ng mga paa ko sa bahay ng bespren kong si MARKUS! Naku, isa pa yon. Kamusta na kaya yon?

(MAKU'S RESIDENCE)

Syempre, pasok na lang agad ako sa loob. Alam ko namang hindi nag lo-lock ng gate si Maku. Pagkapasok ko, kita ko na agad sa gilid yung mga bote ng Red Horse at kung ano ano pang mga alak. Ang dami! Siguro mga 50+?

Bago ako tuluyang pumasok sa may living room, kumatok muna ako. Para kasing walang tao. Patay lahat ng ilaw. Nasan kaya si Maku?

*Tok tok tok

"Tol? Maku, pasok na ko ah?"

*Kruuuu~ kruuu

Wala namang sumagot pero pumasok na talaga ako. Binuksan ko yung ilaw sa may living room. Medyo mas umayos yung sala ngayon kaysa sa huling punta ko. Hindi na gaanong makalat. Siguro nga nag general cleaning yon si Markus kaya puro bote don sa labas. Naipon na, bakas ng mga tinotoma niya. HAHA!

Pumunta ako sa kitchen. Sinilip ko yung ref kung marami pang alak. Aayain ko sanang mag inom si Markus. Pagbukas ko, wala ng alak don. May nakita ako C2 tsaka puro juice, may fresh milk pa. Nalungkot ako. :(

Umakyat ako para tignan kung nandon ba si Maku, baka kasi tulog lang. Pagbukas ko ng kwarto niya. Ang dilim. Walang Markus. Pumunta ako sa kabilang kwarto, baka nandon siya kasama si Pepsi. Katulad don sa kwarto niya, madilim at walang Markus. Nalungkot na naman ako. :(

Bakit ba nawawala si Markus? Nasaan si Pepsi Pogi?

Grabe! Hindi pwede to! Magbubuhos pa nga ako ng sama ng loob ko sa kanya. Lahat ng pagkabanas ko kay Leona i-sha-share ko tapos wala naman siya dito?! Hmm, teka nakalimutan ko, uso pala cellphone. Tawag tawag din PMT! :D

*Ring~ Riiiiiing~

Hindi niya sinasagot yung tawag ko kaya tinext ko na lang siya.

Dahil wala akong magawa, pinakeelaman ko yung electric guitar niya at tumugtog ako sa sala.

"Please just don't play with me
My paper heart will bleed
This wait for destiny won't do
Be with me please I beseech you
Simple things, that make you run away
Catch you if I can"

~My Paper Heart - The All-American Rejects

Sakto pagtapos ko tumugtog, narinig kong bumukas yung gate.

"Tol, ayos ah? Sensya na hindi na kita nareplyan. Bumili na pala ako ng to-tomain natin. Mahaba habang inuman to. HAHA."

"Ang bilis mo ah? San ka ba galing? Sensya na biglaan yung pagpunta ko dito."

Ayon, syempre walang humpay na inuman to! Astig talaga. Kumpleto. Ang daming alak at pulutan. Akala ko pasko na. HAHA.

*After 2 hours

AKO: Tol, pansin ko lang, kanina pa ako kwento ng kwento dito. Ikaw naman mag kwento pre!

MARKUS: HAHA. Nagulat nga ako sa'yo tol, madaldal ka pala? Iba rin pala impluwensya sa'yo ni Leona nuh? HAHAHAHAHA.

Natigilan ako sa sinabi niya.

AKO: Hoy hindi pre! Ewan ko dun! Nagiging madaldal ako kagaya niya. Nahawa na nga ata ako! Alam mo pareho sila ni Ysabel eh. Mag bestfriend talaga sila. Ang alam ko kasi tahimik ka lang din dati pero dahil kay Bel, nadiskubre mong may kakayahan ka palang magsalita? :D Pero teka, alam mo bang galing kami sa bahay ni Ysabel kanina? Ang kulit nga ni Leona eh, ang daming alam! Kakarating ko lang kila Bel, tapos kinaladkad naman ako papunta dun sa playground. Baliw lang? Tapos sabi niya may lalaki raw sa kwarto ni Ysabel. At eto pa pre, si Leona daw yung may ari ng Bake Shop? Yung totoo?! Akala ko talaga joke lang. Laughtrip. Naka libre ako don kanina. HAHAHA.

Grabe yung tawa ko. Walang patid. Siguro medyo lasing na rin ako na ewan. Hinihintay kong magsalita si Markus pero wala. Wala siyang reaksyon. Nilapag niya yung bote ng Red Horse sa mesa tapos tumayo siya.

MARKUS: Tol, saglit lang, kukuha lang ako ng pulutan.

"Sige lang pre" yung sagot ko.

Pag lagok ko, shit! Don ko lang naisip yung mga sinabi ko kanina. Bakit sinabi ko na may lalaki sa kwarto ni Ysabel?!!! Patay na. Yareeeeee!

Pag balik ni Markus, wala lang. Ganon pa rin. Parang wala pa rin siyang reaksyon. Nilapag niya yung lechong manok sa lamesa tapos umupo na siya. Nagbukas pa siya ng Red Horse sabay lagok.

Babawiin ko sana yung sinabi ko kanina pero naunahan niya akong magsalita.

AKO: Tol---

MARKUS: Tol.

Tumahimik ako at hinayaan ko siyang magsalita. Pa lagok lagok lang ako ng malamig na Red Horse Beer at pa papak papak ng lechong manok.

MARKUS: Tol, ayos lang ba kung sumama na ako sa inyo nila Pete at Pat sa Manila? I mean sa bahay niyo. Pwede ba ko don tumuloy ngayong school year hanggang sa grumaduate na tayo?

Nabuga ko yung laman ng bibig ko.

Shit! Nasamid ako sa sinabi niya.

*Ubo ubo ubo

AKO: A--ano yun pre?! Sa bahay ka na? Seryoso ka? Edi ba matagal ka na naming pinipilit nila Patrick at Peter na don ka pero ayaw mo kasi---

MARKUS: Ano kasi pre eh, ah... Wala lang. Naisip ko lang, nakakatamad bumiyahe mula Las Piñas hanggang Manila. Ewan ko, parang tinatamad lang akong mag-uwian ngayong school year kaya para hindi na hassle, sama sama na tayo sa inyo. Tsaka para pag may inuman kayo don, makasama na ako. Lagi kasi kayong may happenings pag tapos ng klase sa bahay niyo na hindi ako nakakasama.

AKO: Oo naman pre! Matagal ka ng welcome don sa bahay, ikaw lang eh, ayaw mo. Ayos ah, bigla atang nagbago yung ihip ng hangin? At kailan ka pa tinamad bumiyahe? Eh mas gusto mo ngang malayo yung school mo sa bahay mo para maka explore ka tapos ngayon? O sige tol, kahit anong gusto mo o dahilan mo, pwede ka sa bahay. HAHA! Mukhang marami rami tayong happenings ngayong school year kasi kumpleto tayo sa Dorm. HAHAHA!

MARKUS: Oo nga pre. Salamat ah? Nga pala, wag mo munang sabihin kila Patrick at Pete para surprise. Loko rin yung dalawang yon, inaaya ko sila ngayon pero hindi raw sila pwede. Nasa Laguna raw sila tumutugtog.

Humaba na ng humaba yung usapan namin. Puro tungkol sa klase. Malapit na pala kaming maging estudyante ulit. Sa Manila pala kami nag aaral. Basta malapit sa SM Manila. =)

Si Markus - Bachelor Of Fine Arts

Si Pete - Bachelor of Technology in Graphic Arts and Printing Technology

Si Patrick - BS in Industrial Education major in Arts Education

at ako naman - Bachelor of Secondary Education Major in General Science. HAHA. Ako lang yung naiba. :D

*3am

Hanggang ngayon, umiinom pa rin kami. Nagulat lang ako, ang lakas pala uminom nito ni Markus? Nagulat rin ako sa sarili ko. Hindi naman din ako masyadong umiinom. Eto na ata yung pinakamarami ko. Hindi ko na mabilang.

4:30am nung sinabi ko kay Maku na uuwi na ko sa bahay namin dito sa Las Piñas. Kaya ko namang umuwi. Hindi pa naman ako lasing konti lang. =) Medyo malapit lang din dito yung bahay ko. Bago ako umuwi, may nilabas siya sa bulsa niya. Medyo hilo na siya pansin ko. Mas marami naman kasi siyang nainom kesa sakin. Mga triple ng nainom ko yung nainom niya. Ang lakaaaaaas.

May pinatong siyang cellphone sa mesa.

MARKUS: Pre, ikaw na lang magbigay niyan sa kanya. Sinubukan kong ibalik pero nabigo ako eh. Hindi ko pala kaya. Nakakatawa nga eh. Parang cellphone lang hindi ko pa mabalik. Kainis.

Kinuha ko yung BlackBerry sa lamesa. Kay Ysabel nga.

Bago ako umalis, tinapik ko muna siya.

AKO: Tol, ayos lang yan. Wag kang masyadong uminom, magagalit yon sa'yo. Sige tol, ako ng bahala sa cellphone niya. Hanggang sa muli!

-End of Chapter 31-
@elisiachico

When Ms. Walking Disaster Met Mr. Bad JokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon