Chapter 49

63 2 0
                                    

(MIGUEL'S POV)

 

*October 2013

Ang bilis ng panahon. October na agad. At mag no-November na rin. Kasabay ng bilis ng panahon e yung parang hindi ko na maramdaman si Ysabel. Hindi ko na nga siya maramdaman noon mas lalo na ngayon. Magmula nung nag victory party siya hindi na niya ako napapansin. Siguro madugo lang talaga yung responsibilities niya sa school tapos studies pa. May mga pagkakataon pa na hindi na siya umuuwi. Kahit nasa iisang bubong lang kami, hindi manlang ako nagkaroon ng chance na makausap siya. Bakit kaya? Istorbohin ko na kaya siya sa kwarto niya ngayon? Siguro naman hindi siya busy kasi sembreak niya? Pero sa pagkakaalam ko kahit sembreak busy siya.

Sa facebook na lang ako updated sa buhay niya. Stalker mode? Pero I'm not stalking, I'm investigating. Pag open ko ng fb sa wall niya agad yung punta ko. Puro tagged photos naman ng mga event nila sa school yung nakikita ko. Wala manlang status. Tsss. Walang feels. Hindi rin ata siya nag o-online. Inupload ko na lahat ng pictures sa akin. Yung stolen shots ko sa kanya sa Festi, pictures nung sa Star City, Sa MOA, MIP - Nature's Church at pati nung victory party.

Galit kaya siya sakin? Mag fo-four months na kasing ganito. Ano kaya yun?

Waaaaaaah! Kailan pa ba kami mag uusap? Sa 2020 na? Asar! Baliw na ko. Pupuntahan ko na siya sa kwarto niya. Ayoko na ng ganito.

Pagbukas ko ng pinto.

O_____O

"Ysabel!"

Gulat kong nasabi.

Tinignan lang niya ako. Yung parang may gusto siyang sabihin sa akin pero hindi niya maumpisahan? Ano kayang? Dahil sa ako yung nahihirapan para sa kanya, ako na lang ulit yung nagsalita.

"Oy, long time no talk ah..."

"Pwede ba tayong mag-usap?"

Nako Ysabel! Kung alam mo lang gustong gusto talaga kitang kausap.

"Baliw ka talaga. Pwede mo naman akong kausapin eh. Ysabel mag fo-four months mo na akong dine-deadma. May problema ba tayo?"

"Yun na nga eh. Kailangan umabot ng ganon katagal. Ikaw kasi eh."

Hala. Hindi ko nga alam kung bakit biglang hindi na niya ako pinapansin at kinakausap tapos ako pa rin may kasalanan? Kung sabagay, si Ysabel yan e.

Pumunta siya sa music room. Sumunod naman ako sa kanya.

Umupo siya sa sahig. Umupo na rin ako. Hinihintay ko lang siyang magsalita. Shit! Suspense.

"Migoy, bakit hindi mo sa akin sinabi? Nakakainis ka naman eh."

Luh? Ano yung hindi ko nasabi?

"HA? Anong hindi ko-------"

"Alam ko na kung bakit ka nandito, kung bakit ka umuwi ng Pilipinas!"

Anong? Panong?

"Pongs, ano ba yang mga sinasabi mo?"

"Ikakasal ka na pala."

HAAAAAAAAAAAAAA? IKAKASAL AKO?!

"Pongs---"

"Okay lang sakin nuh. Kaya ka pala bumalik para kunin akong bridesmaid. HAHA! Patawa ka. Alam ko namang hindi mo agad masabi sakin kasi nga mga bata pa tayo nung huli tayong nagkita, tapos bigla ka na lang susulpot para i-invite ako sa wedding mo? Parang... Diba? Gets ko naman eh."

"Pongs kasi---"

"Nung victory party, umuwi na silang lahat tapos ako naman umakyat na para sana matulog pero nakita kong bukas yung pinto ng music room kaya pumasok ako at nandoon ka natutulog. Tapos nag ring yung phone mo. Kinuha ko agad yon kasi baka magising ka, lumabas ako ng music room, tinignan ko yung phone mo nakalagay sa screen *MOM. Nataranta ako. Muntik ko na ngang malaglag phone mo, pero actually nalaglag talaga. Agad ko yung pinulot tapos ayon, napindot ko. Hindi ko yung sinadya ah.. Ayun, hello siya ng hello, hindi ako kumikibo, tapos sabi niya 'Miguel, nasabi mo na ba sa kanya na siya yung bridesmaid sa wedding mo?' Sasabihin ko sana na hindi ako si Miguel pero na deadbatt yung phone mo eh."

When Ms. Walking Disaster Met Mr. Bad JokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon