Chapter 46

85 3 0
                                    

(LEONA'S POV)

 

*June 26, 2013

 

At nanood nga kami ng gig ng Urbandub sa The Grills. @#$%^*(_~! ASTIG! Ang daming tao as in super puno. Pareho naming first time ni Ysabel manood ng gig doon at grabe, dapat masundan pa to. Every Wednesday naman yung gig so mukhang madadalas kami dito. WAAAAH! Hindi ko madescribe pero woooh! \m/

Uminom lang kami ng konting medyo naparami tapos kwentuhan. Shocks! Feeling ko natanggal lahat ng stress sa buhay ko. Nakaka pressure mag handle ng family business. Imba. Napag-usapan din namin yung tungkol sa campaign period nila sa P.U.L.P. Haha. Patawa talaga 'tong si Ysabel. Pero sabi niya seryoso raw siya. Eh di sige. :)

Speaking of P.U.L.P., tinanong ako ni Ysabel kung kumusta raw yung party. Kinuwento ko sa kanya kung ano yung nangyari. Kung sino yung mga pumunta at pati nabanggit ko rin na nandoon sila Caloy, Peter, Patrick at Markus.

Walang reaksyon si Ysabel. Yumuko lang siya. Siguro after 1 minute nagsalita na siya.

"Leona, mag so-sorry ka ba sa akin kaya mo ko inaya ngayong gabi?"

Boom! Nganga ako. Pano niya nalaman?

"Ah.. Kasi... Ysabel--"

Hindi ko alam kung papano ko sasabihin sa kanya. Sa sobrang tense ko napalagok ako ng beer.

"Wala ka namang kasalanan. Alam ko namang kaya ka bumalik kasi nabalitaan mong wala na kami at gusto mo lang kaming tulungan dalawa."

"Ibig sabihin simula nung bumalik ako alam mo na..."

"Si Maku ba alam niya na alam mong wala na kami?"

"Bel, sorry talaga. Oo alam niya. Nalaman niya kay Caloy."

"T*ang*na."

 *Iyak

(YSABELLIE'S POV)

Hindi ako makapaniwalang alam pala ni Markus matapos ang lahat lahat. Gawd! Mag a-assume na naman ba ako? GRRR! Napamura tuloy ako. </3 Kailan ko lang din naman napagtanto yung gustong mangyari ni Leona tapos siya alam na niya dahil kay Caloy?! Nako. And the best actor award goes to...

Bullshit! -______-

Naisip ko lang matapos nung gabing nag-usap kami ni Leona. Baka may chance. Baka kasi kahit konti lang, hindi ko alam! Waaaah! Ayoko ng ganitong feeling. Kaya ko nga nililibang yung sarili ko na kung ano anong kabaliwan pinag gagawa ko, kasi gusto ko na siyang kalimutan pero bakit kapag parang lumalapit na ako doon sa point na mawawala na siya sa isip ko, bigla bigla namang may ganito ayan, nag fo-formulate na naman ako ng kung ano ano.

Gusto kong malaman mula mismo sa kanya kung ano ba talaga yung motibo niya kung bakit niya ginawa at kinayang magpanggap na kami pa rin. So cancelled na yung dahil kay Leona kasi alam na naman niya na alam ni Leona na wala na kami. Second option, yun ba ay dahil sa akin kasi sa tingin niya hindi ko alam na alam na ni Leona na wala kami? Ang gulo! Ang gulo gulo! Tsk. Tama na nga to. Ayoko na muna. Shu feelings! Go away! Haaay. </3

*Riiing~! (Smells Like Teen Spirit Ring Tone)

*Carlos Calling

Ay kamote! Nakakagulat naman tong cellphone ko. Oh. Si Caloy?

"Hello Labo!"

"Ysabel?"

"Ay hindi, si Spongebob to."

When Ms. Walking Disaster Met Mr. Bad JokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon