Chapter 24

141 3 4
                                    

*KFC

Talaga bang nananadya tong isang to?!!! Nakakagago na ah. Exact place nung... Owshit!

MARKUS: Dyan ka na lang ba sa labas? Pwede namang pumasok diba?

Ahhh.. Ano raw? At may pag ganon pa siyang... Ang kapal talaga nito. Konti na lang talaga sasabog na ako.

Hindi ako makalakad, nangangatog na yung mga tuhod ko. Nilalamig ako ng sobra! Shet! Ayoko ng ganitoooo! Para pa akong na ge-gebs. Tsk!

MARKUS: May problema ba? Ayaw mo ba dito? Gusto ko kasi ng KFC chicken. Kung gusto mo ita-take out ko na lang tapos------

AKO: Hindi. Ayos lang. Libre mo naman eh. Kahit san mo gusto okay lang.

Poteeek! Gusto ko siyang sampalin! Ang kapal pa ng mukha niyang tanungin kung 'may problema ba?' Namaaaan! Kung umasta siya parang wala lang. Kruuu kruu. Ganon? Tsss. Kahit 3 months palang ang nakakalipas? What theeee???

K fine. Insert best actress mode here.

Pumasok na ako. Dun pa talaga kami pumuwesto kung saan ko sila nakita nung babaeng WTF dito nung Feb 13. Syempre kunyari para sakin wala lang. Deadma lang. Kahit bumabalik lahat sakin, kahit masakit. Ngiti lang Bel. Wag bitter. Pero bat ganon? Bakit pag sa kanya parang wala na lang tapos ako affected pa rin?!

MARKUS: Order lang ako. Yung tulad pa rin ng dati o may gusto ka pang iba?

Ano raw? O____________O

Napa nganga ako dun ah? Anooong?!

MARKUS: Uy ano?

AKO: Ikaw bahala.

Umalis na siya. Arrrrg! Ang lakas nitong mang badtrip ah? Ano bang... Tssss!

------------------------------------------------

(CALOY'S POV)

Ang dami talagang alam ni Leona.

*Text message

#TeamMaku

Sa bahay ni Ysabel. Now na! :)

-Leona

Tsssssssss! Lakas! Talagang may hashtag? Baka trumending? Ano na naman kayang pakana niya? Kung kailan naman nasa grocery ako, istorbo talaga yung bully na yon kahit kailan. >.<

------------------------------------------------

(LEONA'S POV)

Haaay. Ayos na. Sana maging successful yung mga pinaplano ko. Nandito na ako sa tapat ng bahay ni Bel. Mabuti na lang may duplicate ako ng susi. Hehe.

*Kapa kapa

Oh? Bakit bukas lang yung gate? Ano to, Markus lang? Sus! Nahawa na siya kay Maku. Hindi marunong mag lock. Sana naman makapunta silang lahat. Importante to. We will make plano about the house party. Nasan na kaya si Anabee? Yung ibang mga college friends ni Bel. Haaayyy.

Gosh! Na-miss ko tong bahay na to. Ngayon na lang ulit after 3 years! Weee!

------------------------------------------------

*KFC

(YSABELLIE'S POV)

Ang tahimik naman... Sa totoo lang naiilang talaga ako. Ni hindi ko siya matignan sa mata. Wala lang, kumakain lang kami. Ang tahimik. Hmm... Tanungin ko kaya siya? O di kaya mag-joke na lang ako? Hmm... Pick-up lines? Trivia? Shoooooot! Nakakainis! Bakit hindi siya kumikibo? Asar! Okay, kaya ko to. Hmm mag jo-joke na lang ako para masaya.

When Ms. Walking Disaster Met Mr. Bad JokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon