Chapter 50

73 2 0
                                    

(YSABELLIE'S POV)

At nag-usap na nga kami.

Hindi ko alam kung tama ba tong nararamdaman ko. Tama bang maging affected ako masyado? Bakit? Para saan yon? Haaaay! Habang pinapanood ko siyang mag empake ng gamit niya, hindi ko mapigilan yung sarili kong mag throwback. Anak ng! Naaalala ko na naman yung mga eksena sa Festival Mall, dito sa subdivision, Star City, MOA, SM Center, Sa simbahan at syempre sa apat na sulok ng bahay na to.

"Uy Pongs, papanoorin mo lang ba akong mag alsabalutan? Care to help?"

"Bahala ka dyan! Ginusto mo yan e!"

"Wow naman! Aalis na lang ako, masungit ka pa rin? Bati na kasi tayo. Grabe ka naman sakin."

"Wala naman kasing nagpapaalis sa'yo dito. Kung kailan pa naman ako nasanay na may kasama dito sa bahay tsaka------"

"Sorry na Pongs. Sorry kung biglaan. Ang dami biglang aasikasuhin eh."

"Edi magpaka busy ka. Go lang ng go!"

"Eh bakit parang ang bitter ng tono ng pananalita mo?"

"Natural ko na to, wag kang ano."

"Sus! HAHA. Ang complicated mo talagang nilalang. Nung una tayong nagkita, gusto mo kong pagsimbahin ng may bulak sa ilong, ngayon naman na lalayo na ako, hindi ko alam kung kinokonsensya mo ako para hindi ka iwan oh ano eh... Ano ba talaga?"

"Bilisan mo na! Ikaw tong maraming pa suspense. Edi kung aalis ka edi sige."

"Hindi mo ba ako ma mi-miss?"

"Asa."

"Kahit konti?"

"Anak ng~!"

"Weh? Hindi mo sinasagot yung tanong."

"MAGPAKASAL KA NA NGAAAAAA! Pektusan kita dyan eh! May gana ka pang mag gaganyan matapos kong malamang ikakasal ka na. Lintik ka Migoy, sana nung una pa lang sinabi mo na sakin para..."

"Para?"

"Para..."

"Para hindi ka na nag aksaya ng feelings?"

WHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAT? Ano na naman? Miguel, umayos ka!

"Anong feelings pinagsasabi mo dyan? Wala akong nararamdaman. Pwede ba???"

"Pero kahit ano pa yang 'feels' mo, pupunta ka sa kasal ah?"

"Sus. Nung una todo deny ka pa, ngayon naman todo claim ka! Chever!!! Malamang! Invited nga ako diba? Padala mo na lang yung details ng kasal mo ah? Nandito lang naman ako, hindi ako mawawala pwera na lang kung kidnapin ako ng mga alien."

"Ayos na. Tapos na ko mag impake. So pano ba yan Pongs..."

"Wag ka na ngang mag goodbye sakin. Magkikita pa naman tayo diba? Ang O.A. Sige na umalis ka na! Shuuuu!"

Nakalabas na siya ng gate ng bahay. Ako naman nasa living room lang nakadungaw sa bintana. Ayoko nga siyang ihatid. Ayokong makita yung pag alis niya. Shemaybells ano ba yan. </3

Nangangati na yung ilong ko. Ewan ko ba kasi sa sarili ko bakit ang arte arte ko. Pinipigilan ko pang umiyak eh doon din naman punta nito. Tengeneeeee. Wala na siya, iniwan na niya ako. Fudgeeeeee! Yung feeling na naiwan na naman ako mag-isa. Huuuuuuuuuh. *Hikbi. Bakit ba lagi na lang akong iniiwanan? Blade! Blade! Nakakainis. Nakakainis na nakakaiyak.

*Iyaaaaak

*Insert Save Your Heart Song - Mayday Parade

(RR'S POV)

When Ms. Walking Disaster Met Mr. Bad JokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon