...(YSABELLI'S POV)
Teka lang, may sinabi ba akong gutom na ako? Tsss.
Naabutan pa namin yung gig ni Bamboo pero grabe, ang daming tao madudurog kami kaya hindi na kami sumingit. Mga amoy kalaban na rin yung ibang nanood sa sobrang siksikan. :D Medyo tanaw naman siya sa malayo. Sheeeeeeeeeet, ang gwapo! Naku for sure, tulo laway ni Leona hanggang talampakan sa mga sandaling to. ^_^
Speaking of my best friend, san na kaya sila ni Caloy? Tawaga---. Ay! Baka matawagan ko. Kasi naman, cellphone ko! </3
Nasa tabi na kami ng Krispy Kreme. Medyo iwas na sa crowd, wala naman akong makitang bakas ni Leona at Carlos doon. Asar! Parang bigla tuloy akong nag crave sa matamis pero hindi pa talaga ako gutom. Ewan, ang gulo.
Aha! May naisip ako.
AKO: Saan tayo kakain?
MAKU: Saan mo ba gusto?
AKO: Sa bahay mo?
Hindi siya umimik. Abnoy din e. Tatanungin ako kung saan kami kakain tapos. Nakoooo.
AKO: Maku, ano? Napapagod na ko e. Ayoko na sa mataong lugar. Doon na lang tayo sa bahay mo.
MAKU: Bakit kasi doon pa e nandito na nga tayo.
Irita niyang sagot habang nakatingin sa mga taong enjoy na enjoy sa Independence Day Gig ni Bamboo.
AKO: Magtatanong ka tapos ayaw mo nung gusto ko, ano ba?
MAKU: Kahit saan wag lang sa bahay.
AKO: E gusto ko sa bahay mo kasi---.
Hindi pa man din ako tapos sa sasabihin ko, bigla na niya akong hinila sa kung saan. Ang ending? Sa tapat ng Sambo Kojin.
MAKU: Dito? pwede?
AKO: Ayoko.
MAKU: Bakit kasi---. Wala na--ma--. Wag na kasi sa bahay.
Buffering? :P
Ano ba kasing meron sa bahay nila, bakit ayaw niya doon? Ah, siguro kasi gutom na gutom na siya tapos ayaw niyang magluto? O baka naman wala siyang lulutuin? Pero imposible kasi hindi nawawalan ng pagkain yung ref. niya. Hmmm.
AKO: Take out?
MAKU: Kol.
Nauna na akong maglakad, siya naman sumusunod lang sa akin.
"Bel"
"Ano?"
"Bakit ang bilis mong maglakad? Hintayin mo naman ako."
"Di ba gutom ka na? Bilisan na natin."
"Saan ba tayo bibili?"
"Sa KFC."
Asar! Ang dami pa niyang tanong. Lalo kong binilisan yung paglalakad ko. Baka mahaba rin yung pila sa KFC. Pag lingon ko, shocks! Ang layo ko na pala sa kanya.
Huminto ako tapos tinaasan ko siya ng kilay at nakapamewang na ako. Bahala nga siya basta o-order na ko ng marami.
KFC Bucket Meal na agad.
Nagulat ako nung magbabayad na ko, bigla na siyang sumulpot. Siya yung nagbayad tapos hindi siya kumikibo.
Nasa parking lot na kami pero wala pa rin siyang imik.
Napapaisip din ako, bakit ganon na lang yung reaksyon niya? Nagulat ba siya kasi yung traumatic place sa akin noon eh napapasok ko na ngayon at nagagawa ko pang orderan siya ng pagkain? Hmp! Oo nga nuh? Waaaaaah! At ako pa talaga yung nagpumilit na dito bumili ng food. Favorite niya kasi diba? Namin pala.