Chapter 35

113 2 0
                                    

*June 10, 2013

(RR'S POV)

Yon! Oo tama. Bumalik na ako. Ang tagal kong nawala. Kaming dalawa ni Pako. Basta mahabang istorya. :)

First day ng klase ngayon. Nakakatuwa. Nagkita kita ulit kami. Pero ngayong 3rd year, medyo malungkot kasi hindi na kami mag kakaklase. Ang gulo lang. Masaya tapos biglang malungkot. Nung 2nd year kasi lahat kami accountancy pa yung course pero after namin ma-encounter yung Accounting 1 & 2 ayun na. Nagkalabasan na ng tunay na interes. Hayup! Nung una gusto mo yung course mo pero nung na take mo na yung accounting, wala na. Sa totoo lang, may chance naman sana kaso yung iba samin, natapat sa prof. na kausap yung board. Nakaka wala tuloy ng gana.

Nung first at second year, lahat kami Section C. Ngayon iba iba na.

Ang hirap kapag scholar. Ang higpit. Pero yung pinaka badtrip talaga don eh yung head ng Accountancy sa school namin. Bago mag summer vacation nung 2nd year, binigyan niya kami ng qualifying exam. Grabe!!! Board exam lang, halimaw! Ang hirap! Pero wala kaming ibang choice kundi i-take yon kahit alam naman nung iba samin na kahit mag exam pa kami, ligwak na.

Pero sa totoo lang, hindi nilabas yung result nung qualifying exam namin. Bakit? Kasi walang pumasa don. HAHAHA! Oo totoo. Ayaw lang mapahiya nung head kaya yon. Yung mga natira na Accountancy pa rin yung course ngayon, binase na lang sa grades nila sa Accounting 1 & 2 kung pasok pa ba sila or lilipat na sila ng ibang course. Katulad nga ng sinabi ko kanina, napunta kami sa professor na laging kausap yung board kaya ayon na nga. Alam na. :)

Noon, tatlong section pa yung Accountancy. A, B at C. Pero nagkalagasan na kaya ngayon, Section C na lang yung Accountancy tapos yung B, Section na namin yon ngayon.

FINANCIAL MANAGEMENT:

Ako, Pako, Sky, Clair, Mina at si Ysabel.

ACCOUNTANCY:

Aira, Sandy, Anabee

Teka, bakit ko ba to kinukwento? Kasi si Mina ang ingay sa room! Kausap niya yung dalawa niyang close friend. Si Myndee at Faye. Classmates namin sila simula pa nung first year pero hindi masyadong close. Si Mina kasi kasama namin yan sa lahat ng mga gala at happenings pero pag nandito sa school kasa kasama niya madalas si Myndee at Faye. Bakit nga ba maingay si Mina? Eh kasi bitter pa rin siya dahil natanggal siya sa Accountancy. Eh masipag pa naman mag-aral yon. HAHA. :D

Ayun, wala pa kaming prof. Jejemon kasi yung schedule namin. Takte ngayong Monday, 2 lang subject namin.

4:00-5:00 FIN4

5:00-6:00 TAX1

Nakakainis. Hindi ako makasilip sa kabilang room. May prof. na kasi agad yung Section C. Badtrip talaga pag Accountancy yung course.

Hindi ko pa tuloy nakikita si Anabee. </3

Si Aira at Sandy lang nakita ko. Si Anabee ni kahit anino niya hindi ko pa nasisilayan. Alam kong galit o may tampo siya sakin. Kailangang mag-usap kami.

4:15pm na pero wala pa rin yung prof. namin kaya eto, ang ingay sa room. Bumabayo!

Teka, hindi lang pala yung prof. namin yung wala pa. Sa tingin ko perfect attendance na kami kaya lang hindi kasi wala pa si Ysabel. Lintik na Panda yon. First day na first day absent?!

Ni-reserve pa naman namin si Ysabel ng upuan. Sa second row kami sa right side nakaupo.

Right-left.

Vacant - Reserved para kay Ysabel, Ako, Sky at Pako.

Sa harap na row naman si Clair, Mina, Myndee at Faye.

*4:30pm

Dumating si Ysabel. Humahangos. HAHA! Tumakbo to. Malamang late na siya. Dapat talaga tumakbo siya. Pero swerte pa rin siya wala pa yung prof. namin. Agaw eksena tuloy siya. Sumenyas ako na dito siya sa kaliwa ko umupo. Ayon umupo naman siya sabay labas ng C2 solo sa bag niya tapos nilagok niya yun ng straight.

YSABEL: Fvck! Late na ba ko?

Madiin niyang bulong sa akin.

AKO: Sa tingin mo?

Hindi na siya sumagot. Tahimik lang siya. Sakto dumating na rin yung prof. namin. Matandang babae na mukhang mabait. Yon.

Natapos yung klase na wala lang. Nagpakilala lang siya. Mrs. Gracia Fernando. 50 years old at may dalawang anak. K. yun na yon. HAHA. Tapos binigay niya lang yung course outline tapos umalis na siya.

Pagkaalis niya, maingay na naman sa loob ng room. Si Mina, may tinanong kay Bel.

MINA: Girl, bat late ka? San ka galing?

Si Ysabel naman L.R. ang tagal kasi bago niya marealize na kailangan niya palang sumagot kasi may nagtanong sa kanya.

YSABEL: Hu-huh? Ano yun?

Yun lang sinabi niya tapos dumating na yung prof. namin sa Tax1. Kaya tahimik na ulit kami.

Shit lang! Yung dahilan kung bakit kami nawala sa Accountancy, siya yung prof. namin sa Tax1 ngayon! Mrs. Melinda Cruz. Waaaaaaaaaaaaaaaaah! Patay na.

Habang nagpapakilala samin si Ma'am siniko ako ni Sky sabay bulong...

SKY: Pre, hanap na tayo ng ibang prof. Delicates tayo dito. Ayoko na ng tres!

Natawa kaming dalawa ni Pako. Takte, katapusan na to ng transcript of records namin!!! >.<

Habang nagbubungisngisan kami, lumapit sa row namin si Ma'am Cruz.

MRS. CRUZ: You, young lady! Why are you texting during our class?!

Yari! Hala. First blood si Bel.

Dinismiss na kami agad after ibigay ni Mrs. Cruz yung author ng book na gagamitin namin. Si Ysabel naman naiwan sa room kausap si Ma'am. Laaah. Baka sermonan siya. Yareee.

Paglabas ng room, hiwa hiwalay na kami ng landas.

Si Pako, malamang may gimik yon. Babae na naman. Ano pa ba? -___________-

Si Mina kasama niya si Myndee, Faye at Clair. Pupuntang Southmall yung mga yon panigurado. Si Sky naman? Hmm... Hindi ko napansin.

Takte, first day loner agad ako? Ano ba naman?!!! Nakatambay lang ako dito sa study area. Ang tagal kasi ng uwian ng Section C. Oo na, oo na. Hinihintay ko si Anabee. Kailangan talaga naming mag-usap kasi alam kong galit talaga siya sakin. </3

*7:30pm

Sa wakas! Uwian na nila. Nakita ko na si Sandy at Aira pero bakit parang wala naman si Anabee? =(

AIRA: Hoy RR! Emo ka dyan? Bat mag-isa ka lang? Nasaan sila?

AKO: Bakit kayo lang? Nasaan si Anabee?

AIRA: Ako yung nagtatanong tapos tatanungin mo rin ako? Ayos ka rin eh nuh?! Try mo kaya muna sumagot!

AKO: Sorry naman... Si Mina, nasa Southmall yun kasama sila Myndee, Clair at Faye. Si Pako, nambababae lang yun o di kaya may practice sila ng sayaw ng mga ka grupo niya. Si Ysabel, ewan ko pero kausap siya ni Ma'am Cruz kanina. Nahuli kasi na nagte-text habang nag i-intro. si Ma'am sa Taxation1. At si Sky naman...

AIRA: Okay na. Yan, matuto ka kasing sumagot muna. Okay, si Ana Barbie wala. May sumundo sa kanya kanina kaya kanina pa namin siya hindi kasama.

AKO: Ganon? Teka, si Sky pala...

SANDY: Naku okay na RR, hindi niya hinahanap si Sky kaya wag ka ng mag explain. Kung si Anabee hinihintay mo, wag ka ng maghintay. Sumabay ka na lang samin palabas kasi wala ka na namang hihintayin.

</3

Sinundo?

Siya?!!!

NINOOOOOOOO!!!!!!!!!!!!!!!!?

Bakeeeeeeeeeeet??!!!!!!!!!!!!!

>_________<

-End of Chapter 35-
@elisiachico

When Ms. Walking Disaster Met Mr. Bad JokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon